FUBU 39
AMON
"Papa, papa. Mama?" Tanong sakin ni L.A habang umiiyak. Naaawa ako sa anak ko. Naaawa ako dahil alam kong gusto nya na mabuo kami ulit pero di ko maibigay. Niyakap ko nalang sya at hinalikan sa ulo.
"Baby kasi si mama mo ayaw pa nyang umuwi satin kasi nasaktan ko sya. Naging careless si papa." Napatingin sya sakin at hikbi nalang ng hikbi. Para bang naghihintay sya ng sasabihin ko pa. Ngumuti ako at hinawakan ang ulo nya at ginulo ang buhok nya. "Kaya ikaw pag nagmahal ka dapat kaya mong panindigan. Wag ka ng lalapit sa iba kahit kaibigan lang sila baka kasi magaya ka sakin alam mo naman na ang gwapo gwapo natin. Hahaha. Pero anak pangako. Babalik si Mama satin. Di papayag si papa na di mabuo ang pamilya natin." Pagkasabi ko nun ay ngumiti nalang ako at niyakap sya.
"Lika. Punta tayo sa---"
*tok tok*.
Napatingin ako sa pinto namin. Sino yun? Tumayo ako. Sinilip ko muna kung sino yun sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sya!! Narito sya!! Agad agad kong binuksan ang pinto.
Nakita ko sya doon. Nakatayo lang. Parang alangan sa bawat kilos nya. Alangan na baka ano gawin ko sa kanya. Tumingin sya sakin. Halata ang hiya sa mukha nya. Nginitian ko sya.
"Buti at nagpakita ka na. Yvette"
---------------
LanaAno ba sasabihin ko? Ano ba gagawin ko? Tatawagan ko ba muna si Amon? Ahhhhh kinakabahan ako!!!! Oo oo oo tinamaan ako sa sinabi ni Maxine. Napag isip isip ko na tama sya. Na di ko pwedeng isakripisyo ang pamilya ko dahil sa isang pagkakamali. Nandyan pa sila ni L.A. Pwede pa kaming mabuo. At saka di rin naman siguro gugustuhin ng baby namin na masira ang pamilya naming ng dahil sa pagkawala nya.
Di ako makalapit. Nasa poste lang ako limang metro ang layo sa bahay.
Ano na kaya ginagawa ni L.A? Umiiyak rin kaya sya hinahanap nya rin kaya ako sa papa nya? Si Amon? Hinahanap parin din nya ako?
Huminga ako ng malalim at pilit nilakasan ang loob ko. Bubuuin ko pamilya ko.
"Bubuuin ko pa----" napatigil ako sa paglalakad paabante at napaatras ng makita kong may dalawang tao na lumabas ng bahay.
Si Amon buhat ang anak naming si L.A at si Yvette. Halata ang saya sa mukha nila. Na para bang sila yung kompletong pamilya.
Di ko namalayan na umiiyak nanaman pala ako. Ano bang katangahan ang ginagawa ko dito?
Lahat ng lakas ng loob ko! Lahat ng tapang ng hiya ko inipon ko para umuwi dito para umuwi sa kanila pero bakit? Hayop sya. Sabi nya ako lang! Bubuuin nya pamilya namin pero lumalandi parin pala sya sa iba!!
Tumalikod ako at nagtatakbo paalis. Ang sasama nila! Napaka sasama nila!! Mga hayop sila.
Sinabi nya!! Di nya hahayaan na masira ang pamilya namin pero bakit!! Bakit patuloy nya akong niloloko!!
Di ko na alam kung nasaan ako. Kung ano ang gagawin ko. Nakaka asar! Napakalaki kong tanga. Umasa na maaayos kami pero hindi na pala. Dahil meron na syang iba. At di na ako ang mahal nya.
-----------
"Masayang masaya ka yata? Bumalik na ba si Lana??" Tanong sakin ni Jason. Nagpatawag kasi ako ng inuman sa bahay. Haha syempre pinatulog ko muna si L.A di naman sa sagabal si L.A pero mas mabuti ng tulog sya kaysa naman sa di ko sya maalagaang mabuti.
"Nagpakita na si Yvette. Kakausapin na daw nya si Lara ko." Sabi ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila at napangiti.
"Wahhh really!? Congrats! Mabubuo na pamilya mo!" Si Kevin. Ngiting tagumpay naman ako.