CHAPTER 27

5.3K 75 0
                                    


"L-Love." Agad niya pang tinanggal ang salamin sa mata ko para kumpirmahin.


"A-Ahehehehe!" Nag peace sign pa ko sa kanya at agad tumayo. Akmang aalis na ko ng pigilan niya ang kamay ko.



"We need to talk Love." Hindi pa ko nakakasagot ng hilahin niya ang kamay ko at dinaanan pa namin ang mga kaibigan niya. "Uuwi na kami ni Zoey."


"Zoey... What the fuck! Hi Zoey." Alanganin pang bati ni Jefferson.



"Hindi pa tayo tapos Jefferson! May araw ka rin sa'kin." Banta ko pa. Maingat akong hinila ni Ranz papalabas ng club at nilahad niya pa ang kamay niya. Takang tinignan ko pa yon.



"Give me your key." Galit na utos niya pa kaya maamong binigay ko naman yon.


Pinag buksan niya pa ako ng pinto at agad na pumasok sa driver seat at padabog na sinara yon.



"What are you doing there ha?" Galit pang tanong niya habang nag mamaneho.



"Teka nga! Bakit parang ikaw pa ang galit?" Inis na tanong ko rin. Biglang umamo naman ang mukha niya na tumingin sakin.



"I'm sorry L-Love, i'm sorry for everything please come back to me." Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya na nagpalambot pa ng puso ko.



Napabuntong hininga pa ko pero hindi ko na muna siya sinagot.



Hininto niya ang sasakyan sa mapunong lugar at lumabas. Pinag buksan niya pa ko ng pinto at inalalayang lumabas.


Inupo niya ko sa hood ng kotse at pumwesto sa pagitan ng hita ko.


"Love forgive me please. Promise hindi ko na uulitin yon magpapakabait na ko. Magsosorry rin ako sa Daddy mo. Gagawin ko lahat ng gusto mo love but please bumalik ka na sakin. Hindi ko na kaya." Lumuluha ng sabi niya at yunakap pa sa bewang ko sinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko pa ang luha niya.



"Listen to me." Pinilit ko pa siyang alisin sa pag kakasubsob niya sa leeg ko pero umiiling lang siya.



"Wag mo namang ilayo ang sarili mo sakin Love please nagmamakaawa ako."



"Tss! Makinig ka muna kasi." Napabuntong hininga pa ko ng hindi pa rin siya umaalis sa pagkakasubsob niya sa leeg ko. "Hindi na kailangang patawarin kita." Sabi ko pa na lalong nag paiyak sa kanya naririnig ko na rin ang hagulgol niya.



"Love hindi na kailangang patawarin kita dahil hindi naman ako galit sayo." Sabi ko ulit na nagpatigil sa kanya sa pag iyak at takang tumingin sakin.



"What do you mean Love?" Pinunasan ko pa ang luha niya sa mata at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nagulo.




"Hindi ako galit sayo Love. Oo nasaktan mo ko pero kasi aminado naman ako na may kasalanan din ako sayo. Hindi ko nasabi agad kasi natakot akong ipag tabuyan mo ko."



"Oh God! Thank you Love and i'm sorry dahil sakin nawala ang Baby natin. Ang tanga tanga ko."



"Don't be sorry Love." Nakangiti pang sabi ko.



"P-Paano ang Dad mo Love? Baka ilayo ka niya sakin." Yumakap ako sa kanya kaya dikit na dikit ang katawan niya sa katawan ko. Nakatingala pa kong ngumiti sa kanya.



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon