FUBU 24
"Lana!!" Sigaw ng lalaki di kalayuan sakin. Napangiti ako ng makita ko si Gavin na nakangiti at palapit sakin. Buti naman at wala yung asungot na si Patrick.
"Oh bat nadito ka?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya.
"Free time ko kasi ngayon kaya naisipan kong puntahan ka. By the way, nasan yung aso?" Tanong nya. Natawa ako. Wala lang natatawa lang ako pag sinasabihan nyang aso si Amon. Masaya kasi.
"Wala sinama ni tito sa isang meeting." Tumawag kasi sya kanina na di makakapasok dahil na rin sa duty daw nya sa pamilya nya. Nakakaloka nga kararating lang nya pero sa kanya na pinaako lahat ng responsibilidad para sa company.
"Ganun ba. May gagawin ka ba ngayon?" Tanong nya. Wala namang pasok mamayang hapon kaya umiling ako.
"Wala, wala kaming pasok. Bakit ba?" Tanong ko.
"Good. I need to find a gift for my mom. Birthday nya kasi bukas. Can you help me? Tanong nya. Ngumiti naman ako at tumango.
"Sure yun lang pala, eh." Sabi ko. Napangiti naman sya. Kinuha nya ang dala kong bag at inaya papunta sa kotse nya. Pinagbuksan pa nya ako ng passenger seat at matapos nun at sya naman ang pumunta sa driver seat.
----
MALL
"Ano ba mga gusto ng mama mo? Pano kita matutulungan kung di ko alam?" Tanong ko. Ngumiti naman sya. Kanina pa sya nakangiti. Promise. Kaya nga nakatingin lahat ng babae at bakla samin. Nababaliw na yata sya.
"Anything, di naman yun mapili sa ibinibigay. She's the perfect example of simplicity. Lahat kahit ano pinahahalagahan nya kahit na candy na ibinigay ng mga bata sa institution na pinupuntahan nya nakatago at iniingatan nya." Nakangiti nyang sabi habang dine-describe ang nanay nya. Mukhang katulad din sya ni Amon. Pareho silang mukhang matitikas mga gwapo na medyo badboy pero mapagmahal sa magulang. Lalo na sa ina. Kung siguro magkaka anak ako gusto kong maging katulad nila. Well di sa part na magpapaka factboy sya katulad ni Amon. No di pwede yun! Yung magalang at mabait lang sa magulang. Ayun lang.
"Kung ganun naman pala. Di humanap na tayo." Masigla kong sabi at hinila ko na sya kung saan saan. Una naming napuntahan yung mga damit. Wahhh ang papangit so umalis nalang kami at pumunta sa mga sapatos. Marami na daw sapatos si mama nya. So wala na yun sa option. Wahhh ano ba ibibili namin sa kanya!!!
"Naloloka na ko Gavin!! Ano ba pwede!!" Naloloka kong tanong habang naglalakad at kumakain ng ice cream. Natawa sya. Ano nakakatawa sa sinabi ko? "Tawa ka naman ng tawa. Ano anong ireregalo natin este mo sa nanay mo?" Tanong ko. Nagkibit balikat sya at kumain nalang ng ice cream. Tingnan mo tong lalaking to. Nako kung di lang sya gwapo!
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa napatingin ako sa isang shop. Quintessential Jewelries. Ito yung pinaka mahal at pinaka sikat na brand ng jewelry sa buong pilipinas!
May isang necklace kasi na naka display. Simpleng silver na medyo manipis. At may anghel na pendant. Napangiti ako at pinagmasdan iyon.
"This is so beautiful." Usal ko.
"It is." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sakin. Nailang ako sa tingin nya. Ano ba yan bakit ba nakatingin sya ng nakatingin? Nakaka hiya!
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya at hinila ako papasok sa loob ng store. Loko ba sya? Bawal pagkain dito.
"Sir di po pwede pag---"
"We won't take long I want that necklace." Sabay turo kung nasaan yung necklace. Napatingin naman yung sales lady.