EPILOGUE (3)
Lana
Tumahimik ang lahat. Ngunit napaka ingay parin ng dibdib ko. Kinakabahan ako na napaka saya ko. Ganito pala ang pakiramdam. Napaka raming tao napaka raming ingay na maririnig pero parang wala sila. Kanina iniisip ko na baka mahiya ako sa lahat pero hindi pala. Parang kami lang ni Amon at ng pari ang nandito. Nakakaloka man pero ayun ang totoo.
Nagsalita na ang pastor pero di ko maintindihan ang atensyon ko ay lahat nakay Amon na ngiting ngiti ngayon.
"Kung may roon dito na gustong tutulan ang pag iisang dibdib ng Amon at Lana maaari na kayong magsalita o manahimik nalamang habang panahon." Yung pastor. Wahhh bakit kaylangan pa nyang sabihin yun!!
"Sandali!!!" Sigaw ng isang lalaki. Mapatingin kaming lahat kung saan nanggaling yun. Sino yung hinayupak na yun!!?
Pagkakita kita ko ay si Ken na todo ngisi kasama ang lahat ng barkada ni Amon. Letse. Trip nila?
"Bakit!?" Si Amon na nanlalaki mata sa bwisit.
"La lang. Trip lang. Sige proceed." Si Ken. Natawa naman sila. Maging sila mama at papa kasi naman! Nagpa cute pa kasi!
Natawa nalang din ako. Sira talaga tuktok nila. Hay nung pinakasalan ko si Amon. Pati barkada nya ay tinanggap ko narin bilang pamilya kaya sa ayaw at sa gusto ko. Sangga sanggang dikit na kami. Jusme kainin nalang sana sila ng lupa.
"Tss. Mamaya yung mga yun. Epal." Bulong ni Amon na ikinatawa ko. Loko talaga sila. Wala nalang sinabi yung pastor at sinimulan na ang seremonya.
Loko lokong Amon. Inip na inip na. Kanina pa bulong ng bulong na kiss the bride na daw. Patago ko ngang kinukurot. Sira tuktok eh!!
Maya maya pa ay pinatayo na kami ng pari......
"Do you Lara Nadine Cruz take Amon Lazerna as you lawfully wedded husband?" Tanong sakin ng pari at itinapat na sakin ang mic. Napatingin ako kay Amon. Naka titig ito sakin na para bang kinakabahay parin sa maaari kong sabihin kahit na alam naman na nya ang sagot ko.
"I do"
Napangiti sya ng sobra at parang nakahinga na ng maluwag. Ngumiti ako. Ano ba sa tingin nya ang sasabihin ko?
"Do you Amon Lazerna Take Lara Nadine Cruz as your lawfully wedded wife?" Tanong naman sa kanya sabay tapat sa kanya ng mic. Napangiti naman sya at isang mabilis na
"I DO!" Sigaw pa nya na ikinatawa ng lahat. Natawa nalang din ako. Loko loko kasi. Pero syempre sobra sobrang saya.
Maya maya pa ay lumapit na si Allister. Ring bearer namin at kinuha na namin sa kanya ang singsing ng isa't isa.
Ibinigay na samin ng pastor yung mic for exchanging vow.
Una sa akin. Naiiyak na agad ako!!!
"Mahal Amon. Di ko akalain na mapupunta tayo dito. Akala ko habang buhay na akong magmamahal ng patago sayo. Akala ko habang buhay ka ng magpapapalit palit ng babae." Natatawa kong sabi na ikinatawa rin nila. Napasimangot naman si Amon. Nginitian ko sya. Habang umiiyak.
"Napaka saya ko dahil yung pangarap kong lalaki yung dating tinatanaw ko lang mula sa bintana ng kwarto ni Max habang nag ba-basket ball. Yung dating napakahirap abutin ngayon nasa harap ko na sa espesyal na araw namin. Ngayon asawa ko na ngayon ama na ng anak ko." Umiiyak kong sabi. Agad naman ngang pinunasan ang mukha ko. Maging sya umiiyak. Sa saya.
"I'm so sorry. Sorry kung di kita pinakinggan noon sorry kung pride at sakit ko lang ang inintindi ko. Sorry kung hinayaan ko pang maaksidente ka bago ko pa marealize na mas matindi ang pagmamahal ko sayo kaysa sa kasalanan na iniisip kong nagawa mo. Pangako magiging mas bukas ako sa lahat ng bagay. Kasi ayoko ng mangyari yun. Ayoko ng mawala ka pa sakin..
Hinawakan ko yung kamay nya at itinapat ang singsing na para sa kanya.
"I, Lara Nadine Cruz, take Amon Lazerna as my husband. To richer or poor. In sickness and in health. In every ups and down. I'll be your wife, constant bestfriend. Playmate. *napangisi sya.* confidant, I'll be everything for you. My love, Take this ring as a sign of my endless love, unending devotion. And even death wont take us apart. I love you Amon, And this is my solemn vow." Pagkatapos kong sabihin yun ay inilagay ko na ang singsing sa daliri nya.
Matapos nun ay sya naman ang kumuha sa mic. Kahit na luhaan ay pinilit nyang ayusin ang boses nya. Wahh di ko mapigilang di umiyak sa saya.
"Mahal, my wife, my life. Palagi at gabi gabi kong iniisip ang sinabi mo sakin. Na "everything happens for a reason" na may dahilan lahat ng masamang pangyayari sa buhay ko. Thank you. Maraming maraming maraming salamat sa Diyos dahil sa mga panahon na wala na akong matakbuhan. Ikaw. Ikaw ang naging tahanan ko. Mga yakap mo ang naging panangga ko sa lahat ng sakit. Halik mo ang nagpapawala ng lahat ng problema sa buhay ko. Salamat dahil binago mo ko. Inalis mo ako sa reputasyong kinasadlakan ko at ginawa mo akong sayo. Salamat mahal sa lahat lahat." halos di na maintindihan ang sinasabi nya pero yung puso ko intinding intindi yun. Yung bawat salita na binibitawan nya. Hinawalan ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha nya. God! I so love this man.
"Mahal, di ko kaya." Then he cry. "Di ko kaya na mawawala ka pa ulit sakin. Di ko kaya na di ka makikita sa araw araw ng buhay ko na Di ko kaya na di ikaw ang kakagisnan ko sa bawat paggising ko at hindi ikaw ang huling makikita ko sa oras ng pagtulog ko.. Di ko maipapangako mahal na di na kita masasaktan pang muli pero sisiguraduhin ko na hinding hindi na kita bibigyan ng ika lalayo mo sa akin. Please mahal. Don't you ever leave me again." Umiiyak nyang sabi. Tumango nalang ako at bumulong ng 'I love you' paulit ulit yon. Para syang bata. Ang cute nya.
"I, Amon Lazerna. Take Lara Nadine Cruz at my lawfull wedded wife. In sickness and In health. For richer or poorer. In every ups and down in our life. I'll be your constant companion, bestfriend, security guard, I'll be you're punching bag whenever you feel annoyed. Specially your playmate." *Then he wink.* natawa nalang ako. Loko talaga sya. "I'll be everything you want me to be. I love you, mahal. Eternity and beyond. Until my take my last heart beat. Until I breath my last breathing. Until I close my eyes forever. Again I love you so much my wife and this is my solemn vow." Umiiyak nyang sabi. Napangiti naman ako at sabay naming hinawak ang pisngi ng isa't isa at pinunasan ang mga luha namin. Luha ng kasayahan.
--
"Now I pronounce you as husband and wife. You may kiss the bride." Sabi ng pastor at dahan dahan na inalis ni Amon ang belo na nakatakip sa akin. Hinawakan nya ang mukha ko. Unti unting lumapit ang mukha nya sa akin hanggang sa naglapat ang mga labi namin.. Sa twing maglalapat ang mga labi namin feeling ko unang halik to yun. Kagaya nito. Kahit sandali lang na nagkalapat ang labi namin feeling ko ito na yung isa sa pinaka memorable na halik nya sakin. Napangiti ako at agad na yumakap sa kanya. Di ko mapigilang di mapaiyak sa saya na para bang kami nalang dalawa ang tao sa loob ng simbahan na para bang wala kaming kasama. Basta nakatuon lang ang puso at isip namin sa amin. Sa isa't isa.
"I love you. Lara. Forever. In every atom of my existence." Bulong nya sabay halik sa ulo ko. Napangiti naman ako at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
"I love you too. Eternity and beyond"
THE END