FUBU 28

1.7K 34 3
                                    

FUBU 28

Lara

"Ano ba't pinapunta nyo kami dito?" Tanong ni papa samin ni Amon. Nakatayo lang kaming dalawa habang nakaupo si papa at mama sa magkatapat na visitors chair. Si tito Jeff sa swivel chair nya at katabi naman nya si tita Leila na nakatayo sa tabi nya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya. Kinakabahan ako sa gagawin namin pero eto narin diba yung perfect timing para sabihin namin na magiging magulang na rin kami.

"Maraming bisita sa baba. Amon." Si tito Jeff. Nagkatinginan kaming dalawa ni Amon. Tumango sya sakin. Nagulat nalang ako ng bigla syang lumuhod pati ang noo nya ay naka tukod sa sahid. Napatingin ako sa kanila. Nagulat din sila sa ginawa nito.

"Tito tita. Sana hayaan nyo kong pakasalan si Lara. Please. Patawad kung di ako tumupad sa pangako ko sa inyo pero----"

"Ano ba sinasabi mo?" Si papa. Lumuhod ako. At hinawakan ang kamay ni Amon. Samin tong dalawa. Laban namin to.

"Pa, ma buntis po ako." Panimula ko.

"Ako po ang ama. Papaka---argggg!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong sinipa ni papa si Amon. Diyos ko! Nakahiga na sya sa sahig at namamalipit sa sakin ng sikmura. Mabilis ko syang dinaluhan. Napaiyak nalang ako.

"Pinagkatiwalaan ka namin!! Pano mo nagawa samin to!! Bakit pati ang anak ko dinamay mo sa kagaguhan mo!!" Tanong ni papa na halatang galit na galit sa amin.

"Pa------"

"Tito, mahal ko si Lara, mahal na mahal ko ang anak nyo. Willing po akong panagutan sya." Sigaw nya kahit pa nahihirapan. Napaiyak ako ng malakas. Di dahil sinaktan nila si Amon dahil sinaktan ko sila. Napaka laki ng tiwala nila sakin pero sinayang ko lang. Alam kong mali ang pagkakaroon namin ng anak pero heto na. May magagawa pa ba kami.

"Ma pa, I'm so sorry please. Alam ko pong mali ako. Alam ko pong masyado kaming nagmadali ni Amon. Pero ummmmhhfff." Napangiwi ako. Bigla nalang akong may naramdamang sakit sa puson ko. Ohh God! Please not my baby.

Mahina kapit ng bata dahil na rin siguro sa edad mo at sa nangyaring aksidente sayo. Kaylangan ng doble ingat.

"Lara." Si Amon. Napatingin ako sa kanya.

"Baby natin. Ahhmmm" daing ko. Nagkagulo sila pero sakit lang ng puson ko ang nararamdaman ko. Parang manhid na ako sa ibang bagay.

"Lara-baby" si mama na iyak ng iyak na nilapitan ako.

"Masakit ma. Baby ko." Umiiyak kong sabi. Di ko mapapatawad sarili ko pag may nangyari sa baby ko. Hindi!

"Calm down. Anak, please mas makakasama sayo pag nagpanic ka." Si mama. Tumango tango naman ako at pinilit kalmahin ang sarili ko.

"Oh God. shortcake! Hang on tight" si Amon na binuhat ako at nagmadaling lumabas ng office. Wala akong maramdamang likido sa pagitan ng hita ko pero sobrang sakit parang naninigas sya. Yung pag first day ng regla. Yung ganung sakit. Ganun yung nararamdaman ko.

"Amon huhuhu"

"No Lara, di sya mawawala satin. ok." Sya at nawalan na ako ng malay...

------

Amon

"So you're the father of Lana's baby." Sabi ng doktora na tumitingin sa natutulog na si Lara. Nasa hospital kami at kumakabog ng sobra ang dibdib ko. Ngayon ko lang nalaman na magkakaanak na pala kami wag naman sanang kunin agad agad.

"Yes dok. How is she? Our child?" Tanong ko na ikinangiti nya. "Pano mo po nalaman?"

"How's my daughter?" Tanong ni tito na narito rin kanina pa nila ako pinaaalis pero ayoko. Gusto ko. Ako ang makikita ni Lara pag nagising sya. Ayoko syang iwan.

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon