Dinilat ko ang mata ko ng may marinig akong kaluskos. Napatingin pa ko sa pinang galingan non at nakita si Niña na dahan dahang lumalapit sa kama kung saan kami nakahiga ng kuya niya.
"Psst! Niña." Mahinang tawag ko pa sa kanya may nanlalaking mata pa siyang napatingin sakin.
"A-Ate Zoey, Hihihihi!" Kumaway pa siya sakin.
"Anong ginagawa mo dito? Natutulog pa ang kuya mo." Napatingin pa ko kay Ranz na tulog na tulog pa sa tabi ko at mahigpit na nakayakap sa bewang ko.
"Wala po Ate Zoey, Sige bye."
"Lock the door." Mahinang sabi ko pa tumango naman siya sakin at dali daling lumabas at malakas pang sinarado ang pinto.
Napapikit ko sa lakas ng pagsara non at napatingin kay Ranz.
"Hm!" Ungot pa ni Ranz sa tabi ko at nspahawak pa sa ulo. May hang over to panigurado. "Ugh! Shit!" Napaupo pa siya at inis na binuksan ang mata. Nginitian ko agad siya at nanlalaki ang matang napapikit pa siya ng ilang ulit. "Love." Natawa pa ko ng hawakan niya ko sa magkabilang pisnge. "Love ikaw nga Love." Napaigik pa ko ng mahigpit niya kong yakapin.
"Love papatayin mo ba ko sa yakap mo?" Tanong ko pa pero parang wala siyang narinig at mas hinigpitan pa ang yakap niya. "Love hindi na ko makahinga." Hinihingal pang sabi ko nahampas ko pa siya sa braso.
"Love totoo ka diba?! Hindi ako nananaginip love diba?!" Tumutulo pa ang luha na sabi niya.
"I love you." Pagkasabi ko non ay hinalikan ko pa siya sa labi at madiin na kinagat ang labi niya.
"Aw!" Napahawak pa siya sa labi niya.
"Ayan Love, tingin mo nananaginip ka pa?" Natatawang sabi ko pa.
"Oh God! I love you, i love you, i love you." Tinadtad niya pa ng halik ang mukha ko na ikinatawa ko. "Don't leave me again okay?"
"Opo! Sorry kung basta nalang kita iniwan Love." Hinaplos ko pa ang mukha niya.
"No! Ako dapat ang mag sorry Love dahil sa nagawa ko sayo." Niyakap niya pa ko ng mahigpit at ramdam ko ang panginginig niya at takot na mawala ako.
"Okay na po yon Love, sorry din."
"No. That's not okay Love, tignan mo nga." Gulat ako ng bigla niya pang iangat ang shirt ko at ituro ang dibdib ko. "Ayan oh nagpasa. Anong okay dyan."
"Tss! Okay na nga Love."
"Gantihan mo rin ako Love, lagyan mo rin ako ng pasa bilis." Humiga pa siya at itinaas ang magkabilang kamay niya. Naningkit pa ang mata ko na tinitigan siya.
"Love, ako ba pinagloloko mo eh syempre pabor na pabor yon sayo." Nagpipigil pa siya ng tawa na tumayo at umatras.
"Hahahaha! Hindi kaya Love." Kabado pang tawa niya na dahan-dahang naglakad papuntang banyo.
"Hep! Saan ka pupunta?" Nakataas kilay pang tanong ko at bumaba sa kama para harangan siya.
"Maliligo Love para makapag breakfast hehehehe!" Pag iwas niya pa sakin.
"Puro ka kalokohan! Bilisan mo maligo ako sunod para makapag breakfast na tayo." Sabi ko pa na pumasok ng closet para kuhaan siya ng damit.