FUBU 13
"Amon!!" Sigaw ko pero parang di sya nakikinig. Parang bingi sya. At sa kabilang side lang kalsada nakatingin.
Kinakabahan man ay mabilis akong tumakbo pasunod sa kanya. Sa kanya lang naka focus ang buong atensyon ko. Shit!!!
"Amon... Sandali!!!!" Sigaw ko pero nakalapit na sya sa kotse at pinag kakalampag nya iyon pero mabilis umalis ang kotse na kinalululanan ni Max at naiwan si Amon na hinayang na hinayang at galit na galit....
Mabilis akong tumawad pa hanggang sa. ...
*beep beep*
Natulos ako sa kinatatayuan ko at napatingin nalamang sa van na papalapit sakin.... Katapusan ko na ba?
*Scraaaaaahhhh*
Napaupo ako ng tumigil ilang sentimetro mula sa akin ang van na yun. Buhay pa ako di pa ako patay. Napaiyak ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Diyos ko. Salamat po... Huhuhu
"ANO MAGPAPAKAMATAY KA BA!!!" Sigaw ng lalaking driver. May yumakap sa akin. At marahan akong iginilid sa daanan. Kilala ko ang amoy na yun yung yakap na yun. Si Amon.
"Sorry Boss." paghingi nya ng tawad sa lalaki at gumalaw na ulit ang byahe. Di ako makapagsalita. Puros kahihiyan at takot lang ang nararamdaman ko muntik na yun. Muntik na!!!
Iginaya nya ako papasok sa isang sasakyan at ng makaupo na kaming parehas ay nagsabi na sya sa taxi driver kung saan kami.
"Shortcake I'm so sorry I lost my mind. I forgot you. I'm so sorry." Ito na tarantang taranta na niyayakap ako kasabay ng paghalik sa noo ko.
Di ko na napigilan ang pag iyak ko at napayakap pa sa kanya ng mahigpit.
"Akala ko.... Akala ko mamamatay na ako. Huhuhu" Sumbong ko sa kanya. Hinaplos nya ang ulo ko at niyakap ulit ako ng mahigpit.
"I'm so sorry Lana. I'm so careless. I'm so sorry." Sabi nya. His voice sooths me. It ease my fear. Dumantay lang ako sa kanya hanggang sa nakatulog na ako.
--------
Nagising ako sa isang malambot na kama. Nasa kwarto na ako ni Amon. Pero nasan sya? Mabilis akong tumayo pero nanginginig parin ang mga paa ko siguro dahil na rin sa nangyari kanina. Hay ang dami ng nagyari ngayong araw palang. Totoo kayang si Maxine yung nakita nya? Alam kong di magkakaganun si Amon jung di talaga si Max ang nakita nya.
Lumabas ako ng kwarto ng masigurado kong wala si Amon sa loob. Pagbukas ko palang ng pinto narinig ko agad sya na umiiyak sa kwarto ni Maxine. Napabuntong hininga nalang ako at tinungo ang kwartong yun. Nasa gilid sya ng kama at napakadaming bote ng beer ang nakakalat sa tabi nya. Meron pa syang lima na may laman pa.. Tutunggain nya sana yung hawak nya pero mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha yun. Napatingin naman sya sakin. Halos wala nang laman yung bote. Nakakainis sya.
"Nakakadami ka na." Sabi ko.
"Hayaan mo nalang ako." Sabi nya sakin at kinuha ang isang beer sa gilid nya. Binuksan nya yun gamit ang isa pang bote at tinungga.
"Amon please. Tama na." Sabi ko. Di ko kayang nakikita sya na ganito na nasasaktan. "Nasasaktan din ako at nanghihinayang na di natin nakuha si Max sa kung sino yun pero di sulusyon ang pag inom ng Alak!." Sabi ko sa kanya pero di sya nagpapigil kaya kinuha ko sa kanya ulit yung bote na hawak nya.
"Lara please I need that." Nagtitigan kami. Tinungga ko yung isang kabubukas nya. Di ako umiinom ng ganito at napaka pait pala ng lasa. Di ko gusto yung lasa pero halos makalahati ko yun ng kunin nya..
"What the fuck Lara! What are you doing!!!?" Sigaw nya sakin. Tiningnan ko naman sya.
"Paano kung sabihin kong kaylangan ko rin yan?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman sya at nawala ang inis sa mukha nya. Nahihilo ako sa ginawa ko. Pucha ganito pala umiinom ng alak.