CHAPTER 26

4.9K 80 1
                                    


Kinabukasan ay maaga akong gumising para makausap si Dad. Nang wala akong maabutang tao sa baba ay dumiretso ako sa dining area.


"Finally! Lumabas ka rin ng kwarto mo."


"Whatever Dad." Sabi ko pa kay Daddy, nginitian pa ko ni Mommy na nagpangiti sakin. Ang akala ko kasi nagtatampo siya sa mga pagsagot ko sa kanya ng mga nakaraang araw.


Umupo ako sa upuan na katapat ni Mommy at bumaling kay Dad.


"I need to talk to you Dad."


"Nag uusap na tayo Anak." Pilosopo pang sabi niya. Now i know kung kanina ako nagmana.

"I love Ranz so much. Na kahit may nagawa siyang ikakasakit ko ay handa ko pa rin siyang tanggapin." Kabadong sabi ko pa.

"And? What do you want me to do?"

"Dad naman! Sinasabi ko nga dahil baka di kayo pumayag." Inis pang sabi ko na ikinatawa lang niya.

"Kahit naman hindi ako pumayag ay gagawin mo pa rin ang gusto mo. Sa sobrang tigas ng ulo mo tss!"

"Hahahaha! Buti alam mo Dad." Natatawa pang sabi ko.

"Tsaka isa pa ayokong sisihin ako ng apo ko kung bakit wala siyang tatay." Nangunot ang noo kong tinignan pa siya.

"What do you mean by that Dad?" Naguguluhang tanong ko pa.

"You're still pregnant Anak, sinabihan ko lang ang doctor na sabihin niyang wala na ang Baby, para subukan ang Ranzelle Samaniego na yan."

"What the fuck! Seriously Dad?" Inis pang tanong ko na napahawak sa tyan ko. Totoo ba Baby? Nasa tummy ka pa rin ni Mommy?

"Tss! Nasa hapag kainan tayo Zoey Marie, wag kang mag mura."

"Niloko niyo ko Dad!" Pag dadabog ko pa na pinadyak ang paa ko sa ilalim ng lamesa.

"Panloloko na ba yon?! Tsaka sino ba ang magulang sating dalawa kung pagsalitaan mo ko ay parang ikaw pa ang magulang ah."

"Eh paano nakakainis kayo!" Nakanguso pang sabi ko.

"Ah nakakainis?! Baka gusto mong hindi na makita ang Ranzelle Samaniego na yan!"

"Dad naman hindi mabiro. Ang gwapo gwapo ng Daddy ko oh!" Pang uuto ko pa sa kanya na hinalikan pa siya sa pisnge.

"Tss! Kaya nga patay na patay sakin ang Mommy mo di ba Hon?" Kumindat pa siya kay Mommy pa rang teenager.

"Oo naman Hon." Sinubuan pa siya ni Mommy ng pagkain.

"Nakakadiri kayo Dad! Ang tatanda niyo na po." Pagbibiro ko pa at mabilis na tumayo sa lamesa.

"Aba't siraulo tong batang to! Zoey Marie bumalik ka dito! Bawiin mo yung sinabi mong matanda na kami. Kundi iga-grounded kita." Rinig ko pang sigaw ni Dad. Natatawang lumabas pa ko at ng makita ang ferrari ko ay agad akong sumakay don at pinaandar yon.


Yiiiieeeh! Baby kapit ka lang ng mahigpit kay Mommy ha. Susundan lang muna natin ang Daddy mo.

Pinarada ko ang sasakyan ko malapit sa bahay nila Ranz. Pero apat na oras na ang nakakalipas wala pa ring lumalabas na sasakya  don. Wala bang balak lumabas yung Daddy mo Baby? Kainis naman! Mukhang nagsayang lang ako ng oras dito.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon