FUBU 29
Lara
"Bat nasa labas ka?" Tanong sakin ni Amon matapos akong halikan sa labi. Nasa labas kasi ako ng school at hinihintay sya. Kasi naman ayokong mag practise na hindi sya kasama. Pinagtatawanan ako sa loob mg gym. Pinagtitinginan pa nila ako na parang napaka baba kong babae. Ayoko ng ganun.
"Ano kasi, nahihilo ako. Uwi nalang tayo. Please." Sabi ko. Niyakap nalang nya ako.
"Ganun ba, sige pero doon muna tayo kila papa. Ok. May mga files lang akong kukunin doon." Sya. Nakangiti naman akong tumango at inaya na nya ako papunta sa kotse nya. Napatingin ako sa likod ng kotse. I saw Gavin's car. Mula noong araw na yun di ko na sya nakita, ngumiti nalang ako kahit na di ko alam na kung naroon sya. Saka maingat na umupo sa loob ng kotse. Umikot naman si Amon papunta sa driver seat at umupo doon.
------
"Lana!! Wahhh ang laki na ng tyan mo!!!" Sigaw ni ate Selena. Wahh nandito na ulit sya! Ang alam ko nasa India sya. Nakabalik na pala sya nun... Niyakap nya ako at nakipag beso beso.
"Ate maiipit anak ko!" Maktol ni Amon. Natawa naman si ate at niyakap si Amon.
"Loko na miss ko lang sila. By the way! Ang dami kong baby clothes na pinamili!! I don't know pa kasi kung boy or girl yan so I decided na bumili ng madami. Wahhh I'm so excited na!!" Sya natawa naman kami. Mas excited pa sya samin hahaha.
"May kukunin la-------"
"Sir! May babae po sa labas!!" Napatingin kaming lahat sa guard namin. Maging si papa at tita Leila. Dali dali kaming lahat lumabas ng bahay.
"Sabihin nyong hindi!!! Buhay sya please buhay sya!!! Parang awa nyo na." Natigilan ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nagkatingnan kami ni Lara at dali daling lumabas. We saw Maxine crying. Si Max ba talaga to? Naka puti syang t-shirt na napakalaki sa kanya. Nakapanjama rin sya na kulay puti. Iyak sya ng iyak. Napangiti ako at di ko mapigilang di mapaluha. Totoo ba to? Si Max ba talaga nakikita ko?
"Anak!! Maxine ikaw ba yan!!?" Si papa napaupo sya kaya dali dali kaming napatakbo ni papa sa kanya at niyakap sya. Akala ko di na namin sya makikita. Akala ko habang buhay nalang kaming maghahanap. May umiyak na bata, napatingin ako sa pinanggalingan nun. Nanlaki ang mga mata namin. Di lang kasi iisang bata ang naroon kundi tatlo! Tatlong bata at umiiyak ang isa.
"Max. May anak ka na?" Ako. Di ako makapaniwala. Binuhat nya ang isa at hinalikan sa noo. Mabilis namang tumahan ang bata at natulog sa dibdib nya.
"Babalikan tayo ni tatay. Di sya patay. Mahal na mahal nya tayo diba. Di sya patay. Hindi. Hindi..." Di ko alam ang iisipin ko bakit iniiyakan pa nya ang lalaking yun? Kinuha ni papa ang nakay Max habang si lana naman at tita Leila ay nag isa. Binuhat ko naman si Max at dinala sa loob ng bahay.
"Kuya. Huhuhu kuya!" iyak nya. Nasasaktan ako habang naririnig ko syang umiiyak. Masakit na wala akong magawa para pagaanin ang loob nya. Hinalikan ko sya sa noo. Ayun lang ang alam kong magagawa ko para sa kanya. Sa ngayon.
"You're safe now. Wag kang mag alala." Assurance ko sa kanya. Di ko na hahayaang may makapanakit pa sa kanya. Kahit isa.
"Buhay sya. Babalikan nya kami. Mahal nya ako. Nangako sya. Nangako sya. Di nya ako iiwan. Hindi....."
Nakatulog sya na puro yun lang ang sinasabi. Nababaliw ako habang tinititigan sya na umiiyak habang natutulog. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya! Halos isang taon lang syang nawala! Ano nangyari! Bakit ganito nalang nyang iyakan ang tarantadong yun!!?
"Amon," si Lara na hawak ang isa sa mga anak ni Maxine. Tumayo ako at pinuntahan sya. Tiningnan ko ang bata. Gising ito at parang alak ang mga mata nito dahil brown na brown. Copper blond ang buhok nito na napaka puti at napaka pupula ang mga labi. Wala akong makitang nakuha mula kay Max. Pwera na lang siguro sa kulay nya at ang mamula mula nyang mga pisngi. Pero di ko makita si Max sa kanya.