CHAPTER 10

5.9K 83 1
                                    




RANZ POV


Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sakin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si Sofia na nakangisi.




"Stop it Sofia." Antok pang sabi ko at tinalikuran siya para matulog sana ulit. Pero hindi siya tumigil at naramdaman ko pang nakapatong ang kamay niya sa alag ko. "I said stop it Sofia." Inis na sabi ko pa.




"Fine! Uuwi muna ko samin." Narinig ko pang padabog niyang sinarado ang pinto. Kaya napadilat ako ng mata.





Mula ng makauwi kami kagabi ay wala na ko sa mood sa lahat ng bagay. Iniisip si Zoey kung maayos ba siyang nakauwi. Aminado akong masakit yung mga nasabi kong salita pero hindi ko sinasadya. Hindi ko nga ba sinasadya?!




Alam ko ring nasaktan siya na pinagbintangan ko agad siya hindi ko nga naman alam kung ano yung unang nangyare kaya bakit sinisi ko siya agad. Alam ko ring may kasalanan si Sofia, dahil kilalang kilala ko na ang ugali niya mean girls kumbaga. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya minahal dati. Alam ko sa sarili kong hindi ko na siya mahal dahil si Zoey na yung nandito sa puso ko, pero paano? Paano ko malalapitan ulit si Zoey? Siguro mag uumpisa muna ako kay Sofia, dapat siguro na makipag break na ko sa kanya.





Bumangon na ako at naligo. Pagkaligo ay agad din akong bumaba at tumambay sa Living Area para hintayin si Zoey at makapag sorry sa kaniya.




Lumipas ang isang oras at wala pa ting Zoey na dumadating. 9 am na nasan ba kaya yon?





"Good morning little Sis." Pilit ang sayang bati ko kay Niña na pababa ng hagdan pero hindi niya ko pinansin at nag diretso papuntang Dining.




Napabuntonghininga pa ko, at naghintay pa ng ilang oras pero sumapit na ang tanghali ay wala pa ring Zoey na djmarating.




"Nato." Sigaw ko pa. Agad namang lumapit si Butler Nato.



"Ano po yon Sir?"



"Tawagan mo si Zoey, tanong mo kung bakit wala pa siya dito." Seryosong sabi ko. Nakita ko pang nag dial siya ng number bago ilagay sa tenga niya sa cellphone.




"Sir, out of coverage."



"Akin na ang number niya ako ang tatawag." Agad niya pang  inilahad ang cellphone niya at pagkakuha ko ng number ay dinial ng paulit ulit ang number niya pero out of coverage talaga.




Nagsimula na kong kabahan ng hindi ko ap rin siya makontak. Nakauwi ba siya ng maayos kagabi. Ramdam ko na rin ang pag bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Inis na binato ko pa ang cellphone ko at napahawak sa bridge ng ilong ko.





"Bakit mo binato?" Napatingin pa ko kay Niña na pinulot ang cellphone ko at pinakita sakin na basag na ang screen.




"Hindi ko makontak si Zoey." Walang ganang sagot ko. Nginisian niya pa ko at pumamewang sa harap ko.




"Bakit mo naman siya kokontakin?"



"Para papuntahin dito! Stop asking Niña, sumasakit ang ulo ko." Pigil ang inis na sabi ko pa.




"Huli ka pala sa balita Ranz." Kunot noo ko pa siyang tinignan at yung na naman ang maldita niyang tawa. "Hindi na papasok si Ate Zoey dito. Hindi na siya babalik dito. Hindi mo ba alam?" Nang aasar pa na sabi niya.




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon