FUBU 18

2.4K 48 5
                                    

FUBU 18

Lana

"Nakatanaw ka nanaman sa labas." Napatingin ako kay mama ng magsalita sya mula sa likod ko. Ngumiti lang ako ng mapait. Ilang linggo na rin kasi lumipas pero wala paring Amon na nagpapakita sakin o kaya naman nagtetext manlang. Nag aalala na ako sa kanya. Di ko alam kung nakakakain ba sya ng tama. Kung maayos ba sya. Kung ano ginagawa nya.

Kung naaalala ba nya ako o nakalimutan na. Si Gavin ilang beses ng pumunta rito para dalawin ako pero sya wala parin. Miss ko na sya sobra. Minsan ayoko mang maniwala at isipin ang sinabi ni Patrick di parin mawala sakin ang mga posibilidad. Na tinapon na nga nya ako. Na wala na akong halaga sa kanya.

Nginitian ko si mama at umayos ng upo sa sofa'ng kinalalagyan ko. Gusto ko mang pumasok sa school di pwede. Masakit pa yung binti ko. Napalitan na rin ako sa pagiging Sophia. Dahil na rin sa kalagayan ko. Sa foundation day na yung pagpapalabas nun. Which is 3 weeks from now. Hay, sayang lang ang pagod ko.

"Nak, trust Amon. May mga ginagawa lang siguro or nahihiya parin sya sayo. Di biro ang nangyari sayo." Sabi nya.

"Ayun na nga ma. Sunod sino na nangyari sa kanya. Dumamay pa ako. Gusto ko lang makasiguradong maayos sya. Nag-nag aalala lang ako ma." Sagot ko. Hinawakan nyang kamay ko. Natingin namanko sa kanya at bumuntong hininga.

"Lara-baby, Walang mangyayaring masama kay Amon. He is a tough guy. He can. Baby he can."

"I hope he really is."

"Have faith on him, baby. Gabi na. Ihahatid na kita sa kwarto mo. Better rest." Sya. Tumango nalang ako at nagpaakay hanggang sa karating sa kwarto ko..

Nagkatinginan kami ni mama ng may makita akong bouquet ng blue roses doon at isang teddy bear na kulay blue. Sino kaya nanglagay nun? Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Nakabukas yun na para bang may pumasok na kung sino. Dali dali naming pinuntahan yung malaking bouquet na yun at tiningnan kung may card. And meron nga.

Binasa ko yun..

'Shortcake I hope my little gift makes you feel better. Sorry for what I've done. Just hang on and don't leave me. Please. I need you.

PS: Be safe and I hope you get well soon..

Love ,
Amon

Napangiti ako ng wala sa oras kasabay ng paglabas ng luha ko. Lokong Amon yun. Napatingin ako sa bouquet na nakay mama at kinuha yun..

"Ano bang sinasabi nyang iiwan ko sya?" Tanong ko sa sarili ko. Sya lang naman eh. Sya lang.

"Di ko naman gagawin yun." Dagdag ko pa. Kinuha ko yung bear at niyakap. Napangiti nalang ako. Hay, Amon bakit di ko makuhang mainis sayo ng sobrang tagal.

"Kay Amon galing." Sabi ni mama na nakatingin sa card. Haizt nakita naman na nya nagtanong pa. Iba rin si mama eh. Adik.

"Opo." Sagot ko. Kinuha nya yung mga bulaklak at inayos sa vase na malapit sa kama ko. Wala namang nailalagay doon. Di ko alam kung para saan yun pero ngayon alam ko na.

"Ang batang yun. Di manlang pumunta samin ng papa mo. Nako malilintikan yun." Sabi nito pero nakangiti naman. Tahimik lang ako. Wala kasi akong masabi. Alam na nila mama na may namamagitan samin ni Amon. Hay, samantalang ako di ko parin alam kung ano ako sa kanya.

"Do you like him?" Tanong ni mama. Niloloko ba nya ako sa tanong nya? Nako kung di ko lang to nanay.

"I love him ma." Wala naman na akong maitatago. Totoo naman talaga kasi. Tumingin sya sakin at nilapitan ako. Hinaplos nya ang mukha ko at pinagdikit ang mga ilong namin.

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon