FUBU 14
Lana
Palakpakan ang natanggap ko sa mga kasamahan ko ng matapos ang pagkanta ko. Napangiti nalang ako. Napatingin ako kay Amon. Papunta na sya rito! Wahh! Napatingin ako sa damit ko. Oh shit... Sana lang di sya magalit. Bumaba ako sa stage at nilapitan sya....
Hinapit agad nya ako sa bewang at hinalikan ng makalapit ako sa kanya. Kyaahhh Nakakahiya!.
"Sorry ngayon lang natapos yung practise." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at hinalikan ako sa noo.
"It's ok. Ang di ok sakin yang damit mo." Sabi nya. Sabi ko na nga ba sa damit ko sya mabubwisit.
"Ito na kasi yung costume ko sa play. Para daw masanay na ako." Sabi ko. Napasimangot naman sya at maya maya napangiti.
"Maiiba pa yan, shortcake. I have ways. By the way, Ang galing mo kanina." Sabi nya. Parang alam ko na ang sinasabi nya at mukhang di maganda ang dating nun para saakin....
"eeehhhhhemmmm"
Tingin ako sa paligid at agad namula ng makita ko silang lahat na nakatingin sa amin! Wahhh nakakahiya!!
"Magbibihis na ako. Dyan kalang." Sabi ko pero di nya ako pinakawalan. Ano ba tung lalaking to!!
"Pwede naman akong suma---aray" Kinurot ko yung tyan nya. Nakakainis sya puro sya kalokohan.
"No!, Dito ka and that's final." Sabi ko at nagmadali nang pumasok sa loob ng dressing room namin sa backstage. And nauna na sila rito. -_-
"Kyahhh Sino yun? Jowa mo?" Tanong nila.
"Parang. Ahhh basta wag na nga kayong magtanong. Magbibihis na ko." Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko at pumasok sa banyo. Ang dami nilang tanong pero di ko na sila pinansin. Naglinis lang ako ng bahagya at pagka bihis ko lumabas na agad ako. Pinuntahan ko na agad si Amon na kausap si Matt.. Ano naman kaya pinag uusapan nila??
"Boyfriend nga ako." Sabi ni Amon kay Matt. Parang di nila ako napapansin.
"Sabi nya hindi. Ano ka ba nya? Mahal ko si Lana. Kung gagaguhin mo lang naman sya. Sakin nalang sya. Alam ko reputasyon mo sa university'ng pinapasukan mo. Wag mong idamay si Lana." Sabi ni Matt. nanatili lang ako sa lugar kung nasaan ako. Gusto ko lang makinig.
"Bat ko naman ihahanay si Lara sa kung sino sinong babae? She is different. And you know what I wont let anyone stole her from me. My possession is my possession. Di ako marunong magbigay kaya maghanap ka nalang ng iba." Napabuntong hininga nalang ako sa naririnig kong batuhan nila ng salita. Mukha lang silang mga tanga.
"Amon." Tawag ko ay Amon at lumapit na sa kanya. Kinuha naman nya ang gamit ko at dinala.
"Lets go??" Tanong nya. Tumango naman ako at tumingin kay Matt.
"Alis na kami." Paalam ko. Tumango naman sya at hinila na ako ni Amon paalis ng gym..
"We'll be late." Sabi nya habang nakahawak sa bewang ko. "I hate that Matt." Sabi nya napatingala naman ako sa kanya. Nakasimangot sya. Di ko nga alam kung kikiligin ako sa mga sinabi nya kanina or hindi. Hay, Lana Pagbigyan mo naman yang sarili mo. Wag ka munang nega...
"He is just a friend." Sagot ko pero parang buo na desisyon nya na ayaw nya talaga kay Matt.
"He said he love's you." Sabi nya.
"Alam ko." Sagot ko.
"And how is he to you?" Tanong nya. Napatingin naman ako sa kanya.
"I like him..."