FUBU 41
Lana
"Lara si Kuya. Naaksidente sya." Umiiyak na sabi ni Max.
Ano!? Paano!? Nandito si Amon!!
"Pi-pinaglololoko mo ba ako Maxine!?"
"Hindi!!! Yung vios nya! Wasak na nakabangga sa poste malapit dyan. Please Lana!! Di kami makakapunta dyan agad agad. Labasin mo na si kuya. Parang awa mo na. Ayokong mawala ang kuya ko." Nabitawan ko ang phone ko ng marinig ko yun.
"Lara!!!!!" Sigaw ni Amon mula sa labas. Di na ako nag aksaya pa ng panahon at agad agad akong lumabas sa ulanan. Kahit na bawal pa sa kin kahit na magkasakit na rin ako.
Halos madurog ang puso ko ng makita ko ang itsura nya. May dugong umaagos mula sa ulo nya nasumasalo sa tubig ulan. Napaka rami ng galos maging ang isang braso nya ay mukhang wala sa ayos. Napahawak ako sa bibig ko.
"Amon." Usal ko habang umiiyak. Bakit ganito sya!?
"L-ara ma-mahal k-ko. Mahal na mahal kita." Umiiyak nyang sabi at tumayo. Iika ika sya at....
"Amon! Diyos ko!" Agad ko syang nilapitan. Nanginginig ako hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot at pangamba.
Isang piraso ng salamin ng kotse nya ang naroon. Nakatusok sa tiyan nya. Di ko mapigilang di mapahagulgol ng iyak. Di pwede. Di sya pwedeng mawala sakin. Hindi.
"Amon." Sambit ko sa pangalan nya sabay hawak sa mukha nya mapangiti sya ngunit maya maya pa ay bumagsak na sya sakin.
"Ahhhh" daing nya dahil siguro sa sakin. Napaupo ako at inunan sya sakin at niyakap.
"Wag please wag. Please wag mo kong iwan." Umiiyak kong pagmamakaawa habang hinahalikan ang noo nya. Di sya pwedeng mawala. Di ko kaya.
"Mahal na mahal kita." Mahina nyang sya sabay hawak sa mukha ko. Napahagulgol pa akong lalo. Di pwedeng mawala sya. "I-ikaw l-lang L-Lara. I-ikaw l-lang."
"Amon please wag kang pipikit. Wag mo akong iiwan. Parang awa mo na. Di ko kaya. MAMA!!!! PAPA!!! TULOG!! PAPA!!!!" Paghingi ko ng tulong kila papa. Nakayakap lang ako sa kanya habang umiiyak.
"B-basta. Tandaan mo. Mahal na mahal kita. Si L.A. A-alagaan mo-----" mahina nyang sabi hanggang sa.....
"Ahhhhhhh Gumising ka!! Amon!!! Mama!!! Papa!!!! Tulong. Amon mahal. Wag mo akong iwan. Di ko kaya. Parang awa mo na. Di ko kaya."
Ayaw na nyang gumalaw!! Di na sya humihinga? Kasalanan ko to. Yakap yakap ko lang sya ng mahigpit habang malakas na umiiyak kasabay ng matinding pag ulan. Ang sakit sakit. Sobra. Di ko mapaliwang kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Kasalanan ko to.
Kasalanan ko to..
"AMON!!!!"
..........
Maxine
Di ko na alam ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit sobra. Bakit magkaganito!? Bakit dahil sa simpleng di pagkakaintindihan ay umabot sa ganitong pangyayari.
Basang basa ako pero ayokong umalis dito. Ano sasabihin ko sa anak nila. Kay L.A? Paano ko sasabihin sa anak nila na nasa Hospital ang mama nya at..ahhh ano ba to.
Nakayuko lang ako habang naka upo sa waiting area ng Operating Room. Paano ko rin ba sasabihin na 50-50 ang papa nya!
Napahawak ako sa ulo ko at napaiyak ng todo. Nakaka asar!!!
"Max." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Anthony pala at may kasama sya na babae na di ko kilala. Agad agad ako tumakbo sa kanya at yumakap saka humagulgol ng iyak.
"Anthony si Kuya! Critical si kuya. Ayokong mawala sya. Di ko kaya. Huhuhu." Paulit ulit kong iyak sa kanya. Naramdaman ko naman ang mahigpit nyang yakap saka hinalik halikan ang ulo ko. Maya maya pa ay inilayo nya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Malakas si kuya. Makakayanan nya yan. Di nya iiwan ang pamilya nya. Kaya nya. Makakaligtas sya." Pagpapalakas nya ng loob ko at hinalikan nya ko sa ilong. Tumango tango nalang ako at yumakap sa kanya.
"Basang basa ka. Iuu--"
"No. Ayoko. Di ko kayang harapin ang anak nila. Dito nalang ako." Sagot ko. Napabuntong hininga naman sya at niyakap ako. Buti nalang at nandito si Anthony kundi, di ko na alam ang gagawin ko.
"Ano ok lang ba sila!?" Sigaw ni Alice. Napatingin ako sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit kasama nila Alice tong hayop na babaeng yon!! Bakit kasama nila si Yvette
"At may gana ka pang magpakita dito!!!! Malandi ka!!" Sigaw ko dahil sa galit at agad agad akong lumapit sa kanya at pinagsasampal sya. Iyak sya ng iyak at di lumalaban pero di ako naaawa sa kanya!!
"Max tama na!" Sigaw ni Anthony at inilayo na ako sa malanding yun.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Kung di mo ginawa yang mga kalandian mo. Masaya pa sana sila. Kung di mo ginawa lahat ng yon. Sana hindi nawala anak nila sana di sila nahihirapan. Sana hindi critical si kuya. Masaya ka na? Hah? Masaya ka na ba't nakasira ka ng pamilya!?!" Sigaw ko habang umiiyak. Ang sakit sakit kasi. Sobra! Pinilit kong lumapit pero nilayo nila ako.
"Tama na. Buntis sya!" Sigaw ni Jayson. Natigilan ako.
"Buntis ka? Sino ama nyan?" Tanong ko. Umiiyak sya. Tang ina! Ayaw nyang sumagot!!
"Putang ina naman! Tarantaduhan ba tayo dito? Sumagot kang hayop ka! Sino tatay nyan!?"
"S-sorry. Sorry.... Di ko alam na magkakaganito---"
"Di ko kaylangan ng katarantadahan mong sorry! Sagot ang gusto ko!" Sigaw ko. Nakatulala lang sila sakin. Wala akong paki. Eto wala silang magagawa. Ginalit nila ako!
Magsasalita na sana sya pero bilang bumukas yung pinto ng O.R. napatingin kaning lahat at agad agad na lumapit doon.
"I'm Amon Lazerna's sister hows my brother." Tanong ko. Bumuntong hininga sya. Kasunod non ay...
"Maayos na nagawa ang operation sa kanya. But minutes after we finish his operation. He stopped breathing. We're very sorry but he didn't make it."
Parang di ko kayang tanggapin ang sinabi ng doktor. Pa-patay na kuya ko? Pa-patay na.
Tahimik kaming lahat. Lahat kami di nakapaniwala sa narinig namin.
"Di-di patay si kuya!!! Hindi hindi. Hindi!!" Sigaw ko at napaupo nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Si kuya ko. Paanong nagkaganito!
"Ahhhhh! Hindi!!! Buhay sya. Kuya!"
Lana
Di ako makapag salita ni makagalaw manlang. Rinig na rining ko ko si Max.
Silang lahat. Nag iiyakan silang lahat. Mabagal akong lumapit. Di totoo yung marinig ko diba? Hindi mangyayari yun.
"A-anong sinasabi mo? D-di patay a-asawa ko. H-hindi." Wala sa loob kong tanong sa doktor. Di sya tumingin sakin at nagpaalam ng papasok. Ngunit hinawakan ko ang damit nya at hinarap sakin.
"Di patay ang asawa ko!! Dok parang awa mo na. Nagmamakaawa na ako. Sabihin mong buhay si Amon. Parang awa mo na. Di ko kaya. Hindi." Nawalan ako ng anak. Napakasakit nun para sa akin. Sobra sobrang sakit na hanggang ngayon pumapatay sa akin. Bakit? Bakit pati si Amon!? Bakit pati asawa ko!?
Naramdaman kong may yumakap sakin. Si Maxine napatingin ako sa kanya.
"Wala na sya." Sabi nito. Wala na akong iba pang nagawa pa kundi ang yumakap sa kanya ng mariin. Ang sakit sakit. Bakit!! Bakit to nangyayari sakin. May nagawa ba akong masama?
Pano na kami ni L.A. Pano na kami!?
"Amon! Amon! Gumising ka!! Wag mo kaming iwan. AMON!!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Sakit na di ko maipaliwanag. "Sorry. Sorry."
Ako yung may kasalanan. Kung di lang ako nagmatigas.
"Amon." Paulit ulit kong banggit sa pangalan ng mahal ko. Wag please. Wag mo kong iwan. Di ko kaya...
-----------------------------------------