CHAPTER 16

5.2K 59 2
                                    








Agad na napadilat ako ng marinig ko ang malakas na pag mumura ni Ranz.



"Are you okay Love?" Nag aalala pang tanong niya at tinulungan akong tumayo. May nakabangga kasi sakin at ang ending ayun lagapak ako dito sa tiles.



"Yes Love, masakit lang ng konti yung balakang ko."



"Stay here, wait for me!"



"Saan ka pupun..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mawala siya sa paningin ko.


"Ang laki laki ng daanan at talagang nabangga mo pa ang girlfriend ko. Nakakapagtaka! Sinadya mo no?!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ranz na hawak hawak na kwelyo yung lalakeng nakabangga sakin.



"S-Sorry po h-hindi ko po sinasadya." Nanginginig sa takot na hinging paumanhin pa ng lalake. 



Agad kong nilapitan si Ranz at hinatak sa braso.



"Love, ano ba yan? Tama na nga." Awat ko pa sa kanya. Pero ang mokong ayaw mag paawat.



"Kanina pa kita napapansin eh! Malayo palang kitang kita ko na yung tingin mo sa girlfriend ko eh." Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kwelyo ng lalake.



"S-Sorry po." Takot na takot ng sabi ng lalake. Napahawak pa ko sa magkabilang sentido ko ng maramdaman kong pumintig yon.




"RANZELLE SAMANIEGO HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?!" Malakas na sigaw ko pa na nakapagpahinto sa kanya. Napabitaw na rin siya sa kwelyo ng lalake kaya agad 'tong nagtatakbo.



"Love naman. Kasi siya naman yung may kasalanan." Maamo pang sabi niya napatingin pa siya sa pwesto ng lalake kanina at ng makitang wala na 'to don ay nag salubong na naman ang kilay nito. "Anak ng... nakataas agad yung gago na yon. Mata niya lang ang walang latay pag nakita ko s..."



"Isa." Madiin na bilang ko pa. Hindi niya pa natapos ang sasabihin na tumingin sakin.


"Hindi na po." Parang batang sabi niya pa. Hinawakan ko na siya sa kamay at nag simula na kong maglakad napasunod naman agad siya dahil hawak hawak ko ang kamay niya. "Love galit ka?" Hindi ko pinansin ang tanong niya at diretso ang tingin na naghanap ng botique ng mga dress and gowns.



"Eto dito nalang tayo bumili." Turo ko pa sa botique at binatawan ang kamay niyang nagpaunang mag lakad papasok.


Habang namimili nakita ko pang nakaupo at nakasimangot si Ranz.



"Pwede ko bang itry to?" Tanong ko pa sa Saleslady dali dali naman siyang lumapit sakin kaya tinuro ko lahat ng gusto ko.



"This way po ang fitting room Ma'am." Nauna pa siya kaya napasunod ako sa kanya. Inabot niya pa sakin lahat ng napili ko at sinukat to isa isa.



Pero ang kahuli hulihang sinukat ko ang nagpamangha sakin ng todo. Long sleeve see through siya pero ang kanan lang ang may sleeve at wala sa kaliwa may  split pa siya sa kaliwang hita at see through sa may bandang dibdib. Dibdib lang ang tinakpan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon