ZOEY'S POV
"Peste ka Aron! Hindi ko alam na ganon pala kahirap ang trabaho mo. Napagod yung katawang lupa ko."
"Sinabi ko naman kasi sayo na wag ka ng sumama nagpumulit ka pa yan tuloy napagod ka Hahahaha!" Natatawang sabi niya pa na umakbay sakin.
Pumunta kaming Cavite para mag harvest ng mga fruits. Pero ang nakakainis don kami na nag harvest kami pa nag karga sa truck at kami pa rin ang nag deliver.
"Tangina! Eh mas madali pa ang pag boboxing kesa don eh! Sa boxing makikipag suntukan ka lang at pag nanalo ka may malaking pera ka na."
"Wala naman akong talent sa pag boboxing tsaka ayokong masira ang gwapong mukha ko."
"ULUL! Ang kapal ng mukha mo." Natawa pa siya sa sinabi ko.
"Yun na yung bahay niyo ha!" Takang sabi ko pa ng lagpasan namin ang bahay nila.
"Ihahatid kita tsaka magpapasalamat ako kay Tita."
"Wow! Parang ang layo naman ng bahay namin. Eh ayun na nga oh...." Napahinto ako sa paglalakad at pagsasalita ng makita si Ranz na nasa tapat ng tindahan namin at nakikipag inuman kila Mang lito.
"Wag kang mag alala Zoey back up mo ko."
"Kingina ka ulul! Back up ibig sabihin mauuna muna ako tapos pagkawawa na ko tsaka ka lang aaksyon." Mura ko pa sa kanya. Napatingin pa ulit kami kay Ranz at nakitang nakatayo na siya at titig na titig samin ni Aron.
"Hahahahaha! Parang ganon na nga." Kabadong tawa niya pa ng makitang masama ang titig sa kanya ni Ranz. Pero hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sakin.
Anong ginagawa nito dito? At nakuha pa talagang makipag inuman.
"Zoey." Tawag ni Ranz sa pangalan ko pero na kay Aron ang tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko. At yun palang siyang tumingin sa'kin biglang lumambot ang expression ng mukha niya. Akmang hahawakan niya pa ang mukha ko ng hatakin ako ni Aron at lalong inilapit sa kanya. Kung titignan tuloy para na siyang nakayakap sakin.
Ang baho pa naman ng isang to amoy pawis.
"Tinatanong ka ni Zoey kung anong ginagawa mo dito?" Lakas loob na sabi ni Aron palihim na natawa pa ko ng napalunok siya. Hahahaha! Ano ba naman kasing laban niya kay Ranz eh ang laki ng katawan.
"I'm not talking to you!" Madiing sabi ni Ranz at tumingin pa sa braso ni Aron na nasa balikat ko. "Let her go!" Maawtoridad na utos pa ni Ranz.