FUBU 33

1.3K 31 0
                                    

FUBU 33

Lana

"Wahhhh kinakabahan ako!!" Sigaw ni Jeff habang papasok kami sa covered court ng school. Wahhh ako rin kinakabahan. Buti nalang katabi ko lang sya mamaya dahil magka sunod apelyido naming dalawa.

"Ingay mo. Manahimik ka nga" si tita Eli. Hahaha napasimangot naman si Jeff.

"Oo nalang tita basta ako maganda." Loko talaga sya -_-

"Wahhh Lana-baby girl. Smile with tita naman." Napatingin ako kay ate Selena. Lakas din nya nun? Ang ganda ganda tapos sikat pa. Top model nga diba tapos nandito sa graduation ko. Kasama si Amon na sobra ngiti sa akin. Mukha sya nakakita ng kapatid. Sabagay kung susumahin ngayon lang sya nagkaroon ng matatawag na kapatid dahil narin sa ngayon lang nya nakilala ang mga kapatid nya..

Tumigil kami saglit at ngumiti habang pinipicturan ni ate. Di naman maka imik yung mga kasama namin dahil sa sobrang nganga sila sa itsura ni Ate.

"Tama na yan. Cause of delay ka kanina pa." Si Amon na ikina pout ni Ate. Loko kasi.

"Kasalanan ko bang maganda ako?" Tanong nya. Napailing nalang ako at lumakad na kami ni mama. Medyo kinakausap nya na kami ni Amon pero di parin katulad ng dati na close na close kami. Hay kaylangan kaya ulit kami babalik sa dati?

---

"Let us here some word from this year's valedictorian. Lara Nadine Cruz." Ngumiti ako at marahang tumayo. Maraming bulungan ang narinig ko pero wala akong paki sa kanila. Basta alam kong nasa tama ako at alam kong wala akong ginagawang masama.

Lumakad ako papunta sa stage. Inalalayan naman ako ng mga naroon. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila at humarap na sa mga tao.

"Teachers, my fellow students and parents. Wala po talaga akong hinandang speech dito. Kasi para sakin di naman na kaylangang paghandaan yun . Kung ano ang gusto kong sabihin ayun lang ang sasabihin ko." Natahimik sila at mukhang di nagustuhan ng iba ang sinabi ko. Ngumiti ako at tumitig kay Amon na nakatitig sa akin at nakangiti sabay thumbs up pa.

"4 years. 4 years tayong narito. Nakakatuwa at napaka bilis ng panahon. Ga graduate na tayo at mag kakaroon na ng kanya kanyang buhay. Napakaraming ala ala na nabuo. Mga masasaya, malulungkot pati hirap naranasan natin dito. Masaya na mabigat sa loob ang tumayo sa harap nyo at mag salita sa araw ng graduation natin." Napaiyak ako.

   "I will miss this. I will miss this place, the teachers, of course my classmates who's always been there for me and who's always support me in everything I want to do" napatingin ako sa pinto ng covered gym. Di ko napigilang di mapaiyak ng sobra ng makita ko si Max. Na naka tayo roon suot ang isang puting dress at nakangiti sakin."This year is the hardest year we ever encountered. Napaka raming pagsubok. Napaka raming nawala. Napaka raming nagbago. Sorry mama papa kung ga graduate akong may anghel sa loob ko. Kung di kami sumunod sa inyo. Sorry po." Tumingin ako sa mga kaklase ko na naluluha na rin. Loko loko sila nakiki iyak pa sila. "At sa taong mahalaga sa akin na nandito na 'ulit' ngayon. Kung di sya nawala noon sana kasama namin sya dito at sya sana ang nakatayo dito. Kung di sya nawala sana di sya nakatayo sa pinto ng covered court na to at pinapanuod lang tayo na magtatapos ngayon." Napangiti ako. "Max, para sayo to para satin to."

Tingin silang lahat sa pinto. Dali daling nagsitayuan ang mga kaklase namin at pinuntahan sya. Iyakan sila ng iyakan para bang kapatid o kapamilya talaga nila ang dumating.

"Ito lang naman ang masasabi ko para sa lahat ng ga graduate ngayon. Magsumikap kayo. Gawin nyo lahat para magtagumpay. Believe in your self. Cause when you believe you can make everything possible" ayun lang at bumaba na ako. Pilit inaayos ng mga teacher ang mga kaklase ko dahil na rin nakaka abala na sila ceremony buti naman di na sila nagmatigas pa at bumalik na rin sa pwesto namin.

"Wahhh Lana-girl!!! Si Maxy-girl talaga yun!!! Wahhhh suppaaaahhhh payat nya!! Huhuhuhu" si Jeff. Ginatukan ko sya.

"Halata naman diba?" Sabi ko. Natawa naman sya.

"Bigayan na agad ng diploma please!!!" Sigaw nya. Loko talaga. Natawa nalang ako at napatingin sa likod. Naroon si Max katabi ng kuya nya na naka akbay sa kanya at si ate Selena na nakatabi kay Amon. Ngumiti ako ganun din sya at nag thumbs up pa.

Salamat at nakarating sya rito...

------

"Pagod na ba?" Tanong sakin ni Amon. Nasa kwarto ko kami sa bahay namin. May salo salo kasi kami at kahit na nag insist sila papa Jeff at tita Leila na doon nalang ganapin sa kanila yung party na to di pumayag sila mama so narito ang mga baby ni Max at sya dahil di na sya pinakawalan ng mga kaklase namin.

"Medyo pero kaya pa." Sabi ko habang pinupunasan ni Amon ang likod ko. Pawis na pawis kasi dahil sa sobrang kalokohan ng mga nandito.

"Magpalit ka muna ng damit mo bago tayo lumabas." Sabi nya. Tumango nalang ako at tumayo kayalang...

"Uhhhmp Aahhhh." Sumakit bigla ang tyan ko. Di ko alam kung bakit. Diyos ko!

"Mahal bakit!!?" Tanong nya. Ramdam ko ang likidong nasa pagitan ng hita ko!!

"Ang sakit. Manganganak na yata ako!" 7 months palang sya!! Paanong lalabas na sya!!

"What!! Paano----"

"Doesn't matter AMON!! MASAKIT NA TALAGA!!!!" sigaw ko. Na ikinataranta nya.

"Ohhh God!!! Wait! Calm down shortcake. Breath in breath out. Ok!" Taranta nyang sabi pero sinunod ko ang sinabi nya. Naramdaman kong binuhat nya ako saka maingat pero dali daling ibinaba.

"Mama!!! Papa!!! Manganganak na daw si Lara!!" Sigaw nito na ikina gulo ng lahat.

"Bilisan mo!!!! Yung kotse!!" Sigaw nila. Mukha silang mga tanga na nagmamadali bwisit!!!!

"Huminahon kayo!!!! Mga bwisit!!! Huhuhu!!!" Sigaw ko ako na tong nasasaktan dito ako pa tong nagpapa hinahon sa kanilang lahat! Mga pa eng eng!!!

"Sorry mahal." Rinig kong sabi ni Amon at naramdaman ko ng sumakay kami sa kotse nya...

------

"7 months lang si baby so kaylangan syang ma-incubator for couple of months para ma complete ang 9 months sanang development nya sayo." Sabi ni tita Eli. Hinanghina ako pero ok lang maayos ko namang nailabas ang anak ko.

"Ok lang ba si L.A namin? Bakit 7 months lumabas na sya? Maayos naman yung huling check up namin. Healthy naman po sya sabi nyo." Tanong ni Amon na halatang alalang alala habang hawak ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Tumingin sya sakin at kita sa mga mata nya ang takot.

"May instances kasi na napapa aga ang paglabas ng bata. Maybe dahil sa stressfull na nangyayari sa mommy nya or dahil sa may bisyo ang mommy like smoking, drinking liquor----"

"I never smoke. Naka inom ako ng alak once but di pa po ako buntis nun and di ko na naulit yun." Mahina kong sagot. Tumango naman sya.

"Maybe she's stress. Graduation kasi nya noon and nagparty baka dahil doon." Si Amon ang sumagot. Tumango naman ako.

"Kung gayon baka ayun ng ang dahilan. Don't worry mr. Lazerna, Lara. You son is perfectly fine. As I've said kaylangan lang muna syang i incubator para maayos ang breathing and coping nya sa new environment." Tumango nalang ako at nagpasalamat. Nagpaalam na si tita Eli kaya naman kami nalang ni Amon ang nandito.

"Thank God, maayos kayong dalawa." Sabi nya sabay halik sa labi ko. Napangiti naman ako at tinitigan sya ng maghiwalay ang labi namin.

"Masakit." Sabi ko. Totoo naman sobrang sakit habang nilalabas ko sya. Hanggang ngayon nga na kagigising ko. Ang sakit parin.

"Sorry mahal ko. Promise di kita tataon taonin. Tamana muna si L.A. I love you Lara. Thank you for this wonderful gift." Naiiyak nyang sabi at hinalikan ang noo ko. Natawa ako ng bahagya.

"Iyakin." Sabi ko.

"Nah, masaya lang talaga ako. Lance Alister Lazerna. God! Pinaka magandang pangalan na narinig ko." Sya na di mapigil ang luha. Napangiti ako.

Lance Alister Lazerna...

Napakaganda ngang pangalan..  

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon