EPILOGUE (2)

1.6K 38 0
                                    

EPILOGUE (2)

Amon

"Cr muna baka naje jebs ka na dyan sa kaba." Natatawang sabi ng mga kasama ko dito. Wahhhh tinatawanan pa nila ako. Bakit wala pa si Lara!!! Ilang beses na ba akong naglakad sa napaka habang red carpet na to? Isa pa to! Ang haba haba. Panung sa maliit na simbahan nalang kami ikasal. Lima..wait... maliit nga pala biyas nun. Sampong hakbang lang nya makakarating na sya sakin pero dito!! Ang layo layo layo layo!!! Baka takbuhin ko na sya at buhatin para lang makalapit sa Pastor! (Born Again ako kaya sila rin. hahaha)

"Tumigil nga kayo!" Halos sigaw ko. Nagtawanan naman sila. Nakaka inis. Buti't nakapasok pa sila dito. Mga hudas.

"Hahaha. Ganyan talaga feeling bro. Don't worry dadating yun." Si Kirk na pinalo palo pa ang likod ko. Oo nga pala. Kinasal na rin nga pala sya. Woohg buti nalang may nakaramdam na ng nararamdaman ko ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang sarili ko. Amon easy lang. Easy lang.

Di ka iinjanin nun. Head over heel kaya yun sayo. Relax lang re----

*pak*

"Aray!!!!!" Sigaw ko ng may bumatok sakin. Si Max pala! Wait wait wait! Si Max? It means....

"Wag kang ngumiti ng ganyan. Nagmumuka kang tanga. Umayos na kayo! Nasa labas na sya." Ang mean nya! Ang sarap nyang kutusan. Pero nasa labas na si Lara!!! Nasa labas na! Talaga!!! Wahhhh!!! This is it!!! Nagsilabasan na sila at ako nalang kasama si Anthony ang naiwan dito. Bakit si Anthony best man ko? Yung mga tarantado kasi naghihilian kung sino bestman sa kanila. Tawa lang ng tawa sa gilid si Anthony kaya sya pinili ko. Alam ko naman kasing si Max ang brides maid so mi-na-match talaga.

Napa pikit ako ng tumugtog na ang kantang pinili ni Lara para sa araw na to. Napangiti ako. Eto na to. Hindi katulad ng una naming kasal na sa Huwes lang. Ito. Ito na talaga. Itong ito na. Mapapasakin na talaga sya. Hindi lang sa harap ng tao kundi sa harap ng Diyos.

--------

Lana

Napahinga ako ng malalim. Woohh eto na talaga.

Nauna na silang maglakad. Wahh di ako makapag isip ng tama. Paano pag nadapa ako. Nakaka hiya! Ang lakas ng tibok ng puso ko parang hihimatayin ako. Paano pag nahimatay ako sa gitna!? Di pa natuloy kasal namin. Wahh!! Nanginginig ako! Baka mangisay nalang ako doon!!! Wooohhhh!!!

"I never imagine that I will lose my daughter in her very young age." Napatingin ako kay papa. He is crying. Nasa kanan ko sya at nasa kaliwa ko naman si mama na umiiyak din.

"Ma, pa sorry." Sabi ko. Kasi naman. 18 ako bumukod na kami ni Amon. Alam kong nagmadali kami. Pero ano pa ba magagawa ko? Eto na kami. Nasa harap ng nakatataas para magsama habang kami ay nabubuhay.

Hinalikan ako ni papa sa noo sumunod nun ay si mama.

"Masaya kami na napunta ka sa kahit di matinong lalaki." Natawa ako sa sinabi ni mama. Talagang ayun talaga ang pilit nilang sinisiksik sa utak nila.

"Ma naman." Natatawa kong sabi habang umiiyak. Natawa naman sila.

"Totoo naman pero kahit di matino si Amon kahit puro kalokohan ang nasa isip nya. Kaya ka nyang mahalin at ipaglaban. Lana, be happy with Amon. Wag na wag mo nang hahayaan na mangyari pa sa inyo ang mga ganung mga bagay. Ok. Have faith in the Lord. Igitna nyo sya sa pamilya nyo. Ok ba?" Si mama. Napangiti nalang ako at niyakap silang dalawa. Napaka bless ko dahil sila ang naging magulang ko.

"Handa na po kayo." Sabi ng wedding coordinator namin. Nakasarado na ang pinto ng simbahan. Napabuntong hininga nalang ako. Eto na talaga. Magiging mrs na talaga ako ni Amon. Di lang sa harap ng tao kundi sa harap ng Diyos.

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon