RANZ POV
Masayang bumaba ako sa Living Area. Nandoon na si Niña at si Dad nagkukulitan. Last night was memorable. That lips! Ugh! I crave again for that lips. Zoey i didn't know that your lips are so soft. Napangiti pa ko kagabi ng magtago siya sa lapag. Hindi niya ba alam na nakita ko siya. HAHAHAHA! And si Niña kinindatan ko pa siya bago ako magtulog-tulugan.
"Finally you're awake. Let's eat." Sabi ni Dad ng makita ako.
"Yeah awake and feel great." Masayang sabi ko pa.
"Yiiiiieeeehhh! You're handsome Ranz when you're smiling like that." Animoy kinikilig pa na sabi ni Niña
"Matagal naman na kong gwapo little Sis."
"Yeah yeah ! Right." Nakairap pang sabi niya na kinatawa ko nalang.
"You look so happy Son." Nakangiti pang sabi ni Dad. Sumunod pa kami kay Niña papuntang Dining Area.
"Yeah! Very happy Dad." Halata pa ang saya sa boses ko.
"That's good."
Nagsimula na kaming kumain dahil nag mamadali si Dad at marami pa daw siyang aasikasuhin sa Company. Pagkatapos ay nagpaalam na siya samin na mauuna na papuntqng trabaho.
"Ranz i need to go to school now." Napatingin pa ko sa relo ko at napabuntong hininga its 8 o clock in the morning and still no sign of Zoey. Where is she?
"Okay. Butler Nato will send you to your school."
"But i want Ate Zoey." Nakanguso pang sabi niya.
"No! You're late to your class Niña. Go now." Sabi ko pa kay Niña at bumaling pa kay Nato. Nang mawala sila sa paningin ko ay nag hintay pa ko ng sampung minuto bago tumayo.
Damn that woman! Bakit wala pa rin hanggang ngayon?
Paglabas ko ng Bahay ay dali-daling sumakay ako sa sasakyan at nag drive pero hindi pa ko nakakalabas ng village ay natanaw ko si Zoey na naglalakad. Bagsak ang balikat at nangingitim ang ilalim ng mata. Anong nangyare sa babaeng to?
"ZOEY." Malakas na tawag ko pa sa kanya ginala niya pa ang mata at nanlaki ang mata ng makita ako. Dali-dali pa siyang lumapit sa'kin.
"S-Sir, Bakit kayo po ang nagmamaneho?" Tanong niya pa. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas at lumipat sa passenger seat.
"Get in." Agad siyang pumasok at nag simulang mag drive na hindi ako kinikibo. Ano bang problema ng babaeng to? "Bakit ganyan itsura mo? You look horrible." Nakatingin sa labas ng bintana na sabi ko.
"A-Ah... hindi lang po nakatulog ng maayos S-Sir." Nauutal pang sabi niya ramdam ko ang ilang sa kanya. Napangiti ako ng palihim.
Ganon kalakas ang epekto ko sa kanya. Hahahahaha! Sabagay, No one resist me.
"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos?" Pilit itinatago ang ngiting tanong ko pa.
"A-Ah... I-Insomnia S-Sir." Halata ang pagsisinungaling niya. Hindi rin siya makatagal sa titig ko na sa tuwing sisilipin niya kung nakatingin ba ko bigla siyang mag iiwas ng tingin.