CHAPTER 2

7.4K 130 0
                                    




Pagkarating ko dito sa bahay ng mga Samaniego ay agad nag gala ang mata sa kabuuan ng bahay nila. Hanep! Living room palang parang lobby na ng hotel. Pag pinagkumpara to sa bahay namin parang kaha lang ng posporo yung bahay namin.


"Hmm!"


"Ay Palaka!" Napatalon pa ko sa gulat ng humarang sa paningin ko yung Butler nila.


"Hinahanap ka ni Sir Ranz, sa dining area sumunod ka sa'kin." Masungit pang sabi niya. Dali-daling sumunod naman ako.


Namangha na naman ako ng bumungad sa paningin ko ang napakahabang dining table. Wala siguro silang paglagyan ang pera nila. Malaki rin ang bahay namin dati Pero hindi naman ganito kalaki na halos parang hindi na sila magkakakitaan.


"Hey Stupid Woman!" Agad nabaling ang paningin ko sa nagsalita at nakitang si Ranz yon.


Ano daw ako stupid woman?! Tss!


"Who is she Ranz? Girlfriend?" Napatingin pa ko sa batang katabi niyang kumakain. Hindi ba marunong gumalang tong batang to. Sa tingin ko ay nasa twelve years old na tong batang to.


"The hell! No!" Todo tanggi pa ni Ranz, parang talong talo naman to.


"Ah okay, I don't like her."


"Finish your food Niña! we're going after this." Ang alam ko driver ako bakit ba kasi tinawag ako nito dito? "Hey you." Nag angat ulit ako ulo at napapalunok na tumingin kay Ranz. Damn! Bakit ang gwapo? "Do you know Ateneo?"


"A-Ahm. Yes Sir."


"How about Samaniego Company?"


"I know that too Sir."


"Good!" Bumaling pa siya sa batang katabi niya. "Are you done Niña?" Tumango lang yung bata. "Let's go." Tumayo sila at dali-daling nilagpasan ako. Inirapan pa ko ng batang kasama niya bago ako nilagpasan.


Mapagpasensya ako sa bata Pero ang isang to napakasutil mukhang kailangan kong pahabain ang pasensya ko sa isang to.


"Tatayo ka nalang ba dyan?" Masungit na Sabi ni Ranz na nilingon pa ko.


"Sorry Sir." Napapahiyang Sabi ko. At sumunod sa kanila. Pagkalabas namin sa likod ng bahay nila ay bumungad sa paningin ko ang napakaraming sasakyan.


"Here's the key." Agad na nasalo ko pa ang binato niyang susi. Pwede namang iabot. "That one." Turo niya pa sa Aston Martin na asul. "Ingatan mo sa pagdadrive mahal pa sa buhay mo yan." Hindi na niya ako hinintay sinagot at pumasok na sa loob ng sasakyan.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon