FUBU 38
Lara
"Lara baby, nasa labas nanaman si Amon." Pagbibigay alam sakin ni mama. Napatingin ako sa anak ko na natutulog sa kama ko. Isang linggo ko na rin syang di nakikita. Oo masakit dahil mahal na mahal ko sya. Gusto ko syang patawarin pero sa twing nakikita ko sya naaalala ko yung mga pangyayari na naging dahilan ng pagkawala ng angel sa sinapupunan ko.
"Ok" Sagot ko. Araw araw nasa labas sya pero nasa loob lang sya ng kotse nya. Di ko sya nakikita at di ko balak makita kahit na ang sasakyan nya. Nabubwisit ako. Nasasaktan ako.
Naramdaman kong may tumabi sakin. Si mama pala. Napatingin ako sa kanyan. Ngumiti sya at niyakap ako.
"Anak, kahit na may galit ako kay Amon di parin mawala sa akin na bigyan sya ng pagkakataong makapagpaliwanag." Napatingin ako sa kanya. What? Seryosong seryoso sya sa sinasabi nya. Napangiti ako ng pilit.
"Ano pa ba mama ang ipapaliwanag nya? Nahuli ko na sila. May dapat pa ba akong intindihin doon?" Tanong ko. Hinaplos nya ang ulo ko. "Wala na po kaming dapat pag usapan."
"Lara, lahat ng tao nag kakamali. Lahat ng lalaki minsan nawawala sa landas. Si papa jeff mo. Maging ang papa mo may nagawa ring kasalanan."
"Ano ma, ibig nyong sabihin? Na makipag usap ako kay Amon? Na baliwalain ko ang pagkamatay ng anak ko? " naiiyak kong sabi. Ang sakit sakit lang kasi. Sobra. Mahal na mahal ko si Amon pero natatabunan yun ng sakit at galit na sya rin ang may gawa at may kasalanan.
"Anak, mag asawa na kayo. May pangako sa isa't isa at pinagbuklod na ng may kapal. At saka nariyan si L.A. Pano yung magiging buhay nya kung lalaki sya sa sirang pamilya. Suwistyon ko lang naman yun anak. Pero nasayo rin ang desisyon kung gagawin mo yun o hindi." Sabi ni mama saka hinalikan ako sa noo at lumabas na. Natahimik ako. Ano ba gagawin ko? Naguguluhan ako!
-----
Amon
"Nakita na ba si Yvette?! Tanong ko kila Walter. Pero nagkatinginan lang sila sabay iling. Nasa bahay kasi sila. Si Max kasi. Ayaw nyang wala akong kasama dito so nandito sila. Nakiki sleep over. Inuubos lang ang pagkain sa ref.
"Di parin. Napuntahan na namin lahat ng pwede nyang puntahan. Pero di parin namin sya makita." Si Alice. Napabuntong hininga ako at napaupo sa sofa katabi no Ken.
Kaylangan na kaylangan ko sya ngayon. Sya lang makakapaglinaw sa utak ng asawa ko. Di pwedeng di ko sya makita dahil sa paliwanag nya nakasalalay ang pagsasama namin ni Lara..
"Ano ba kasi pumasok sa utak ni Yvette!? Pinaliwanag ko naman na diba!?" Alam ko naman na may gusto sya sakin pinaliwanag ko na sa kanya lahat. Sinabi ko na sakanya na di pwede pero bakit ginawa pa nya to!
"Alam mo naman yun diba? Di minsan nag iisip." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano ba yan!!? Nakaka asar!!!
"Yvette. Magpakita ka na!!!" Sigaw ko sabay sandal. Lord please tulungan nya ako. Gusto ko na pong makasama ang pamilya ko...
--------
Lana
"Papa bat wala! Ayaw sayo mama! Papa papa!!!" Umiiyak nanamang sigaw ni Alister. Araw araw nalang. Gusto kong maiyak sa twing hinahanap nya ang walang hiya nyang tatay.
"Anak, nasa work pa si papa. Wag kang malikot. May ginagawa pa si mama." Suway ko sa kanya. Naghahanap kasi ako sa internet ng mga job hirings ngayon. Magtatrabaho ako habang nag aaral. Wala na si Amon. Kaylangan kong matuto na buhayin ang anak ko.
"Papa!! Bad mama! Bad! Bad! Away mo papa! Di na love!!"
Di ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Hinablot ko si Alister sa braso at pinagpapalo sa pwit.