"ATE ZOEYYYYYY." Napangiti ako ng makita si Niña na tumatakbo palapit sakin. Agad pa siyang yumakap sa bewang ko.
"Hello Niña, miss na miss mo ko?" Tanong ko pa at nakangiting tumango naman siya. "Pero paano ba yan hindi mo na ko mamimiss." Kunwaring malungkot na sabi ko pa.
"Ha? Why po?" Bakas pa ang pagtataka sa mukha niya.
"Kasi dito na titira si Ate Zoey mo." Napalingon pa kami ni Niña kay Ranz na nag salita mula sa likod. Bitbit ang mga gamit ko na lumapit samin.
"Really Ate Zoey?" Hindi makapaniwalang paninigurado pa ni Niña.
"Yes little sis. Because Ate Zoey is my wife now." Umakbay pa siya sakin at hinalikan ako sa pisnge. Hiyang hiya na napatingin ako sa mga kasambahay nila Ranz at kay butler Nato na nakangiting nakatingin samin.
"Tss! Wife ka dyan. Baka maniwala si Niña." Hinampas ko pa siya sa tyan at shit! Ang tigas.
"Don din naman ang punta natin Love." Parang batang nakanguso pa siya na kinatawa ko. "Where's Dad?" Baling niya pa kay Niña.
"Nasa office niya Ranz." Turo pa ni Niña sa taas.
"Okay. Go to sleep na, Me and Ate Zoey will talk to Dad." Gulat na napatingin ako kay Ranz. "Why Love?" Bulong niya pa.
"Kinakabahan ako." Balik ding bulong ko na kinatawa niya lang. Nag paalam pa kami kay Niña at umakyat sa taas para puntahan ang Daddy niya.
"Mabait si Dad Love, wag kang kabahan okay? Tsaka kasama mo naman ako. Kung sakaling ayaw niya sayo aalis tayo pareho." Biro niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just kidding Love." Ninakawan niya pa ko ulit ng halik sa labi at saka kumatok.
"Come in." Dinig pa namin ang baritong boses na sabi ng Daddy niya.
"Hi Dad." Bati pa niya pag kapasok namin sa loob. Napatingin pa sakin ang Daddy niya saka ako nginitian. At aaminin ko gumaan ang pakiramdam ko.
"Hello Beautiful Lady." Bati niya pa sakin.
"Hello po." Nakangiting bati ko rin.
"Oh Dad, she's mine already." Hinawakan pa ko sa bewang ni Ranz at lalong inilapit sa kanya.
"Hahahaha! I know Son. So... what is it?" Natatawang sabi pa ng Daddy niya.
"Gusto ko lang sabihin na dito na titira si Zoey Dad."
"No problem Son." Gulat na napatingin pa ko sa Daddy niya. Ganon lang yon wala ng tanong tanong. "So... go to your room and make my grandchildrens." Ramdam kong namula ang mukha ko sa hiya.
"As you wish Dad."
"RANZ." Sigaw ko pa sa kanya. Nahihiya na nga ako eh. Gatungan pa raw ba ng ganon. Ngumisi lang siya sakin at hinawakan ang kamay ko pahila sa labas.
"Bye Dad." Sigaw pa ni Ranz na nagmamadali. Hindi man lang tuloy ako nakapag paalam ng maayos.
Dumiretso kami sa kwarto niya at agad niyang nilock ang pinto. Nag dududang napatingin pa ko sa kanya ng mag simula siyang lumapit kaya umatras ako ng umatras hanggang sa hindi ko nalamayang napaupo na ko sa kama.