EPILOGUE
"Lana, uupo ka nalang ba dyan? Malapit na." Si Max na nakangiti sa akin. Napangiti nalang din ako saglit at humarap sa salamin at tinignan ang sarili kong repleksyon. Napapikit ako. Naluluha nanaman kasi ako.
Parang di parin ako makapaniwala. Na eto na kami ngayon. Sa dinami dami ng napag daanan namin sa ganito pala hahantong. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Di ko mawari kung ano iaakto ko.
Napangiti nalang ako at tumayo. Inayos ko muna ang suot ko at pumunta sa balcony upang lumanghap ng sariwang hangin at tumingin sa kalangitan.
Napaka aliwalas ng panahon. Walang kaulap ulap at kitang kita ang kulay bughaw na kalangitan. Napangiti ako. Napaka sarap sa pakiramdam. Parang inaalis nya lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Tama nga yung sinabi nil kuya Kim. Ang buhay parang weather weather lang. Darating ang tag-ulan ng problema. Hanggang sa maging unos ng pasakit. Na para bang babagyuhin ka na ng kahirapan.
Mag se-zero visibility ang pag-asa ng puso mo. Hanggang sa di mo na malaman ang gagawin mo. Puro pasakit. Puro sakit. Puro luha at kawalan ng pag as-----
"LANA!!! ANO BA! YUNG BRIDAL CAR NASA LABAS NA. NAGWAWALA NA SI KUYA SA SIMBAHAN!!" Sigaw ni Max na tawa ng tawa. Napaka ganda nya sa blue nyang dress na na hanggang itaas ng tuhod nya. Hawak nya ang isang maliit na bouquet na white rose. Napangiti ako at pumasok sa hotel room namin.
Tama kayo. Hahaha buhay mga si Amon. Nako di ko makakalimutan yung ginawa sakin ng mga tarantadong yun!!!
-------FLASHBACK-----
"Mahal please gising na!!!" Iyak ako ng iyak habang yakap yakap ko sya. Bakit kaylangan pa nya akong paasahin. Nakaka asar!!! Mawawala rin pala sya!
"Kuya! Ano? Wahhhhh kuya!!!" Sigaw ni Max na kagaya ko ay naka manipis ma sando lang na kulay pula. At itim na shorts na sobrang iksi. Agad syang yumakap sa kuya nya at umiyak.
"Kuya. Kuya please wag mo kaming iwan." Si Max. Iyak nalang kami ng iyak hanggang sa.....
"Ma-mahal, Maxine. Ano-- ang bigat nyo." Nanlaki ang mga mata ko. Gumagalaw yung yakap ko at nagsasalita. Ano!!!?
Nagkatinginan kami ni Max. Ganun din ang expression nya. Gumagalaw si Amon!!
"Mahal anong patay?" Sya. Napatingin ako sa kanya at parang bata na pupungay pungay ng mga mata dahil kagigising lang nya.
"Di-di ka patay?" Tanong ko. Napakunot ang noo nya at napatingin samin ng kapatid nya.
"Anong?" Tingin kaming tatlo sa mga barkada nyang narito ng makarinig kami ng mahihinang bungisngis.
Napakunot ang noo ko. Tawa sila ng tawa!! So it means!!!
"Hahahahahhaha that epic!!!" Tawa ni Tristan.
"What the fuck!!!!" Rinig kong sigaw ni Maxine. Na napatayo. Kaya napatingin sa kanya yung kuya nya at napakunot ang noo.
"What are you wearing Maxine!! You're not in our home!!" Si Amon napatingin naman sa kanya si Max na umiiyak sa inis.
"Kasi sila tinawagan ako. Sabi patay ka na daw. Tinawagan ko naman si Lana. Kasi akala ko totoo! Ayan di kami nakapag ayos!!"
Si Max na iyak ng iyak. Yumakap lang ako kay Amon. Buhay sya.
"Buhay ka." Bulong ko habang umiiyak. Galit na galit si Max. Maging ako inis na inis pero mas nangingibabaw sakin ang saya. Saya na di pala patay ang asawa ko. Na may pagkakataon pa ako makasama sya sa habang panahon.