FUBU 42

1.3K 26 0
                                    

FUBU 42

"Ang gaganda naman nyan." Sabi ni mama ng makita ang mga rose na hawak ko. Napatingin ako doon at hinaplos sabay napangiti ng malungkot.

"Lanta na yung mga roses doon. Alam nyo naman pong gustong gusto ni Amon ng roses." Sagot ko na pinipigilan ang pag iyak. Its been 2 months. Two months na pero di parin ako maka move on. Sinasabi nila na di ko kasalanan dahil nasaktan lang naman ako at nawalan. Pero alam kong mali ako. Kung naging mas bukas ang isip at puso ko. Sana di nangyari ang lahat ng to.

"Anak. Hanggang ngayon ba sinisisi mo sarili mo?" Tanong ni Mama. Tumingin ako sa kanya pero agad ko din nilayo ang tingin ko.

"Ma-mauna na po ako." Sagot ko nalang sa kanya at agad agad na lumabas ng bahay. Totoo naman. Kahit na anong gawin ko. Ako parin ang may kasalanan. Kung nakinig lang sana ako.

"Lana!!!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Alice pala kasama si Ken. Yung dalawang yun di mapag hiwalay. Nakasakay sila sa kotse. Halatang nagmamadali.

"Bakit kayo nagawi dito?" Tanong ko. Nagkatinginan sila.

"Ahhh ano----Ano kasi---pinasusundo ka ni Maxine. Sakay ka na bilis." Sagot ni Alice. Ngumiti naman ako at agad na sumakad sa back seat. pagka sakay ko ay napatingin ako sa katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Hi." Si Yvette na naka maternity dress. Malaki na yung tyan nya. Ngumiti ako.

"Hi." Sagot ko at umupo na ng maayos. Huminga ako ng malalim at tumahimik. Wala na yung galit ko pero syempre di ko parin maiwasang mailang. Kahit na nakapag paliwanag na sya.

------FLASHBACK------

"Lana may gustong kumausap sayo." Si Anthony kasama si Max. Simula ng malaman namin ang nangyari kay Amon. Di na umalis sa tabi ni Max si Anthony. Kung pwede at gugustuhin nga lang ni Max. Sila nalang sana ulit. Pero ayaw nya. Di naman namin sya pwedeng pilitin. Diba??

"Sino?" Tanong ko. Napatingin ako sa likod nila. Naningkit ang mga mata ko sa galit. Bakit nandito ang hayop na to!

"Bakit nandito yan!?" Sigaw ko.

Hinawakan ni Max ang kamay ko at umiling.

"Wag ka munang magsalita. Magpapaliwanag sya. Ok." Si Max. Napaka seryoso ng mukha nya. Pag ganito sya. Wala na akong magawa kundi tumango at gawin ang gusto nyang gawin.

"Good. Yvette!" Pag tawag nya kay Yvette at lumapit ito. Laking gulat ko ng lumuhod sya sa harap ko. Pati ang ulo nya ay naka tukod na yata sa sahig. Umiiyak sya. Pero ano ba paki ko diba? Sya may kasalanan kung bakit nagkaganito kami.
"I'm so sorry. Alam kong ako ang may kasalanan. Sorry, kung minahal ko si Amon. Sorry kung sinira ko buhay nyo." Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya. Umiiyak ako sa galit. Sobrang galit na di ko alam kung paano ko ilalabas.

"May-may mangyayari pa ba sa sorry mo? Wala na diba? Sira na kami. Masaya ka na ba? Alam mo at kita mo na masaya kami. Bakit mo ninakaw yun sakin? Masaya kami. Masayang masaya kami." Sagot ko habang umiiyak. Ang sakit sakit kasi. Sobra. Tumingin sya sakin at umiyak ng umiyak. Nilayo ko ang tingin ko sa kanya.

"Inaamin ko. Naiingit ako sayo. Naiinggit ako. Di pa man kita kilala ng personal inggit na inggit na ako sayo." Natawa ako.

"Dahil sa inggit mo sinira mo pamilya ko?" Wala sa loob kong sabi.

"Naiingit ako dahil nasayo si Amon. Na kahit anong gawin ng ibang babae ikaw ng ikaw ang iniisip nya. Naiingit ako dahil kaya nyang ipagpalit ang lahat para sayo. Naiingit ako dahil si Amon yung lalaking pinapangarap ko pero sayo napunta. Gusto ko syang maging akin kaya ginawa ko yun. Sorry." Sagot nya. Napatayo ako. Gusto ko syang saktan. Pero parang wala akong lakas. Ang nararamdaman ko lang ay sakit

"I heard that you're pregnant." Sabi ko. Isipin ko palang na kay Amon yun. Parang pinapatay na ako. Parang di ko na kakayanin pa. "What? Pumunta ka ba sa bahay dahil sinabi mo kay Amon kalagayan mo? Pinapaako mo anak mo?"

"No! Hindi. Hindi Lana. Yes pumunta ako kay Amon. Siguro nakita mo nga ako noon. Pero di para ipaako sa kanya tong anak ko. Kundi para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko

At tong dinadala ko. Hi-hindi sa kanya to. Di sya ang ama ng anak ko. Sorry. Gusto kong i set up noon si Amon. Na isipin ng lahat na anak nya to. Para iwan mo sya para mapasakin sya pero. Napaka laki kong tanga." Umiiyak nyang sabi. Di ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kawalan. Gusto ko syang saktan yung buong sya pero buntis sya! Kaya di ko magawa.

"Nung gabing yun. Lana walang nangyari samin. Maniwala ka. Habang hinuhubaran at hinahalikan ko sya. Kahit na nanghihina at lasing sya pinapatigil nya ako. Ikaw. Pangalan mo ang sinisigaw nya. Paulit ulit nyang sinasabi na wala akong karapatang halikan at hawakan sya dahil sayo sya" Nanlaki ang mga mata ko. Sabay iyak tahimik. Napaka sama ko. Di ko sya pinag paliwanag. Ang sama sama ko.

"Di ko hinihiling na mapatawad mo ko. Pero sana mahanap mo sa puso mo napatawad si Amon. Wala syang kasalanan." Sabi nya at narinig ko nalang na umalis na silang lahat. Napalingon ako sa kung nasaan sila kanina.

Wala sa loob kong napa upo nalang sa sahig habang magkasalop ang mga kamay ko na nasa tapat ng dibdib ko.

Naaalala ko ang sinabi ni Maxine.

Wag mo nang hayaan na kamatayan pa ang sasampal sayo ng katotohanan at pagsisisi. Wag monang hayaan na malagay ka pa sa sitwasyon kung nasan ako ngayon.

Ito na yun yung pag sisisi! Yung lahat ng sana. Sana na hindi ko nagawa.

----------End Of Flashback---------

"Oi mauna ka na. Papa check up pa tong bugak na to." Sabi ni Alice. Napangiti naman ako at tumango saka agad agad na pumasok.

Napakaraming taon. Napakaraming kwento. Alam nyo yun. Parang sa lugar na to nagsisimula at mag wawakas ang buhay. Hay ano ba sinasabi ko. Tama si Max. Nababaliw na nga yata talaga ako.

Tahimik nalang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa lugar na kung saan nasaan ang mahal ko. Hay miss na miss ko na sya.

Miss na miss sobra...

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon