FUBU 37

1.3K 23 3
                                    


FUBU 37

Lana

*Krinnnggggg*

*krinnnngggggg*

Ano ba yan!! Ang aga aga nag iingay yung phone ni Amon! Inaantok pa ako.

"Mahal, Amon.. phone mo" inaantok kong sabi kay Amon habang pinapalo ng marahan ang balikat nya. Nasa itaas nya kasi ako at ganito na ako nakatulog sa taas nya. Uungol ungol lang sya at niyakap ako habang yung phone nya ring ng ring..

Bumaba ako sa itaas nya at tinignan yung orasan. 6:30 palang bwisit!!!

"AMON LAZERNA YUNG PHONE MO! Papatigilin mo o pasting ka ng isang taon?" Inis na inis kong sabi sabay upo nya at kuha ng phone nya at sinagot.

"HELLO!!! ANO BA!?" Tanong nya na halatang inis na inis sino ba naman kasing gustong mabulahaw. Ang aga aga wala pa kaming tulog. Napatayo sya.

"ANO!! PANONG NANGYARI YON!!?" Tanong nya na pabalik balik. Nice! Naked lang naman sya ng buong buo. Napaupo ako at napakagat sa labi ko. Ang hot kasi ng asawa ko pero... Ano ba yung sinasabi nya? Bakit parang iba na yung pagka inis nya??

"Ok ok, I'll fix everything." Sagot nya at enend na yung call. Kinuha nya yung towel sa gilid ng kama at tinapis sa bewang nya.

"Mahal bakit?"

"I'll talk to you later,mahal. For now clean your self and pack all your things." Nagmamadali nyang sabi at lumabas ng kwarto. Ano ba yan!? Ayun nanaman yung pagiging bossy nya. Business matter nanaman siguro. Simula kasi ng mahawakan nya yung ilang business nila nasosobrahan na sya sa pagka seryoso. Nakakatakot nga sya minsan lalo na noong binigay sa kanya ni papa yung isa sa pagbagsak na company na kabibili nila. Hay nakakaloka!

Tumayo nalang ako at nag ayos ng sarili. Hay. Nakakaloka.

---------

Pasado alas-otso ng may dumating na speed boat. Nakaayos na ang mga gamit namin buti at tinulungan ako ni Amon. Seryosong seryoso ang mukha nya. Mukhang seryoso ang ang problema.

"Mahal relax." Napatingin sya sakin at niyakap ako saka hinalikan sa ulo.

"Nakakainis lang kasi mahal. Baka di nila sinabi ng maayos yung tungkol sa demolition pla----" Sagot nya. Napatingin naman ako sa kanya. Demolition!!!

"Mahal! Pinagnakawan mo ng lugar-----"

"Mahal its not what you think. Lets go. I really really need to be there." Sya at inalalayan na nya ako hanggang sa makarating sa speed boat.

.

Dumaong kami sa isang resort na sobrang ganda!! Napaka raming open cottages na nakahalera tapos ang daming puno na nagpapabawas sa init ng araw. Meron ding mga mga kubo roon. Sa likod na bahagi ay tatlong naglalakihang mga gusali. Main building yung nasa gitna dahil sya ang pinaka malaki. 10 floors kasi sya samantalang tig 7 lang yung dalawa sa magkabila nya. Pero kahit anong ganda at aliwalas nito ay walang guest ang tanging naririnig lang ay ang......

"IPATIGIL ANG WALANG HABAS NA DEMOLISYON SA TAHANAN NG MGA MANGINGISDA AT MAMAMAYAN!! WALA KAMING PUPUNTAHAN." Parang ang sakit pakinggan ng babaeng nagsasalita sa megaphone. Umiiyak sya at parang nagmamakaawa. Napatingin ako kay Amon. Nagtatangis ang bagang nya at parang ayaw ang nakikita.

"Amon ano to!?!" Tanong ko habang palapit kami sa kumpulan ng mga tao nasa main building kasi sila ay doon ang pakay namin. Kasunod pa namin yung mga lalaking may hawak ng gamit namin.

"I'll explain mahal. I just need explanation. It shouldn't be happening." Walang emosyon nyang sagot at niyakap na nya ako.

"This way sir." Yung isa sa kasama namin at dinala kami sa gilid sa walang masyadong tao. Kitang kita ko yung mga tao kasama pa yung nga anak nila. Di ko maintindihan.

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon