Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ng Samaniego ay agad bumaba ng sasakyan si Ranz na hindi man lang pinag buksan ng pintuan ang Girlfriend niya.
"Ranz Wait." Sigaw niya pa at saka bumaling sakin. "This is all your fault!"
"Ha? Why me? Okay ka lang?!" Hindi na niya ko sinagot at sumunod kay Ranz sa loob.
Tignan mo tong mga taong to. Mga bipolar amp!
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko pa si Niña na masamang nakatingin kay Sofia, at si Ranz na nakahawak na naman sa bridge ng ilong nya. Anong nangyare?
"Niña go to your room!" Seryosong sabi ni Ranz na halatang pinipigilan pa ang init ng ulo niya.
"You didn't answer me. I said what is she doing here?" Mataray na tanong ni Niña na tinuro pa si Sofia.
"I SAID GO TO YOUR ROOM NIÑA!" Namumula sa galit na sigaw ni Ranz.
"I hate you Ranz! I hate you!" Umiiyak na sabi ni Niña tumakbo pa siya paakyat sa kwarto niya.
Anak ng pating! Akala ko ako ang hindi makakapag pasensya kay Niña, mas masahol pala ang isang to.
Napatingin pa ko kila Ranz at Sofia. Niyakap ni Sofia si Ranz na parang pinapakalma nakita ko rin kung paano ngumisi si Sofia. I knew it! Maldita talaga tong babaeng to.
"Ahm! Mang Nato." Pabulong na sabi ko napatingin pa agad siya sakin.
"Hm? Bakit Zoey?" Seryosong tanong niya pero ang paningin ay nakila Ranz at Sofia din.
"Can i go to Niña's room?"
"Go ahead!" Nakangiti pang pag payag niya. Humanap pa ko ng tyempo at ng makita kong umupo sila sa sofa ay doon na ko nag lakad loob na umakyat.
"Baby?" Katok ko pa sa kwarto ni Niña, kakatok ulit sana ako ng buksan niya ang pinto. "May i come in?" Nakangiting tanong ko pa na tinanguan niya lang. Sinarado niya ang pinto at umupo sa kama niya kaya nakiupo na rin ako at tinanggal pa ang ilang hibla ng buhok niya na tumatama sa mata niya. "What you did earlier was wrong."
"Am i that bad Ate Zoey?" Nag angat pa siya ng tingin sakin.
"No. You're not bad, Ang gusto ko lang sabihin mali yung ginawa mo kaninang pag sigaw sa kuya mo tsaka yung sabihan siya i hate you masakit yon para sa kanya."
"Ayoko kay Sofia! Sinaktan niya na si Ranz dati ayoko ng maulit yon."
"Alam ko naman yon, ayoko rin naman sa kanya."
"Really?" Masayang tanong niya pa na halatang nakahanap ng kakampi.
"Yes Baby, Really! Pero kasi hindi naman natin pwede sabihin kay Ranz na hiwalayan niya nalang si Sofia, kasi may sarili siyang isip tsaka don siya masaya. Ang pwede lang natin gawin paalalahanan siya at least pag nangyaring iniwan ulit siya ni Sofia, hindi naman tayo yung nagkulang sa pagpapaalala sa kanya di ba?" Hinaplos ko pa ang buhok niya ng humiga siya sa hita ko.
"I'm sorry for what i did earlier." Malambing na sabi niya na nagpangiti sa'kin.
"Kay kuya mo yata ikaw dapat mag sorry Baby."