FUBU 4
Amon Lazerna
Parang slow motion ang lahat sa akin. Tumatakbo ako pero parang mabagal ang lahat. Nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa...
"Mama." Nakita ko ang dugo sa buong lugar. Pati si papa na kalong si mama na wala ng buhay.
"Shit!" Si Kirk sa tabi ko. Di ko alam ang gagawin ko ang alam ko lang wala na si mama. Patay na sya. Lumapit ako pero pinigilan ako ng mga pulis. Napatingin ako sa pumigil sakin..
"Mama ko sya.. Padaanin nyo ko.. Mama ko sya!." Sigaw ko sabay tulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Hinayaan na nila ako agad sa nakalapit ako kay mama. Hinawakan ko ang mainit init yang mga kamay na ngayon ay paunti unti nang lumalamig.
"Mama! Mama. Gising na please." Nanghihina kong sabi habang hinihimas ko sa mukha ko ang kamay nya. Para akong sinaksak ng milyong beses sa puso. Kanina nakangiti pa sya. Kanina inayos pa nya yung uniform ko. Kanina pinaghanda pa nya ako ng agahan. Kanina binilinan pa nya ako na magseryoso na sa babae. Kanina, kanina buhay pa sya. Ano? Bakit ganito? Bakit patay na sya? Bakit?
Inilayo na ako ni papa. Kahit ayoko ay sumunod na ako sa kanya. Mga pulis na ang gumawa ng trabaho nila. Napayakap nalang ako kay papa.
"Pa si mama." Ayun nalang ang nasabi ko. Mahigpit nya akong niyakap.
"Wala na sya. Amon." Umiiyak rin nitong sabi. Napatingin ako sa kanya. Napalayo ako kay papa ng tawagin sya ng mga pulis. Dinala na nila si mama sa punirarya samantalang kinausap naman kami ng mga pulis sa loob ng bahay. Di ako makapaniwala sa nangyari. Sinong dimonyo ang gumawa nun kay mama. Hayop sya. Papatayin ko sya. Malaman ko lang kung sino sya ako mismo ang papatay sa kanya.
"AAAAAAHHHHHHH!!!!! HINDI!!!! MAMA KO!!!!!" rinig naming sigaw ni Max sa itaas. Mabilis ang naging kilos naming ni papa na pumunta sa loob ng kwato nya. We saw her mourning in Anthony's arms.
"Max." Si papa. Naaawa ako sa itsura nya ngayon. Bakit kaylangan pa nyang makita ang mga bagay na yun? Alam kong naghihirap na sya at may pinagdadaanan ng di maganda bat pati ito pinakita pa sa kanya! Mabilis namin syang nilapitan ni papa at niyakap. Humahagulgol parin sya at wala akong magawa para pagaanin ang loob nya. Kung kaya ko lang sanang alisin lahat ng pagihirap sa loob nya. Kung kaya ko lang sanang kunin lahat ng paghihirap na nararamdaman nya. Gagawin ko.
"Si mama... Hindi patay si mama. Hindi hindi hindi..." Ito. Sya nga pala ang unang nakakita kay mama. Niyakap ko nalang sya at di ko mapigilang di mapaiyak.
"Maxine... Diyos ko.." Si papa. Niyakap nya kaming parehas. Paano na kami? Pano na kami mabubuhay kng wala sya. Di pa nga natatapos ang problema namin kay Maxine. Nawala aman ang isa sa sinasandigan namin ni papa. Paano na kami?
Lana
Di ako makapaniwala sa sinabi ni mama at papa na patay na daw si tita Mylyn. Pinatay daw ito sa harap mismo ng bahay nila. Sino naman ang gagawa nun? Napakabuting tao ni tita My. Ni wala nga akong alam na kaaway nya. Paanong nangyari yun?
"Totoo ba mama?" Tumango naman sya.
"Mag ayos ka na at pupunta tayo. Para naman may makaramay sila. Alam kong mahirap kay Jeff at Amon ang nangyayari lalo na at balita ko at may nangyayari ring di maganda kay Max. Hay ano ba nangyayari sa pamilya nila." Si mama. Halatang galing sa pag iyak si mama. Best friend nya Kasi si tita My.
Tumango nalang ako at pumunta na sa kwarto ko at nag ayos. Mabilisan lang dahil gusto ko na talagang makarating roon para damayan si Max. Maging si Amon na rin. Alam kong kaylangan nila ng kaibigan ngayon.