CHAPTER 25

5.1K 69 0
                                    



Pagkarating namin sa hospital ay natanaw ko na agad sa labas ng operating room ang Daddy at Mommy ni Zoey. Akmang lalapit pa ko ng harangin kami ng mga body guards nila.


Nagmamakaawang tumingin pa ko kay Tita pero iniiwas niya lang ang tingin sakin.


"T-Tita please. I need to see Zoey Please." Pag mamakaawa ko pa na lumuhod sa harapan nila.


"You want to see my daughter?!" Sarkastikong sabi ng Daddy ni Zoey at tumingin ng matalim sakin. "Kanina lang hiniling mo na sana mamatay na siya di ba!"



"S-Sir, i'm so sorry. Please let me see Zoey, mahal na mahal ko po si Zoey please."


Tangina! Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi yon. Sana ako nalang! Sana sakin nalang nangyari! God please, mabuhay lang sila ng anak namin gagawin ko po lahat.


Pero wala akong makuhang sagot sa kanila. Tumingin pa sila sa salamin ng emergency room. Nangangatog ang paang lumapit ako para makita si Zoey at parang gumuho ang mundo ko sa nakita kong ayos niya.


Putok ang labi, maraming galos at may benda pa sa ulo niya. May tubo pang nakakabit sa bibig niya.


"L-LOVE! P-PLEASE LUMABAN KAYO NG BABY NATIN LOVE!" Sigaw ko pa hiling ko pa na marinig niya. Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto kong saksakin ng paulit ulit ang sarili ko.



Ilang oras pa ang nakalipas pero hindi pa rin ako mapakali. Hinayaan na ko nila Tita na mag hintay dito sa labas ng emergency room. Pero may kondisyon sila hindi ko na daw pwedeng lapitan si Zoey. Hindi nalang ako sumagot pero hindi ibig sabihin ay sang ayon ako don.


Sabay sabay pa kaming napatayo ng lumabas ang doctor sa emergency room.


"W-What's happening, Doc?" Kinakabang tanong ni Tita. Umiling pa ang doctor na siyang kinagunaw ng mundo ko.


"Anong nangyari sa kanya? Sumagot ka ng maayos." Hinawakan ko pa sa magkabilang kwelyo ang doctor.


"The Baby is gone I'm sorry." Nag unahan sa pagbagsak ang luha ko at walang lakas na napaupo.


"H-Hindi. H-Hindi yon totoo. Please sabihin niyong hindi yon totoo nagmamakaawa ako." Humahagulgol pa kong lumuhod sa harapan ng doctor. Umaasang babawiin niya ang sinabi niya pero iling lang ang ginawa niya.


Napatingin pa ko sa mga Nurses na lumalabas tulak tulak ang kinahihigaan ni Zoey, kahit walang lakas ang tuhod ay pinilit kong tumayo para abutin siya.  Pero hinaharang ako ng mga body guards ng Presidente.


"DAMN! PLEASE! LET ME HOLD ZOEY!" Sigaw ko pa. Pero nakaalis na ang mga Nurses na hindi ko man lang nahawakan si Zoey. Agad akong humarap sa Mommy at Daddy ni Zoey. "Sir please, wag niyo namang gawin  to please! Wag niyo pong ilayo sakin si Zoey. Nagmamakaawa ako." Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya humarap ako kay Tita. "Tita." Hinawakan ko pa angkamay niya at lumuhod sa harapan nila. "Tita please hindi ko kakayanin pag nilayo niyo sakin si Zoey, mamamatay ako Tita please." Ramdam ko ng magang maga ang mata ko kakaiyak pero wala na kong pakielam sa lahat. Kahit mag mukha akong nakakaawa gagawin ko lahat ibalik lang nila sakin si Zoey.


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon