Rest
~~~🌸~~~
"Paano mo nalaman na nandito ako kung ganon? Sinundan mo ba ako? Pinasundan mo? Paano?"
Hindi parin ako makumbinsi sa mga sinasabi niya. Paano nalang talaga kung nandito siya para patayin ako dahil iyon lang ang nakikita kong dahilan? Paano kung nagpapanggap lang siya? Sa panahon ngayon hindi ko magawa ang magtiwala. Lahat sila kalaban sa paningin ko.
"Is it important? Hindi ba mas mahalaga na nandito ako at nag-aalok ng tulong?"
"Hindi ako naniniwala sa'yo!" Sinubukan kong muli ang tumayo pero muntik na akong ma-out-of-balance sa ikalawang pagkakataon. Mabuti na lang at nahawakan niya ako sa aking bewang, kung hindi baka nahulog na ako sa sahig.
"Damn it Alia! Just sit there."
"Hindi mo ako utusan kaya huwag mo sa akin gagamitin 'yang kapangyarihan mo, Dela Cruz!" Matigas na sagot ko.
Hindi na ako bahagi ngayon ng Underground kaya wala na siyang karapatang utusan ako. Wala akong dahilan para sundin ang kahit ano sa mga sasabihin niya.
"No, it's not that. Ayoko lang namang—
"Umalis ka na Lukas! Hindi kita kailangan." For the nth time I told him to go but he was so persistent. Nanatili siya sa harapan ko habang titig na titig sa akin. Para bang may hinahanap na kung ano. Ang kulay abo niyang mga mata ang nagsasabi sa akin na wala siyang balak umalis. Mananatili sa tabi ko at hindi susunod sa mga pagtataboy na gagawin ko.
"Lukas—
"Just until you recovered Alia, please!" Muli niyang pakiusap kaya pakiramdam ko nauubusan na ako ng pasensya.
Tumalim at hinarap ng mga mata ko ang kaniya. Malalim at madilim ang mga titig ko habang ang kanya naman ay namumungay na tila ba nakikiusap.
Humakbang pa siya ng isa at hinawakan ang kamay ko kaya napaigtad ako sa gulat.
"Please, let me help you."
"Ano ba! H'wag mo akong hawakan!" Itunulak ko siya palayo at hinawakan ng mahigpit ang kamay na bigla-bigla nalang niyang kinapitan.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...