Kabanata 27

385 25 4
                                    

Kamatayan


~~~🌸~~~


Isang buong araw ang itinagal nina Cassiopeia kasama ni Lance at ang anak ng mga ito sa condo namin. Ibinalita rin nila ang tungkol sa kanilang nalalapit na kasal. I was excited for them and happy at the same time. Hindi ko lubos maisip na sa tagal ng nangyari at sa dami ng nangyari sa pagsasama nilang dalawa, finally!


Sa wakas, aabot na rin sila sa puntong ito. I am happy for the both of them, sana nga ito na ang wakas ng lahat ng masasamang nangyari. I wish them a happy life, together.


"Can I stay again for this night, please?" Muling pangungulit ni Lukas habang nakayakap ng mahigpit sa aking bewang mula sa likuran.


Tsk! Abala ako sa paghuhugas ng mga pinggan pero kanina pa siya walang ginawa kung hindi ang dumikit at yumakap sa akin mula pa kanina.


"Ano ba Lukas! May ginagawa ako!" Sinubukan ko siyang paalisin pero lalo lang humigpit ang kanyang mga yakap. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg mula sa likuran habang inaamoy ang aking buhok.


"I'll stay please, I want to stay with you."


"Pero Lukas! Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Lance kanina bago sila umalis? Gusto ka raw makausap ng daddy niyo. Umuwi ka na muna. Baka importante."


Ayoko man siyang umalis pero bago tuluyang umalis sina Lance at Cassiopeia kanina ipinaalala niya ito. Gustong makausap ng daddy nila si Lukas. Hindi ko alam kung para saan pero sigurado ako na importanteng bagay iyon. Kaya kahit na gusto ko rin siya rito sa condo ko at huwag ng umalis, hindi puwede.


"Hayaan mo sila. I want to stay. Dito lang ako."


He's so stubborn!


Hinugasan ko saglit ang mga kamay ko sa faucet at nagpunas bago siya hinarap. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin na tila ba nakikiusap. Damn it! Ayoko siyang titigan dahil baka madala lang ako.


Kaya pumikit ako ng mariin. He has to go home. Mahalaga iyon.


"Kailangan ka ng daddy mo. Baka mahalaga 'yon. Bumalik ka na lang bukas ng umaga. Okay?" Pero hindi pa rin siya mukhang kumbinsido. Nakatitig lang siya sa akin na para bang wala talagang balak umalis. Nagpadala na rin siya ng damit sa kanyang tauhan kaninang umaga at mukhang mas marami ang mga iyon para sa isang araw kaya naisip ko na talagang magtatagal siya ng ilang araw dito.


"But—


Muli sana siyang kokontra pero bago paman maituloy ay tinakpan ko ang kanyang labi ng aking hintuturo.


"Bumalik ka na lang bukas ng umaga. You can stay here tomorrow but right now, kailangan mo munang umuwi. Baka importante." Alam kong marami pa siyang pagkontra na gagawin pero nang hindi ko na narinig ay palihim akong nagpasalamat. Ilang hingang malalim ang kanyang pinakawalan. Pumikit pa ito ng mariin atsaka tumingala. Sa bawat paglunok niya ng malalim kitang-kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adam's apple. Napangiti naman ako.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon