FUBU 27

1.5K 26 0
                                    

  

FUBU 27

Amon

Mula kahapon na umalis si Lara ko at si Jeff di na ako kinausap ni Lara. Ni yung text at tawag ko di nya sinasagot. Ano ba problema nun?

"Amon nak. Ok ka lang ba?" Tanong ni Papa sakin. Pinayagan kong magkaroon mg party para sakin sa 20th birthday ko para daw makilala ako ng lahat ng kamag anak ni papa pati mga ka business partner nya. Nasa labas ako at hinihintay sila Lara. Hanggang ngayon kasi wala parin sila.

"Si Lara po kasi. Wala pa." Sagot ko. Ayoko rin sa loob ang daming kumakausap saking mga matatandang gustong ipakasal sakin ang mga anak nila. Tss si Lara ko lang ang gusto kong pakasalan. Tinap ni papa ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano ba talaga sayo si Lana?" Tanong nya. Napasimangot naman ako di ba halata!?!

"Papa mahal na mahal na mahal ko si Lara ko. Ok akin kasi sya. Akin lang akin akin." Sabi ko. "Natotopak nanaman yun. Wala naman akong ginawa na kahit ano. Bakit iniiwasan nya ako!?" Natawa naman si papa.

"Hayaan mo muna sya baka nag iisip isip lang alam ko na katulad mo ba naman na----"

"Jeff ." Napatingin ako ng marinig ko si tito at tita. Napangiti naman ako dahil nandito na sila. Wahhh akala ko i injanin nila birthday ko. Kasama rin nila ang mga malalapit na estudyante ko. Kasama na doon ang class ni Lara. Naka close ko rin kasi sila. Nakatingala silang lahat sa bahay. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nahihiya ako.

"Wow sir! Ang laki ng bahay nyo!!" Sigaw ng isa.

"Di akin to loko. Pumasok na kayo. Enjoy" Sagot ko pero hinahanap ng mata ko si Shortcake ko. Nasan ba sya!! Naunang pumasok sila tita tito at papa. Sumunod naman ang mga estudyante ko.

"Si Lana?" Tanong ni Matt. Tumango naman ako.

"Nasa van pa kasama si Jeff ayaw kasing bumama. Nag away ba kayo?" Tanong nya. Umiling naman ako. Bat ko naman aawayin si Lara? "Kanina pa yun tinotoyo. Silang dalawa ni Jeff. Puntahan mo nalang don." Sabi nya at pumasok na rin sa bahay. Napakamot naman ako sa ulo ko at pumunta na roon.

"Amon!! Hey!" Napa lingon ako. Si Samantha pala. Yung isa sa pinakilala sakin. Maganda. Matangkad at may hubog ang katawan pero di ko sya type. Napaka seductive ng damit nya. Pero wala akong paki.

"Hey." Ayun nalang ang nasabi ko. Ngumiti naman sya at lumapit sakin.

"You're here. You should be inside entertaining your guest." Sya. Ngumiti naman ako.

"I just need to find my girl." Sagot ko. Napanguso naman sya at hinawakan ang coat ma suot ko. Aba't!!

"Can you just forget that girl and have fun with me. Its your birthday and I'm willing to be a gift. What do you think?" Tanong nya. Lumapit sya at hinalikan ako sa leeg. Marahan ko syang nilayo. Ano ba yan!! Loyal to!!

"Sir!" Si Jeff na di kalayuan samin kasama nya si Lara na umiiyak. Oh just shit!!! Lumapit agad ako sa kanya.

"Hey Lara baby. I can explain myself. You know I cannot do that with other girls unless it us you." Hinawakan naman ko ang kamay nya. Tumango sya.

"Oh so this is the girlfriend. What a pathetic. A future CEO of LCorp choose a pathetic looking girl. Just be with me. Amon. I'm more than suit to be your companion." Sabi ni Sam. Tsss

"Don't you dare go near me. Makakalimutan kong babae ka pag nangyari yun." Inis na inis kong sabi. What the fuck kasi!!! Hinila ko si Lara papunta sa bahay hanggang sa makapasok kami. Parang nanliliit ang mga estudyante ko sa isang sulok habang napagtatawanan sila ng mga nakababata dito na halos kaedad nila. What the hell.

"Something wrong here?" Tanong ko napatingin naman silang lahat sakin.  

 "Sir sabi nila gate crasher daw kami and thieves? We never stole someone's property. Nakaka asar lang!" Sila. Napatingin naman ako sa mga walang modong bata. Hay porket nabuhay sila sa isang maalwang pamumuhay ang lakas na nilang manghusga!

"Amon lets go." Hinagip ako ni tita Leila buti hawak ko si Lara dinala nila ako sa isang platform kasama ko si papa doon may mga hawak sila champagne glasses. Binigyan nila ako at kinalantog naman ni papa ang glass nya.

"Attention everybody." Si Papa. Hawak ko lang ang kamay ni Lara na nanlalamig. Di nya ako kinakausap. Ano ba kasalanan ko? "I'm really thankful that you're all made it tonight. We celebrate the 20th birthday of my one son. Amon. Lets here some words from him." Si papa. Napa lunok naman ako what the fuck!!

"ahhh, uhhh good eve, As my father said, I'm his son Amon Lazerna. This is the first time that I celebrate my birthday without homemade chocolates and cake from my late mom. And its may first Birthday without my younger sister. This is really painful for me but thanks to my student who's here to celebrate my birthday with me. Don't be afraid. They wont snatch someones belonging. Mas may desiplina sila kesa sa mga mayayaman na narito na kung makatingin sa kanila ay parang mabababang uri. Hell be with you. Always. And lastly to my girlfriend. My queen. Lara. She's been my companion my shelters my life. She's no pathetic or low class. Like someone said a moment ago. Please act as one. And don't treat my visitors like they're gonna kill you. Thank you." Ayun lang ang sinabi ko, di sila makatingin sakin. Napaka straight forward ko ba? Di naman ah. Inirapan ko silang lahat at bumaba na kasama si Lara. Wala na akong paki sa kanilang lahat, dinala ko sya sa garden namin. Malayo layo rin ito sa bahay kaya makakapag usap kami ng matino. Inupo ko sya sa isang metal chair. Umupo naman ako sa harap nya mismo at hinawakan ang kamay nya.

"Love shortcake why? May nagawa ba ako?" Tanong ko. Umiling naman sya.

"May di ka ba nagustuhan?" Tanong ko ulit. Umiling nanaman sya. Naiinis na ako!

"Yung kanina ba? Love I'm so sorry. Di ko sadya yun. Di ko rin yun gusto." Umiling din sya. Nauubusan na ako ng pasensya pero dapat akong mag timpi. Ayokong masaktan sya.

"Ano nga? Paano ko malalaman lahat kung di mo sasabibin sakin. Bat mo ko nilalayuan!? Magsalita ka naman! Nag aalala na ako." Umiyak nalang syang bigla saka may kinuha sa pouch na dala nya. Inilagay nya yun sa palad ko. PT. Pregnancy Test at isan litrato ng ultrasound. Napatingin ako roon at pinagkatitigan yung pt. Two lines. Buntis may ari nito saka yung litrato. May kung anong bubot doon na parang di ko ma explain. Napatingin ako kay Lara.

"Lara."

"12 weeks Amon. Buntis ako." Parang nablanko ang utak ko. She said she's 12 weeks pregnant. What the hell! Halos 3 months na syang buntis!! Tahimik lang ako at di ko alam kung saan sisimulan. Kahit ang nararamdaman ko napakalabo. Pero isa lang naman ang talagang nararamdaman ko. Napaka saya ko. Sobra sobrang saya ko!

"Amon! Ano!!? Bakit ayaw mong magsalita!? Wag mong sabihing ayaw mo nito! Wag mong sabihing nagdududa ka!? Sayo to! Anak mo to!" Sigaw nya sabay sampal sakin. Napatitig ako sa mukha nya. Umiiyak sya. Natatakot nasasaktan. Gago talaga ako. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay nya at hinalikan sya sa labi. Sandali lamang yun at idinikit ko ang noo ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita diba? Sino may sabi sayong ayoko sa kanya. Anak ko sya. Sorry nag loading pa kasi utak ko. Magkaka anak na tayo. Diba? Totoo narinig ko. Totoo yun?" Di parin ako makapaniwala. Nakapikit ako. Nananalangin na tama ang narinig ko na yung hawak ko sa pagitan ng mga kamay namin ay yung picture ng magiging anak namin. Tumango sya. Napangiti nalang ako at hinalikan sya ulit sa labi. Napaka saya ko. Sobrang saya na di ko ma explain ang nararamdaman ko.

"Tanggap mo sya?" Tanong nya habang umiiyak. Tango ako ng tango. Bat di ko tatanggapin ang anak ko!? Anak ko sya. Mahal ko sya kahit na wala pa sya samin.

"Wag ka ng umiyak. Shortcake makakasama kay baby." Pagpapatahan ko sa kanya.

"Sila papa. Magagalit sila. Baka---"

"Kakausapin natin sila. Handa ako Lara. Basta papakasalan kita. Ok. Papakasalan kita." Niyakap nya ako ng mahigpit. Ito yata pinakamagandang birthday gift na natanggap ko.

Ng tumahan sya ay inaya ko na ulit sya sa loob. Kaylangan ko ng makausap sila tita. Sana lang di nila ako patayin!

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon