Pag karating na pagkarating namin dito sa isang Hotel kung saan pinag gaganapan ang party. Ay agad na napatingin samin ang mga tao. Mahigpit pa ang pagkakahawak ni Ranz sa bewang ko na animoy isang pagkakamaling bitawan niya lang ako ay mapupunta na ko sa iba.
Nakakatawa lang isip na sa gwapo niyang 'to ay wala pa pala siyang ganon kalakas na confident para sa sarili niya.
Maraming bumabati kay Ranz na tinatanguan niya lang at nginingitian. Lumapit agad kami sa table ng Daddy niya na may mga kasama pa sa mesa ang kilala ko lang don ay si Butler Nato na nakatayo lang sa likuran niya. Karamihan kasi ng kasama jiya sa table ay mga Mayor na hindi ko kilala.
"Hi Dad." Agaw pansin niya sa Daddy niya. Nag excuse pa muna to sa mga kasama sa table bago tumayo.
"What a lovely couple." Bati pa samin ng Daddy niya. "You're so gorgeous iha."
"Thank you po Tito." Nakangiting sabi ko pa.
"I told you call me Dad." Natatawa pang sabi niya.
"I'm sorry Ti--- i mean Dad."
"That's better." Humarap pa siya sa lamesa kung saan nakatingin na samin ang mga kasama niya. "My fellow Mayors. This is my Son's Girlfriend Zoey Dela Vega." Nakangiting pakilala pa sakin ni Tito.
Napatingin pa ko kay Ranz na humigpit ang kapit sa bewang ko bago isubsob ang mukha sa balikat ko. "Kahit may mga edad na ang mga yan nagseselos pa rin ako sa tingin nila sayo." Natatawang hinampas ko pa ng mahina ang balikat niya.
"You're gorgeous iha." Papuri pa ng ilan.
"Thank you po." Magalang at nakangiti pang pagpapasalamat ko.
"Love, wag mo sila masyadong ngitian para sakin lang ang mga ngiti na yan."
"Oo na po. Ang OA mo!" Mahinang bulong ko rin.
"You have a nice surname iha." Napatingin kami ni Ranz sa matandang nasa kaliwang bahagi namin. "The President is Dela Vega too." Parang biglang nabingi ako. Kinabahan ako ng matindi napatingin pa ko kay Ranz ng humigpit pa lalo ang hawak niya sa bewang ko. Kita ko pa ang galit sa mga mata niya.
Bakit siya nagagalit?
"A-Ahehehehe! Marami naman pong mag kaka-apelido sa buong mundo." Kinakabahang pagdadahilan ko pa. "Ouch!" Napaigik pa ko sa sakit ng parang pinipiga na ni Ranz ang bewang ko.
"I'm s-sorry L-Love." Parang napapasong napabitaw pa siya sakin at nag aalalang tumingin sa mata ko. "I'm really sorry Love, are you okay?" Parang maiiyak pa na tanong niya. Napabuntong hiningang tumango nalang ako. "Excuse me for a while." Paalam pa ni Ranz sa Daddy niya at sa mga kasama nito sa table. Hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila kung saan.
Huminto pa kami sa isang table na may nakalagay pa na reserved for Ranzelle Samaniego. Pinag hila niya pa ako ng upuan at umupo sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
"Love I'm sorry for what i act earlier." Hinaplos ko ang pisnge niya kaya napaangat ang tingin niya sakin.
"Its okay Love but, what happened?" Napabuntong hininga pa siya bago umiling.
"Nothing Love." Tsaka ako ako kinintalan ng magaan na halik sa labi.
"Anak ng pating naman! Kahit saan naman kayo mag punta ay nagtutukaan kayo." Gulat na napatingin kami sa taong nakatayo sa harap ng mesa at natawa pa ko ng makitang si Aki at Hefferson yon.