FUBU 19

2.4K 36 3
                                    

FUBU 19

Lana

"Morning."

Nanlalaki ang mga mata ko ng mukha ni Amon ang naabutan ko paggising ko. What the hell! Ano ginagawa nya dito??

"A-amon!" Halos paasigaw kong sabi sabay napaupo. Bahagyang kumirot ang binti ko kaya napangiwi ako. Wahhh ba naman.

"Hey, Shortcake are you ok?" Tanong nya sakin habang lumalapit. Ng makaupo sya sa tabi ko ay niyakap ko sya agad. Di ko napigilan ang luha ko.

"Akala ko kinalimutan mo na ko." Umiiyak kong sabi. Hinagod naman nya ang buhok ko at hinalikan ako sa ulo.

"I wont do that. Never shortcake. Never. Wag ka ngang nagpapaniwala sa Patrick na yun. You know me more than him."

"Ayun na nga kilala kita..." sabi ko sabay tingin sa kanya. Napa pout naman sya.

"Just believe me, shortcake. Just do." Sabi nito at hinalikan ako sa labi. Napangiti naman akong tumugon sa kanya. Sandali lamang yun pero parang may nag iba sa halik nya. Mas banayad. Mas aaahhh ewan!

"Lets go. Breakfast is ready.." sya at binuhat na ako. Bridal style at ingat na ingat na masaktan ako.

"Sorry shortcake. Pipilitin ko nang bawasan pagiging makasarili ko. Sorry talaga ayoko lang na nakikitang may kasama kang iba." Sabi nya. Napangiti naman ako at hinawakan sya sa mukha.

"Hindi mangyayari yon. I never go. I will never leave you behind. Promise Amon. I gave you my everything right? Make that your assurance." Sabi ko. Hinalikan naman nya ako sa noo at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang makarating sa hapagkainan. Inupo nya ako sa kanan ni papa sya naman sa tabi ko.

"Morning. Ganda yata ng gising mo?" Tanong ni Mama napangiti naman ako at inabot ang plato ng bacons na inaabot nya. Nilagyan ko yung sa akin at yung kay Amon. Sya naman nilagyan ng fried rice ang plato ko.

"Ang dami!" Sigaw ko ang dami dami kasi!

"Para namang di mo kayang ubusin yan. May paka T. Karin naman!" Sabi nito. Napa pout ako. Ipamukha bang timawa ako.

"By the way, wala bang pasok ngayon?" Tanong ko. Biyernes palang naman kasi.

"Meron. Kaya magpaka bait ka dito ok." Sya na sweet na sweet sakin. Napatingin ako kila mama parang wala lang sa kanila!!

"By the way, tita. Baka naman po pwede ko syang ilibot bukas. Sabado naman po. Pwede po ba yun?" Napatingin naman sila samin.

"Baka naman-----"

"I promise tito. I wont do anything beyond limits." Assurance nito. Nag init ang muha ko. Bwisit! Bakit parang ok na ok sa kanyang nakikita ng mga magulang ko na clingy sya sakin. At bakit ok lang kila papa!!! At anong 'he won't do anything beyond limits. !?' He's done doing it!

"Ok ok. But, bring her back before 7:00 pm. Are we clear?" Ngiting tagumpay naman si Amon.

"Yes tito I will." Sagot nito at kumain na kaming lahat. Ipinagpaliban ko muna ang mga tanong sa utak ko hanggang sa makakain kami.

"Dalin na kita sa sala." Sabi ni Amon at binuhat na ako.

"What the hell??" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

"Huuh??" Pamaang nyang tanong.

"Bakit ang sweet mo sa harap nila mama?" Tanong ko. Ibinaba nya ako sa sofa at umupo sa harap ko. Sa sahig sabay hawak sa kamay ko.

"Bakit masama ba? Di naman sila nagagalit." Hinaplos nya yun sa mukha nya maya maya pa ay hinalikan ang mga daliri ko hanggang sa palad ko at likod nun. Wahhh bat ba ang sweet sweet nya!!!

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon