FUBU 24
"Shortcake!!!" Sigaw ni Amon. Napairap ako. Nahihilo kasi ako. Nasa room ako ngayon at nakadukdok lang. Naman naman naman bakit ba hilong hilo ako!! Tiningnan ko sya na napaka laki ng ngiti sa kanyang mukha. Inirapan ko sya. Lumapit naman sya at hinalikan ako sa labi. Tumabi sya sakin. Hinawakan nya ang noo ko pati leeg. Halata ang pag aalala sa mukha nya.
"Why? May masakit ba sa sayo? Namumutla ka." Sya. Napasandal ako sa kanya, niyakap naman nya ako at hinaplos ang ulo ko. Napa pikit ako. Kahit papano nawawala ang sakit ng ulo ko. Hinahawak nya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko.
"Nahihilo ako. Pero ok na ako siguro." Sagot ko saka sumiksik sa kanya.
"Ano ba ginawa mo? May nakain ka bang bawal sayo?" Tanong nya. Umiling ako. Ang nakain ko lang naman yung pinapaluto ko sa kanya na tuna pasta. Yung (century) tuna and pasta lang saka lalagyan ng paminta. Yung maanghang. Saka lasagna. Ayun palang. Saka kaninang breakfast. Sinangag at bacon. Ano ba masama sa kinain ko??
"Yung umagahan lang namin kanina tapos yung dinala mo." Sabi ko. Pinupudpod nya ng halik ang noo ko. Napangiti naman ako at unti unti kong itiningala ang ulo ko hanggang sa magtama ang labi namin. Napangiti sya ng magkatinginan kami. I weakly smiled at him. Tapos siniksik ko ang ulo ko sa leeg nya at inamoy sya. He's smell really ease my sickness.
"If you want I can bring you home." Sabi nya. Umiling ako.
"Nah. I want to help you and tito. Birthday mo na bukas diba? Ayokong---ummppph." What the fuck! Nasusuka naman ako ngayon! Napatayo ako at agad agad na tumakbo papunta sa banyo at sumuka sa isa sa mga cubicle doon.
Halos manghina ako pagkatapos kong maka suka. Ano ba naman yan, akala ko sa umaga lang ako masusuka bakit pati sa ngayon halos hapon na.
"Ang sakit ng puson ko." Rinig kong sabi ng isang babae sa labas ng cubicle. Napatigil ako.
"Bakla! Baka magkakaregla ka." Tanong naman ng isa.
"Bakla meron nga. Pucha hirap maging babae. May regla na nga bwan buwan tayo pa manganganak tapos lolokohin lang. Tengana!"
"Niregla lang advance tong mag isip. Lika na nga."
Parang may kung anong pumasok sa isip ko at napahawak ako sa puson ko. Nanginginig ako. Kaylan ba ako huling nagkaroon? Parang nawala ang ingay sa mundo ko. Puro pagbilang ang nasa utak ko.
"Shit! Oh God! No no no!" Nanginginig kong sigaw sabay hawak sa bibig ko. Sa bilang ko. Halos mag ti- 3 months na akong di dinadatnan. Oh God.
"Miss? Ok ka lang?" Tanong ng mga babae sa labas nanginginig akong napatingin sa pinto. Napalunok ako.
"O-ookay lang ako." Utal kong sagot.
"Ok" sabi ng isa saka ko narinig na bumukas yung pinto. Maya maya ulit ay sumara.
Ano gagawin ko!? Kaylangan kong makasigurado. Tama dapat bago ko sabihin kay Amon dapat sigurado na ako. Pero. Pano kung di nya tanggapin? Oo sabi nya mahal nya ako pero makakasigurado ba akong di nya ako tatakbuhan? Paano sila mama at papa? Siguradong ma di disappoint sila sakin. Narinig kong bumukas yung pinto at di na sumara pa. Halos mapatalon ako ng biglang may magsalita.
"Lara, shortcake. Are you okey? Hey! Baby please answer me. I'm worried here. Please say something." Rinig kong sigaw ni Amon. No di ko pa pwedeng sabihin. Di pa talaga pwede.
"I'm- I'm fine." Sabi ko. Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinext si Jeff. Sya lang man ang mapapagkatiwalaan ko dito. Wala ng iba. Sya lang.
"Jeffy punta ka sa girl's cr please I need you here. Samahan mo ko. Please." text ko.
"Lumabas ka na dyan! Alalang alala na ako. Tingnan mo yung mga babae di na makapasok kasi may gwapo dito sa loob. Please baby come out. I'm sick worried." Sya. Bumuntong hininga ako ang lumabas. Hinila nya agad ako at niyakap. Ramdam ko ang tensyon nya na ako ang may dala. Niyakap ko nalang sya at sumandal sa dibdib nya. Natatakot ako.
"Wag mo nang uulitin yun. Mahal ko. Mamatay matay ako sa takot kanina." Sya. Napa kagat nalang ako sa labi ko. Kaylangan ko na nga talaga tong klaruhin.
"Lana-girl." Rinig kong sabi ni Jeff. Napahiwalay ako kay Amon.
"Lets go Jeffy." Nagmamadali kong sabi nakita kong napakunot ang noo ni Amon at hinawakan ang kamay ko.
"Saan ka pupunta? May sakit k----"
"Wala akong sakit Amon. Please nagpapasama lang sya sakin. Diba Jeffy?" Tanong ko na pinanlakihan pa sya ng mata. Na pick up naman nya agad. Ngayon ako nagpapasalamat na di sya tanga.
"Yeah. Papasama ako sa mall. Kasi wala na kasi akong magandang damit. Leggo?" Tiningnan ko si Amon. Mukha naman syang naniwala.
"Ok ok but be careful." Sya at hinalikan ang noo ko. Sabay yakap sa bewang ko. Napa tango naman ako. "I love you. Shortcake. Mahal na mahal kita." Gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko lang. Ayokong maiyak sa harap nya kaya naman hinila ko na agad si Jeff paalis. Hanggang sa makarating kami sa labas ng school.
"Sandali Lana-girl. Where are we going ba?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya.
"I need to be sure." Sabi ko at isinakay na sya sa isang tricycle..
----------------
"MISS CRUZ YOU'RE 12 WEEKS PREGNANT." Wala akong masabi. Nakatahimik lang ako ng sabihin iyon ng tita ni Jeff. Doktor kasi sya at katunayan sya ang nagpapa aral kay Jeffy. Maging si Jeff ay tahimik sa tabi ko. Tumulo ang luha ko at napahawak sa puson ko. Magkaka anak na ako. Kami ni Amon. "JEFFREY!! IKAW BA AMA-----"
"Kaloka ka tita! Sa ganda ko to papatol ako sa muchacha!! That's not mine!!" Sigaw din nya pero di parang ako nagsasalita. Wala parin akong masabing kahit ano. Ang alam ko lang magkaka anak na kami ni Amon. Ang alam ko lang buntis ako. Ayun lang.
"Thank God. Miss Cruz. Napaka bata mo pa para maging nanay. May mananagot ba sayo? Biyaya ang mga bata. At sa edad nyo alam kong maiisipan nyong ipa abort yan pero buhay yan. Miss. Cruz." Sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya at napa iling.
"No di ko po iniisip yon. Di ko ipapa laglag anak ko. Si Amon. Sana, sana panagutan nya ako." Napaiyak nalang ako. The man of his reputation. I know he never want to be a father in his young age. Oh God!
"Lana-girl Sir Amon Loves you, no bayan. You have to trust him. Mahal ka nun." Sabi nya para pagaanin ang loob ko. Tumango ako. Mahal ako ni Amon. Mahal nya ako.
"Come i u ultrasound kita. Para makita natin kalagayan ng baby mo." Sabi nya. Tumalima naman kami hanggang sa makarating kami sa isang kwarto doon...
-----