FUBU 3
Pauwi na kami at parang aligagang aligaga si Max. Feeling ko kasi tatakasan nya ako.
"Saan ka pupunta "Tanong ko sa kanya. Gulat naman syang napatingin sakin.
"Sa ano.... Sa... Library may kukunin lang ako umuwi ka na." Nagmamadali nyang sabi. Nagtataka na ako sa ginagawa ng babaeng to. Kanina pato wala sa sarili. Tapos kaninang lunch di naman sumama samin. Kaloka!
"Kanina pa ako may na---"
"Bye na!" Nagmamadali nyang sabi at nagtatakbo na palayo sakin. Puchang babaeng to. Sinundan ko sya pero di ko na sya naabutan. Tarantadong babaeng yun. May tinatago talaga yun sakin!
Kinuha ko yung phone ko. Tatawagan ko sana si Amon kayalang.. Baka may kakanaan nanaman ang PAKANA na yun. Wag na nga bwisit. Binalik ko nalang yung cellphone ko sa bag ko at umuwi nalang.
-----
"Saan nanaman galing si Max? Namumula nanaman sya." Tanong ng isa naming kaklase. Di pa naman nagsisimula yun afternoon class. Nakaupo si Max sa upuan nya at parang pagod na pagod na di malaman. Namumula pa sya pero balot na balot. Nilapitan ko sya. Pero sya ang lumayo at lumabas ng room. Lumalayo na talaga sya sa lahat. Pero bakit pati sakin? Bestfriend nya ako pero bakit para akong walang kwenta para sa kanya? Naiiyak ako. Wala na siguro akong kwentang bestfriend sa kanya..
"Lana-girl, May problema lang siguro si Maxy-girl. Hayaan mo na muna sya."
Hayaan? Halos dalawang linggo na syang ganyan. Tapos wala parin kaming alam. Bumuntong hininga nalang ako nakaka asar!
Mabilis natapos ang afternoon class at nauna nanaman si Max lumabas. Sinundan ko sya pero di ko narin nagawa dahil na rin sa dami ng estudyante na naguunahang magsilabas. Bwisit!
Mag isa nalang akong umuwi. Nakaka inis na talaga yung babaeng yun. Ano ba gagawin ko sa kanya para lang magsalita sa samin!
"LANA!! LANA! WAIT!" Napatigil ako at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Si Anthony pala. Tumakbo naman syang lumapit sakin.
"Si Max di na nagpaparamdam? May nangyari ba sa kanya?" Tanong ni Anthony. Humarap ako sa kanya. Baka sya. Baka matulungan nya kaming malaman lahat.
"Si Max. May nangyayari sa kanya na di naming alam. Dalawang linggo na syang wala sa sarili. Nilalayuan nya kaming lahat. Sa tanghali para yang lantang gulay. Sa hapon tinatakasan nya kami. Please Anthony. Alam kong kaya mong malaman lahat ng tinatago nya. Please. Help her. Help us." Sabi ko. Nangunot naman ang noo nya.
"What do you mean?"
"I don't know either. But please help her." Sabi ko. Napabuntong hininga naman sya at napatango. Ngumiti ako. Salamat naman at may makakatulong na samin. Unting usapan pa at nagpaalam na rin ako.
Nagmadali nalang akong umuwi pero malapit na ako sa bahay ng may Makita akong lalaking arrgghh ewan! na nakatayo sa poste malapit sa bahay naming. Inilagay ko ang head set ko at nagkunawari na di ko sya naririnig.
"Lara!" Sigaw nya pero nilagpasan ko lang ya na parang di ko sya naririnig.
"You're the light, You're the night, You're the color of my blood. You're the cure, You're the pain You're the only thing I wanna touch Never knew that it could mean so much.. so much.."
Kanta ko kahit wala naman talaga akong pinakikinggan. Ayoko lang talagang makipag usap sa kanya.
"So love me like you do Lala love me like you do Love me like you do Lala love me like you do Touch me like you do. Tata touch me like you do.. uhhhm What are you waiting KYaaaaHHH!!"