RANZ POV
"I'm hungry can we eat now?" Reklamo ni Sofia.
"Go on." Walang magawang sabi ko pa.
"Bro ako din kakain na, nagugutom na talaga ako." Sabi naman ni Jefferson na hindi na hinintay ang sagot ko at nagumpisa ng kumain.
"Oh they're here."
Napatingin ako sa exit ng hotel at nanlaki ang mata ko ng makita si Zoey na nakablack swimsuit, hubog na hubog ang katawan niya maliit na bewang, pinagpalang dibdib, manipis na hita at katamtamang laki ng balakang. Napalunok pa ko ng mapatingin sa dibdib niya na halos sumilip na sa gilid ang laman ng dibdib, tayong-tayo ang dibdib na animoy kahit isang beses ay hindi pa nahahawakan.
Damn! Napalunok pa ko ng ilang beses ng nasa harapan ko na siya. Napatingin pa ko sa labi niya. May nag tutulak sakin na halikan ko siya pero todo ang pagpipigil ko.
"Wow! Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-sexy Zoey, kung wala lang akong girlfriend baka niligawan na kita." Napatingin ako kay Aki at sinamaan pa siya ng tingin. Nginisian niya lang ako na parang alam niya ang ibig kong sabihin.
"Ah-hehehehe! Mapag biro ka pala Boss." Pansin ko pang pilit ang tawang sabi niya dahil sa pagkailang.
"Hey Zoey, here sit beside me." Sabi naman ni Jefferson na tinap pa ang bakanteng upuan sa tabi niya. Napabuntong hininga nalang ako dahil panigurado g mag seselos si Sofia pag dito siya umupo sa tabi ko.
"T-Thanks." Nahihiyang sabi niya pa kay Jefferson ng pinag hatak siya ng upuan. Umupo naman sa tabi ko si Niña na ngingiti ngiting tumingin sakin.
I knew it! Siya ang nagpasuot niyan kay Zoey. This little witch.
"Great! Let's eat. Masyado kang pa-star pinag hintay mo kami ng matagal." Sarkastikong pagkakasabi pa ni Sofia. Pero hindi siya pinansin ni Zoey kaya napatingin ulit ako kay Zoey. At yung pakiramdam na gusto kong manapak. Ganon yung nararamdaman ko ngayon. Pinaglalagyan siya ni Jefferson ng pagkain sa plato niya at kitang kita ko pa na nagdidikit ang braso nila.
"Let's eat." Pigil ang inis na sabi ko, at nag simula ng kumain.
Habang kumakain ay hindi ako makapag focus sa usapan nila dahil napapatingin ako sa dibdib ni Zoey na bahagyang gumagalaw din kada subo niya ng pagkain.
Naramdaman ko pa na pumipintig ang nasa ibaba ko kaya iniiwas ko ang tingin ko at pinakalma ang sarili ko. Easy lang buddy.
Nang matapos kumain ay nagpasya kaming maglaro sa dagat si Aki ang manghahabol at kung sino ang mataya niya ay tanggal na ako at si Sofia ang magkakami at si Jefferson at Zoey naman.
"Okay guys, ako ang taya kaya galingan niyo sa pag langoy Bwahahahaha." Sabi ni Aki na malakas pang tumawa siraulo talaga. "Okay. Let's begin." Mabilis kaming lumangoy ni Sofia papunta sa malalim na part. Tanaw ko pa si Zoey at Jefferson na nagpapaunahan sa pag langoy.
"Eto na ko Jeff." Pang aasar pa ni Aki kay Jeff.
"Tangina Bro! Ako agad, pwede namang si Ranz muna." Natawa pa ko sa kanilang dalawa.