CHAPTER 21

5.2K 58 0
                                    

ZOEY'S POV



Anak ng pating naman ang sakit ng ulo ko! Mukhang naparami ang nainom ko kagabi at pati mukha ni Ranz nakita ko pa.


Saan nga ba ko natulog?


Dahan-dahan ko pang dinilat ang mata ko at sumalubong sakin ang sinag ng araw. Ginala ko pa ang mata ko.


Bakit ako nandito?


"Good morning Love." Agad na nabling ang paningin ko sa hinihigaan ko at gulat ang matang dali-daling umalis sa ibabaw ni Ranz.


"Bakit ako nandito?"


"Sinundo kita kagabi Love, di mo naaalala?" Tanong pa niya may kinuha pa siya sa lamesa na tray at lumapit sakin. "Breakfast in bed." Nakangiting sabi pa niya.


"Ayoko niyan." Pang gagaya ko pa sa sinabi niya sakin kahapon. May kasalanan ka pa sakin akala mo ha!


"But, niluto ko lahat to Love." Hindi ko na siya pinansin. Tinignan ko pa kung ano ang suot ko. Shirt at short. Napakapa pa ko sa dibdib ko.


Nagmamadaling lumabas pa ko ng kwarto at patakbong bumaba.


Sorry Love! Gaganti lang ako kahit ngayong araw lang. Hahahahaha!


"Good morning Ate Zoey." Napangiti ako ng maabutan si Niña at Tito na kumakain sa dining area.


"Good morning Niña, good morning Tito."


"Sinabihan na kita eh! Sabi ko di ba tawagin mo nalang akong Daddy."


"Ay! Sorry po Daddy."



"Have a seat iha, kumain ka na." Sinenyas niya pa ang bangkuan sa gilid niya kaya umupo ako don at naglagay ng pagkain sa plato ko. "I heard what happened yesterday." Napatingin pa ko kay Tito dahil sa sinabi niya.


"Samin po ni Ranz?" Tanong ko pa na tinaguan niya. "Tito, okay lang po ba kung bigyan ko ng konting leksyon ang Anak niyo?" Alanganing tanong ko pa. Nagulat pa ko nung tumawa siya.



"Go ahead iha, we will support you." Nakangiting sabi niya pa na nginuso si Niña.


"Yiiiiieeeeh! Exciting." Kinindatan ko pa siya at pasimpleng ngumuso sa likod ko kaya alam kong nandon na si Ranz.


"Love, can we talk?" Humila pa siya ng bangkuan sa tabi ko at pinatong pa ang kamay niya sa hita ko.


Pinigilan ko pa ang mapakislot dahil baka makahalata siya.


"Aw! Sorry kuya, but me, Dad and Ate Zoey will go somewhere." Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ng mapakunot noo si Ranz. Pigil ang tawang kinagat ko pa ang dila ko.


"Dad where? Bakit kasama pa si Zoey?" Inis na tanong ni Ranz kay Tito.


"Kaming dalawa lang dapat ni Niña pero gustong isama ng kapatid mo si Zoey kaya why not." Kibit balikat pang sabi ni Tito.


"Hindi ka papasok Dad?"



"Hindi. Papasok ka di ba?!" Ang galing din umarte nito ni Tito eh pwedeng manalo ng Famas Award Hahahahaha!


"Hindi din Dad, sasama ako sa inyo."



"Nah! Wag na Son maboboring ka lang don. Ayaw mo sa amusement park diba?!"



The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon