"ZOEY BILISAN MO NAMAN!"
"ETO NA!" Natataranta pa kong sinuot ang doll shoes ko. "Bakit ba kasi hindi ako ginising ni Ranz?!" Inis na sabi ko pa pag kalapit kay Samantha.
Pag kagising ko wala na si Ranz, wala rin si Niña at Daddy, ang naabutan ko lang dito ay yung mga maids.
"Aba malay ko bakit hindi mo tawagan ang soon to be husband mo." Inis akong nilingon siya pag kasakay namin sa sasakyan.
"Tingin mo hindi ko naisip yon?! Nakapatay ang phone niya." Nagsimula na siyang mag drive, papunta sa pag gaganapan ng press conference ni Daddy, ipapakilala niya na kasi kami sa publiko ni Mommy, at ito namang si Ranz ay nauna na daw don sabi ng mga maids kasama si Niña at Daddy.
Ang nakakainis pa nag iwan lang siya ng sulat na mauuna na daw sila. Binilin niya lang ako kay Samantha kaya nandito ang isang to para ipag drive ako.
Siya ba ang Anak ng Daddy ko at siya pa tong nagmamadali. Nakakainis! Hindi ko talaga siya papansinin.
"May dala ka bang panyo?" Takang napatingin ako kay Sam.
"Aanin ko naman ang panyo? Tss!" Inis pang sabi ko na sumulyap sa labas ng bintana.
"Wala naman! Baka maiyak ka lang sa press conference ng Daddy mo."
"Ano ba yang pinag sasabi mo Sam?! Ang corny mo." Ay ewan! Wala talaga ako sa mood. Nabibwisit ako kay Ranz.
Nang makarating kami sa pag gaganapan ng press conference ay pinag buksan pa ko ng isa sa mga body guard ni Daddy.
Wala pang sabi sabi na iniwanan ko si Sam at pumasok sa loob. Bumungad pa sakin ang napakaraming media. Nag sisimula na rin ang interview at talagang hindi man lang nila ako hinintay.
Parang maiiyak sa inis na dumiretso pa ko ng lakad.
"My Daughter is here. Come here Anak." Nalalingon sakin lahat ng reporter. Nasilaw pa ko sa flash ng camera na kabi-kabila ang pag kuha sakin ng litrato.
May humawak sa kamay ko. Agad pa kong napalingon don at ng makitang si Ranz yon ay padabog ko pang hinila ang kamay ko at dumiretso ng upo sa tabi ni Mommy.
"I'm sorry, mukhang wala yata sa mood ang Anak ko. Hahahaha!" Rinig ko pang sabi ni Dad na kinatawa pa ng mga reporter.
"Love, doon ang upuan natin." Hinawakan niya na naman ang kamay ko at akmang hihilahin ako patayo ng pinabigat ko pa ang sarili ko. "Love?"
"Tss! Umupo ka mag isa mo don. Bahala ka sa buhay mo." Inis pa na sabi ko na medyo napalakas kaya napatingin sa gawi ko ang mga reporter.
"Sige na Ranz, hayaan mo na muna siya dyan. Mukhang masama ang gising." Narinig ko pang bulong ni Mommy kay Ranz. Napahuntong hininga pang sumulyap sakin si Ranz.
"I love you." Hinalikan niya pa ko sa noo bago umalis. Sinilip ko pa siya at nakitang naupo siya sa dulong bahagi ng pahabang lamesa.
"I'm sorry again, alam niyo naman pag buntis mainitin ang ulo." Sabi pa ni Dad sa mga reporter. "At katulad ng sinabi ko kanina si Ranzelle Samaniego ang soon to be husband ng anak ko." Hindi ko na sila inintindi. Magdamag lang akong nakasimangot at nakatagilid pa ng upo sa kanila. Alam kong tinatanaw pa ko ni Ranz pero pilit kong hindi talaga siya nilingon.