CHAPTER 30

4.8K 64 1
                                    


Masasabi kong sa nakalipas na isang buwan ay naging sobrang busy namin ni Ranz para sa wedding namin. Ang sabi pa niya ay kumuha nalang kami ng wedding planner pero syempre hindi ako pumayag. Wedding namin to kaya dapat kami ang mag ayos.

"Love, how about this one? Try this."

"I love that one Love." Inagaw ko pa sa kanya ang plato na may salted caramel flavor cake. Nag c-cake test kasi kami ngayon para sa wedding cake namin.

"I love you!" Hinalikan niya pa ko sa labi gulat pa kaming napatingin sa harap ng tumili ang bakla na assistant ng owner ng cake shop.

"And i love you more." Nginitian ko pa ang bakla dahil kilig na kilig siya samin ni Ranz.

"Finally! Tapos na. Makakapagpahinga ka na ng maayos, wag ka ng masyadong msg isip ng mag isip Love ha! 1 week pa before ang wedding natin mag pahinga ka muna okay."

"Yes Love." Masayang sabi ko pa at niyakap siya.

"Thanks for today! We are leaving now." Paalam niya pa sa owner ng cake shop.

Inalalayan niya pa kong sumakay ng sasakyan at mabilis siyang umikot at pumasok sa driver seat. Kinabitan niya pa ko ng seat belt.

"Where do you want to go Love?"

"Mall. Bumili tayo ng baby clothes Love." Masaya pang sabi ko. Napasulyap pa siya sakin bago ibaling ang tingin sa daan.

"Pero hindi pa natin alam ang gender niya Love."

"Alam ko na kaya Love." Napakunot pa ang noo niya.

"Paanong alam mo na Love? Di ba hindi pa malalaman ang gender pag wala pang 5 months?"

"Lalake tong Baby natin Love."

"Ha? Hahahaha! Paano mo nalaman Love?" Masaya pang sabi niya na hinaplos ang tyan ko.

"Nung panahon na nasa bahay kami ni Dad, yung akala ko wala na yung Baby natin. Napanaginipan ko siya yung Baby natin. Nakikipag habulan daw siya sakin tapos dumating ka nahuli mo day siya. Ang saya saya natin don Love." Naluluhang hinaplos ko pa ang tyan ko. "Yun din yung time na pagkagising ko gustong gusto kitang makita kaya sinundan ka namin. Parang binubulong niya kasi sakin na Momma Balikan mo na si Dada."

"Ikaw Baby ah! Thank you Anak, tinulungan mo kong maibalik si Mommy." Pinasok niya pa ang kamay niya sa damit ko at hinaplos haplos yon.

"Tsaka Love, may pangalan na tayo sa kanya."

"Ano Love?" Excited pang tanong niya.

"Raiden." Nanlaki ang mata niyang napatingin sakin. "Bakit Love?"

"Raiden dapat daw ang ipapangalan sakin ni Mommy, pero ayaw ni Daddy." Napangiting hinaplos ko pa ang pisnge niya.

Ngayon masasabi kong we destined for each other.

"Love, look at this." Lumapit pa ko kay Ranz na nag titingin din ng Baby clothes hinarap ko pa sa kanya ang romper na light blue na may nakasulat na 'HANDSOME LIKE DADDY' napangiti pa si Ranz na kinuha yon at tinapat sa tyan ko.

"Anak, tignan mo kung anong pinili ng mommy mo oh." Nakangiti pang sabi niya. "Handsome daw si Daddy kaya patay na patay sakin ang Mommy mo eh!"

"Hahahaha! Ano ka ba?!" Pinalo ko pa siya sa braso. Nagulat pa ko ng hapitan niya ko sa bewang.

"Sige nga Love, titigan mo ko at sabihing mong hindi ako gwapo." Nang aakit pa ang boses na sabi niya. Napalunok pa ko ng matitigan ko ang labi niya.

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon