FUBU 16

2.6K 37 9
                                    

FUBU 16

Napahinga nalang ako ng matapos ang rehearsal namin. Wahhh napagod ako don. Pinush ko na mabago ang damit na susuotin ko. Kilala ko kasi si Amon di nya titigilan ang leeg, colar at dibdib ko hanggat di natatapos ang play na yun. Hay.

So naiba nga. Itim na dress na, na mahaba at may mahabang slit sa gilid. Di na masyadong revealing sa dibdib pero may kita parin ng unti. Nabubuhay na ako sa concealer. Loko kasi yun!

"Lana!!!" Sigaw ni Jeff. Napatingin naman ako sa kanya.

"Oh?" Tanong ko ng matapos akong makainom ng tubig. Pa- maldita effect ko. Nakakainis kasi! Si Amon kasi. Busy busy-han na pagkatapos ng P.E namin. Tapos sya pa yung main topic ngayon sa buong school. Nakaka asar!

"May naghahanap sayo! Dalawang fafa." Sya. Huh? Napataas ako ng kilay at tumingin sa pinto ng . Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko si Gavin and Patrick na nakatayo sa harap mismo ng stage! Aba't? Paanong di ko sila mapansin doon?

"Hi, pretty girl." Patrick. Napasimangot ako. Paano nila nalamang tiga rito ko? At ano ginagawa nila rito? Lumapit ako sa kanila at huminto sa harap nila habang nakahalukipkip..

"Ano ginagawa nyo dito? Pano nyo nalaman na dito ako nag aaral?" Tanong ko. Ngumiti naman si Gavin.

"Does it matter? By the way, here, this is for you." Nanlaki ang mga mata ko ng may malaking bouquet ng pink rosess ang naroon. Woow my Gad! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bouquet at para pa sakin. Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti. Namumula akong inabot yun. Tilian naman ang mga kasama ko dito na parang kinikilig.

"S-salamat."

"Can I treat you for dinner? Promise sandali lang." Sabi ni Gavin.

"You know pretty girl he is attracted to you. And sa nakita namin kanina. Guest what, I started to like you now." Hah? TOTOO BA!!!! O.O weeehh? Tong gwapong to may gusto sakin? Denga? Napatingin naman ako kay Gavin na namumula ang tenga. Ang cute nya.

"Pagbigyan mo na Lana-girl." Sabi ng mga kaklase ko.

"Nako girlabells! Wag kang mamangka sa apat na yumming ilog! Mag tira ka naman." Si Jeff. Alam ko naman ang pinaparating nya.

"Thanks sa flowers pero di pwede." Sabi ko. Si Amon lang kasi iniisip ko.

"Kung gusto nyong manligaw pumila kayo!" Si Matt na ikina tawa ng lahat, wahhh nahihiya na ako!!!!

"Di naman magagalit si Larerna. We all know him. He likes woman and when he feel dull and bore he'll throw her like a rag clothe."

"And It won't happen." Rinig kong boses ng isang lalaki. Napatingin ako sa pinanggalingan nun. Si Amon na seryoso yung mukha. Hawak nya gamit ko at seryosong nakatingin sa amin. "Lets go Lara." Seryoso nyang sabi. Nalalunok ako. Galit na sya sigurado...

"Sorry, Alis na ako." Sabi ko sa kanila at hinabol na si Amon na mabilis nanamang lumalakad. Hay! Ano bang utak meron tong taong to!!!

Amon

Tarantadong yun! Balak ba nilang kunin sakin si Lara. Bwisit sila. At talagang pumunta pa sila rito!

"Amon ano ba!!?" Sigaw ni Lara sa likod ko. Naiinis kasi ako. Ano karapatan nilang bigyan ng bulaklak si Lara! Ano karapatan nilang pumunta rito? Ipinakita pa talaga nila sa lahat. Si Lana naman parang gusto. Bwisit! Mabilis lang akong lumakad hanggang sa makarating kami sa kotse. Tahimik lang sya. Ayaw nya rin naman sigurong gumawa ng eksena..

Napatingin ako sa bulaklak.

"Wag na wag mapapasok yang bulaklak na yan sa kotse ko." Naningkit ang mga mata nya na parang inis na inis na sakin. Mas na bu bwisit ako sa ginawa nya. Tinitigan nya ako maya maya pa ay huminahon.

"Ano ba kasalanan ng bulaklak sayo?" Tanong nya.

"I find it ugly. At saka bat mo pa kinuha yan? Do you like that son of a bitch!?"

Lana

"Ano ba pinagsasasabi mo? Public nyang ibinigay and nakakahiya namang hindi tanggapin. Di naman ibig sabihin na ginanggap ko binigay nya gusto ko na sya. You're too obnoxious!" Ano ba nasa utak nya? Bigla bigla nalang nagagalit. Kung ano ano pa sinasabi pati nananahimik na bulaklak pinagdidiskitahan.

"Just simply drop that trash and we go home. Ano pa ba't di mo mabitawan yan!!" Naiiyak na ako. Ano nga ba alam nya sa pagreregalo sa babae. Wala naman diba?

"Dahil first time kong makatanggap ng ganito! Ano nga ba alam mo sa ganito? Wala naman diba? Ang alam mo lang magpaligaya sa kama. The rest lagpak ka na! Bwisit!" Inis inis kong sabi at nilayuan na sya. Bahala sya. Kung di nya papayagan to sa kotse nya di na rin ako sasakay doon! Bwisit sya!

"Lara!!" Tawag nya pero di ko sya pinansin bahala na sya sa buhay nya. Nakakainis na talaga sya!

Nasa labas na ako ng school pero di manlang nya ako sinundan. Ano ba aasahan ko sa bwisit na yun. Hay, di ko sya maintindihan. Ano ba kasalanan sa kanya ng bulaklak. At saka. Nakikipagkaibigan lang naman yung dalawa. Ano masama doon??

"Lana!" Napatingin ako sa gilid ko. Si Patrick at Gavin na nakasakay sa isang red Audi. Wow ang ganda naman!!!

Nasa backseat si Patrick. Ginawang driver si Gavin.;

"Bakit?" Tanong ko,

"Mukha kang galing sa party na walang masakyan." Natatawang sabi ni Pat. Napatingin naman ako sa damit ko. 0Δ0 oo nga!! Di pa ako nakakapagpalit. Hay! Bwisit naman!

"Hop in hatid ka nanamin sa inyo." Sabi nito. Tinitigan ko lang sila. "Don't worry we won't do harm. Promise." Sabi ni Gavin. Tumango nalang ako at sasakay sana ako sa backseat kaya lang...

"Passenger seat please. Not here." Napatingin naman ako kay Gav. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Papasok na sana ako ng...

"ahhhh." May humila sakin. Nabitawan ko ang hawak kong bulalak. Napatingin ako kung sino yun. Si Amon ma galit na galit ang itsura. Napalunok ako. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

"Lets go," sabi nito at hinila na ako palayo kila Gav. Masakit ang pagkakahawak nya sa wrist ko. Pumapalag ako pero wala syang paki alam kung nasasaktan ako o hindi.

"Nasasaktan ako!" Sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagkaladkad sakin.

"Wait, Lazerna. Ano ba nasasaktan na si Lana!!" Sigaw ni Gav na lumabas pala ng kotse nya at pinuntahan kami. Hinawakan nya ang isamg wrist ko. Kung anong higpit ng kay Amon ganon naman kabanayad ang kay Gav.

Tumigil naman si Amon at hinarap si Gav.

"Back off, Wag kang makialam dito." Sabi ni Amon na nanggagalit ang mga ipin. Ano ba gagawin ko? Di ko alam!

"Makiki alam ako dahil nasasaktan sya sayo! You don't deserve her! You deserve a trash!"

Ohhh God!! Napahawak nalang ako sa bibig ko ng suntukin ni Amon si Gav. Saka gumanti si Gav.

"Tama na!! Tama na ano ba!!" Sigaw ko habang pinigilan sila. Umiiyak na ako at di ko na talaga alam ang gagawin. Nahihiya ako dahil napakaraming nanunuod sa amin.

"Pat! Help me here!" Sabi ko.

"Its just a friendly match. Don't worry pag nasaktan na yang dalawang yan magtitigil din yan." Sagot nito. Ahhhh!!! Sakit talaga sa ulo ang mga lalaki!!!! Pinilit ko silang paglayuin pero pareho nila akong natabig. Napunta ako sa kalsada

At...

*Ppeeeeeppppppp*

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon