FUBU 34

1.3K 33 1
                                    

FUBU 34

Lana

  2 years later.....

"Happy Birthday to you...
Happy birthday to you...
Happy birthday dear L.A
Happy birthday day to you!!" Masayang masaya na kanta ng mga batang narito at dumalo sa birthday ng L.A ko. Wahhh 2 year old na sya and salamat sa Panginoon at maayos namin syang napalaki ni Amon kahit na napakaraming pagsubok ang dumating sa buhay naming mag asawa .

"Blow the candles baby after you wish." Si Amon na nakangiti habang hawak si L.A ako naman nasa gilid nila at inaalalayan si L.A medyo malikot kasi.

Binlow ni L.A ang kandila saka sigawan sa saya ng mga bisita nya.

"Happy birthdy L.A!!" Bati nila. Ngumiti naman ito at tumingin samin ni Amon na nasa magkabilang gilid nya. Napaka saya ko. Pakiramdaman ko buong buo na buhay ko.

"Happy birthday anak " bati ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Happy birthday big boy. Ano gusto mong gift??" Tanong naman ni Amon rito.

"Diff? Uhhh duto ko kalalo!! I want titer ol blow!" (Gift? Uhhh gusto ko kalaro!! I want sister or bro.) Nagkatinginan kami ni Amon at natawa nalang.

"Narinig mo mahal ang sabi ng anak mo. Kapatid daw." Sabi sakin ni Amon sabay taas baba ng kilay. Natawa pa akong lalo at tinapik ang mukha nya. Sira kasi.

"Ewan sayo!!" Ako. Tumingin nalang ko sa mga bisita at pinasimulan ang pagkain at kasiyahan.

Nung araw na una naming nahawakan si L. A ay pinansin na nila mama at papa si Amon at pinayagan pa nila kami na bumukod na dahil kaylangan daw naming masanay. So yung dati nilang bahay ay ang bahay namin ngayon. Ayaw namin sa mansyon napaka gara kasi at gusto naming mamulat sa simpleng pamumuhay ang anak namin. Marami kaming na diskubre sa isa't isa na madalas naming napag aawayan pero na reresolba naman agad. Sabi nga ni mama. Marami man ang mali at pangit sa asawa mo. Tanggapin mo. Wag mong hanapin ang wala sa kanya. Tanggapin mo kung ano sya.

At saka babae ako. Ako dapat magpasensya kung minsan nakakalimutan na nyang mag ayos ng mga gamit nya. Estudyante sya at the same time nag tatrabaho. So pasensya, trust and love talaga ang key to have a happy married life.

About kay Max. She become better ngumingiti na sya ngayon at napaka ganda nya. Isang taon din silang di nagusap ni Anthony pero ngayon ok na ok na sila halos sya na nga yung tatay ng Triples na sobrang kukulit. Maliban kay Jazz. Masungit yun.

Kasal namin ni Amon? Sa huwes lang muna dahil balak namin pag ka gradute nang saka kami papakasal sa simbahan.

"Mahal!" Tawag sakin ni Amon. Napatingin ako sa kanya. Kasama nya yung mga kaklase nya ngayon tapos yung mga ka team mates nya dati. Ngumiti ako at lumapit.

"Lana!! Long time aray!" Si Tristan. Yayakapin kasi nya ko ayun pinigilan ni Amon.

"Wag kang malandi dude" si Amon. Natawa naman ito. Sobra naman kasi yung pagka possessive nito.

"By the way, mahal I want you to meet Ken, Jayson, Walter, Yvette and Alice nga classmates ko. And guys my lovely wife Lana." Nakipag shake hands ako sa kanila pero umaandar ang kaseloso ni Amon kaya wala yatang 5 seconds sya na ang nagtatanggal ng kamay ng kaibigan nya sa akin. Hanggang sa makamayan ko yung dalawang babae na ewan ko pero parang na ba bad vibes ako.

"Ganda ng asawa mo dude! Kaya pala tinali mo agad." Yung Ken.

"Naman sa ganda ba naman ng mahal ko. Kaylangang maka sigura---

"Papa mama huhuhu!" Tingin kami sa anak ko na kasunod si Jade, Jace, na tumatakbo at si Jazz na naglalakad lang. Mabilis naman syang binuhat ni Amon.

FUBUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon