"Sorry Zoey, ayaw lang naming masaktan kayo ni Tita Zarina kaya hindi namin sinabi sa inyo, at alam kong kakamuhian ka ni Ranz pag nalaman niyang ang Presidente ang Dad mo, buong akala niya ay iniligtas lang ng Mom niya ang Dad mo dahil niyakap ng Mom niya ang Dad mo, pero hindi niya nakita na may hawak na patalim ang Mom niya at binalak saksakin ang Dad mo."
"H-Hindi t-totoo y-yan di ba?" Humahagulgol pa rin na sabi ko.
"I'm sorry Zoey, pero yun ang totoo." Napaluhod na ko dahil hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko.
"A-Alam ba ni M-Mayor Samaniego?" Nanghihina pang tanong ko.
"Alam niyang ang asawa niya ang may kasalanan. Nakausap na namin siya ng Dad mo at alam niya ring ikaw ang Anak ng Presidente. Ilang beses niya daw pinaliwanag kay Ranz ang totoo pero sarado daw ang isip ni Ranz, at pinaniniwalaan lang nito ang nakita niya."
"H-Hindi k-ko kaya p-paano pag nalaman n-ni R-Ranz iiwan niya ko." Humahagulgol na napayakap pa ko sa kanya. Hindi ko kaya isipin ko palang na iiwan niya ko para na kong sinasaksak sa dibdib.
"Bibigyan ka daw ng 1 month ng Dad mo, pag katapos ay kailangan mo ng bumalik sa Dad mo kasama si Tita Zarina." Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya.
"N-NO! PLEASE JESSIE, PAKISABI AYOKO PLEASE!" Pag mamakaawa ko pa.
"ZOEY MARIE!" Gulat na napatingin ako sa gilid ang nakita si Ranz na malalaki ang hakbang papunta sa gawi namin ni Jessie.
"L-Love." Takot na sabi ko hindi pa rin matigil ang luha ko.
Takot na gumapang pa ko sa gawi niya. Maingat niya kong itinayo at binuhat tinignan niya pa ng masama si Jessie na nginisian lang siya.
"WHAT DID YOU DO TO HER?" Sigaw pa ni Ranz kay Jessie na may nag aapoy sa galit na mata.
"L-Love u-uwi na tayo please." Binigyan pa ulit ni Ranz ng masamang tingin Jessie bago kami umalis sa lugar na yon. Pag kapasok namin ni Ranz kung saan pinagaganapan ang Party ay takang napatingin pa samin ang mga tao.
"What happened to her Son?" Nag aalalang tanong pa ni Tito.
"Uuwi na kami ni Zoey Dad." Malamig pang sabi niya kay Tito na hindi man lang sinagot ang tanong nito.
Pagkasakay na pagkasakay namin sa limousine ay agad niya kong iniharap sa kanya.
"What happened to you?" Seryoso pang tanong niya.
"M-Meron l-lang kaming di pag kakaintindihan ni Jessie." Pag sisinungaling ko pa na hindi makatingin sa mata niya.
"So... Wala kang balak sabihin?" Malamig pang sabi niya.
"Y-Yun ang totoo Love." Tumulo na naman ang luha sa mata ko.
"Okay!" Pagkasabi niya non ay hindi na niya ko kinibo. Nasaktan pa ko ng lumayo siya sakin at pumunta sa kabilang side ng upuan.