FUBU 2

4.2K 41 1
                                    

FUBU 2

*Ding* *dong*

Nagkatinginan kami ni mama. Sino naman kaya ito? Anong oras na may nag do doorbell pa. Nakita kong lumapit doon si Papa. Sumunod naman kami ni mama. Sinilip ni papa kung sino yun. Maya maya pa ay binuksan nito ang pinto at nakita ko si Amon na nasa harap ng bahay naming.. Ghad!! Bakit sya nandito!?

"Amon! Ano't naparito ka?" Tanong ni papa. Muka itong balisa at may hinahanap..

"Si Max po kasi di pa umuuwi. Anong oras na. Nandito ba sya? Wala naman po kasi syang pupuntahang iba kundi dito lang."

ANO!! Di pa umuuwi ang babaeng yun!? San naman kaya yun nagpunta!?

"Wala sya rito. Lara nakita mo ba si Maxine??" Tanong sakin ni mama.

"Huling kita ko sa kanya ay kanina pang tanghali. Akala nga naming ay umuwi na dahil di naman pumasok kaninang tanghali. Pati sa bilyaran wala rin sya. Doon lang naman ang punta nun." Sabi ko.

Napakamot naman sa ulo si Amon at halatang nag aalala na sa kapatid nya. Ako rin nag aalala na ako sa gagang yun san naman kaya yun pumunta!

"Sige po. Hanapin ko nalang po sya. Pasensya po sa aabala." Sabi nya at nagpaalam na.

"Wait,Sama akong maghanap." Sabi ko. Napatingin naman sya sakin. Pati na rin sila mama.

"Gabi-"

"Di rin naman ako mapapalagay na nasa kwarto lang habang nawawala si Max. Ihahatid naman po siguro ako ni Amon or doon nalang po ako makikitulog. May gamit naman po ako sa kanila." Sabi ko. Wala naman silang nagawa. At saka may tiwala naman sila kay Amon. Lumabas na kaming dalawa at magkasamang pumunta kung saan saan. Ang lamig. Naka jogging pants naman ako at tshirt na adventure time. Bigay to sakin ni Max last year ng birthday ko. Sinupalpal pa nya sa mukha ko. Ang bait na kaibigan diba?

Napayakap nalang ako sa sarili ko lalo na ng umiihip yung hangin.

"Di ka na sana sumama." Sabi nya sakin. Naka sando lang syang kulay puti at jersey shorts. Di ba sya nilalamig?

"Di rin naman ako naman ako makakatulog na di ko nalalaman kng maayos si Max o hindi." Sabi ko napatingin naman sya sakin at nginisihan ako. Anong kalokohan???????

"Nako, crush mo lang ako kaya mo ako sinamahan eh." Inakbayan nya ako.

O\\\O Nilayo ko sya sakin. Ang tapang naman ng hiya nya! Di ko kaya sya crush nuh. Mahal ko sya!

"Wish mo naman. Tigilan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya. Natawa naman sya sakin. Hmp Kinikilig ako. Tinawanan naman nya ako at inakbayan ulit.

"Dito ka nalang para mainitan ka naman." Sabi nya at mas lalo akong inilapit sa kanya. Ang bango nya! KYAAAHHH Blessing ba to? Matagal tagal di kaming naglakad lakad at nagpunta sa kung saan pa pumupunta si Max. Sa lahat ng bilyarang malapit, computer shop. Di naman yun pupunta doon dahil may internet sa bahay nila. Last stop naming is sa convenient store.

"Lika." Sabi nya at pumasok kami sa loob ng convenient store. Marami raming babae dito na nakatingin sa kanya. Ano ba naman yan! Sya na gwapo.

Pinapo nya ako sa isang tabi at sya na ang bumili. Pucha naman. Nakikipaglandian sya sa babaeing nasa counter. I pout. Bakit ba kasi napaka lapitin nya sa babae. Ang hilig nya sa matangkad, sexy, pang beauty queen ang figure. Hay samantala ako! Maganda naman daw ako. Gatas ang kulay, kayalang Pandak sa 4'9 na height, may kaliitan ang dibdib, walang ngang fats ang tyan ko at may ibubuga ang puwit ko pero pandak ko. Ang tanging maipagmamagalin g ko lang naman na virgin ako. Pero may mga matatangkad na virgin din! Wahhh malas malas malas!

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon