FUBU 44
Lana
Napangiti ako. Isang gabi ko lang syang di nakita pakiramdam ko milenyo na kaming di nag kasama. Agad kong ibinaba ang bulaklak na dala ko sa side table at lumapit na sa kanya sabay halik sa noo nya.
"Mahal ko kaylan ka ba gigising?" Tanong ko sa kanya at umupo na sa upuan sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. "I miss you so much mahal. Gising na." Pakiusap ko at hinalikan ang likod ng palad nya.
Tama kayo. Di pa patay si Amon. Coma pero di pa patay at ayun ang pinag papasalamat ko kay Lord God. Na di nya hinayaang mamatay ang asawa ko.
-----Flashback------
Iyak ako ng iyak. Di ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Parang nawalan ng direksyon ang buhay ko. Wala na sya? Patay na sya? Di pwede. Pano pangarap namin? Si L.A?
"Lana." Si Maxine na iyak rin ng iyak.
"Dok! Please do someth------"
"Dok!!! His pulses back!!" Sigaw ng isang nurse na nakadungaw sa pinto. Dali dali naman pumasok yung doktor sa loob. Nagkatinginan kami ni Max.
His Pulses back. Di mag register ang mga kayagang yun sa isip ko. Humihinga na ulit si Amon? Humihinga ulit sya. Humihinga sya.
"Max, buhay sya diba? Buhay sya?" Nauutal kong sabi habang pilit na tumatayo. Pupuntahan ko si Amon. Gusto ko syang makita. Gusto kong malaman kung tama narinig ko.
Buhay sya. Buhay ang asawa ko.
--------End of Flashback------
Ngayon nga. Pangalawang buwan na nyang natutulog. Miss na miss ko na sya. Gusto ko ng mag sorry sa kanya. Sa lahat ng pagmamatigas ko sa kanya. Na di ako nakinig sa bawat paliwanag nya. Gusto kong malaman nya na mahal na mahal ko sya at kahit na anong nangyari samin. Mahal na mahal na mahal ko parin sya.
"Amon mahal. Gising na. Miss ka na namin ni L.A hinahanap ka na nya. Gising na please." Paki usap ko pa at hinalikan muli ang likod ng palad nya. Maya maya pa ay narinig kong bumukas yung pinto. Pero di ko na pinag aksayahang tignan kung sino yun. Parang alam ko na kasi.
"Ahh nandito ka na pala!" Si Maxine. Habang sinasara yung pinto. Napangiti nalang ako at tumingin sa kanya.
"Hindi wala pa ko dito. Picture ko lang to." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Napasimangot naman sya at agad na ginatukan ako. Grabe sya!! "Aray!!" Sigaw ko.
"Diba picture ka lang bakit umaaray ka?" Sya. Sinimangutan ko sya. Adik talaga sya kung minsan.
"Aalis na ko. Wahhha inaantok na ako. Sige sige bye bye!" Sya at humalik na sa pisngi ng kuya nya. Saka yumakap sa akin.
"Mamaya na----"
"Ako na dito. Hinahanap ka kagabi ng triplets mo. Ako nalang mag babantay." Sagot ko. Ngumiti naman sya at nagpaalam ng lumabas. Naiwan ako kasama si Amon. Napangiti nalang ako ng malungkot.
Araw araw nalang bawat sandali ng buhay ko. Pinapanalangin ko na gumising na sya. Miss na miss ko na sya sobra.
"Hinahanap ka na ni L.A. Sabi ko sa kanya nasa work ka lang. Di parin alam ng anak natin na na nandito ka. Please mahal gising na. Gumising ka na" naiiyak nanaman ako. Ano ba naman yan?
Pinunasan ko yung luha ko at nilagay sa pisngi ko ang palad nya. Miss na miss ko na talaga sya. Maya maya pa ay binaba ko na ulit yun at kinausap na sya. Sabi kasi nila pag kinausap mo ang isang taong naka coma. Somehow maririnig ka parin nila. Na pipilitin nila na makabalik para makasama ulit nila ang mga mahal nila sa buhay.