FUBU 23
Napaka ingay ng buong school. Napakarami kasing tao at kanya kanya silang punta sa kung saan saang boot dito sa school foundation day kasi ng school. So open gate lahat ng tao pwedeng pumasok dito at mag enjoy. Ako singer lang naman ng cafe namin. Alam nyo yun for entertainment ng mga costumer na sobra dami. Pwede silang mag request sakin ng ano gusto nilang ipakanta sakin at kakantahin ko naman parang nag sasayang lang ako ng boses dito. Pero ok lang dahil nakikita ko naman na masaya sila.
Nasa likod na ako ng counter daw namin dito sa loob ng room. Hinihintay yung lasagna na itinext ko kay Amon. Loko na yun ang tagal tagal gutom na gutom na ako.
"Mukha kang nalugi." Isa kong kaklaseng lalaki. Si Ralph. Kadota yan ni Max. Actually may gusto yan kay Max kayalang dahil walang talo talo dito kaya naman di nya niligawan saka nakakatakot si Max kaya naman wala talagang gustong manligaw doon.
"Si Amon kasi! Yung Lasagna ko! Wala pa!" Natawa sya kasama pa ng iba. Kasalanan ko bang craving ako sa lasagna.
"Lakas mong mag utos. Ayan na ohh" natatawang sabi ni Mitch. Napatingin naman ako sa pinto at humahangos na Amon ang nakita ko. Pawis na pawis sya at gulo gulo pa buhok halatang di na nakapag ayos. Napaka gwapo nyang tignan. Ahhh shit! Bakit parang nag iinit ako!? Jeez! Erase erase!
"Sorry shortcake natagalan si Papa kasi pinadaan ako sa company may ibinigay. By the way, here's your lasagna." Sabi nya ng makalapit sa akin. Hinalikan nya ako sa ulo at tinapat sakin ang tatlong tupperwear lang naman na lasagna.
"Ehem suhol..." sabi nila. Napangiti naman ako. Hahaha kung suhol man to ok wala na syang kasalanan. Ang dami eh.
Ok na sila ni tito. Syempre di naman ganoon kadaling maibabalik yun tiwala at dating samahan pero alam kong pinipilit nilang dalawa. Di na sya nakatira sa amin. Sa mansyon na ng papa nya kasama ni tita Leila na mabait naman pala. Akala ko nasa 35 lang sya pero nasa mid 40's na pala sya. Naloka ako doon. Ang bata nyang tignan.
"Kuha kayo sa inyo na yung dalawa." Sabi ko at ibinigay na yung dalawang tupperwear samin ni Amon yung isa.
Napatingin ako sa kamay nya. Napaka raming bandaid lalo na sa mga daliri nya. Napatingin ako sa mukha nya.
"Ano nangyari dito." tanong ko. Umiling naman sya .
"Wala, By the way, maganda daw yung play hah." Sabi ni Amon. Napasimangot ako. Dapat kasi ako nandoon. "Pero mas maganda kung ikaw ang nandoon." Napatingin ako sa kanya. He winked at me then dinilaan ang kutsarang hawak nya. Namula ako at napatingin sa mga kasama ko. Kyaaahhh buti nalang di sila nakatingin. Sinipa ko sya. Di naman na masakit ang binti ko. Actually wala na yung nasa binti ko. So nakaka galaw ulit aayos. Pero hinay hinay lang ako sa galaw. Medyo unstable pa kasi.
"Bwisit ka!!" Sigaw ko. Naaalala ko yung pag 'binyag' daw namin sa kwarto nya doon. What the hell dalawang araw yatang masakit hole ko dahil sa ginawa nya! Kaloka!
"Bakit? I found it very exciting. Sa-----" sinipa ko mukha nya. Namumula na talaga ako huhuhu!!!!
"Manahimik!!!" Singhal ko kaya natawa naman sya.
"Girlfriend ko naman haha." Inirapan ko sya. Girlfriend yeah ayun na daw kami. Well kulang nalang naman kasi kasal samin. May nangyayari na oh! Haizt at adik sya don.
"Kumain ka nalang baka matadyakan kita." Sabi ko at kumain nalang kaming dalawa.
-
"I better go." Sabi nya. May mga ginagawa pa kasi sya. Tinitignan nya kung maayos yung school ang galing diba ginawa silang peace keepers. Sabagay teacher sila they need to make sure na maayos ang buong school. Hinalikan nya ako sa labi. Tumayo naman ako at inayos ang t-shirt nya.