Kabanata 2

540 23 0
                                    

Promise


~~~🌸~~~


Mabilis ang mga naging kilos ko. Hindi ko siya kilala pero alam ko kung kailan ako dapat na maniwala. Kanina ko pa napapansin ang mga kakaiba at hindi ako maaaring magkamali. Una palang alam ko nang may hindi tama. Maraming kakaiba sa paligid. Kanina pa ako may napapansin misteryosong mga nilalang na mukhang nagmamasid.


"O-oh! Alia anong ginagawa mo, hija?" Takang tanong ni nay Lydia ng makita ang mga pagmamadali ko sa pagbabalot. Inilalagay ko ang lahat ng paninda sa plastik.


"Binili ko po lahat." 'Yong babae ang sumagot.


"Tulungan niyo nalang po ako nay. Gusto ko na rin pong umuwi. Medyo sumama po ang pakiramdam ko." Alam kong pagdating sa mga dahilan madalas maniwala si nanay Lydia sakin kaya hindi na ako nagtaka ng tumulong na sila sa paglalagay ng lahat sa bawat supot.


Nagmamadali ako sa pagkilos pero alerto ang pakiramdam sa paligid. Nilingon ko ang babae sa aking harapan at mariin lang siyang nakatingin sa akin. Seryoso ang mga mata at ekspresyon. Hindi ko talaga siya makilala. Hindi ko matandaan kung minsan ko na ba siyang nakasama. Bago ang mukha niya para sa akin.


"Sa likod kayo ng bayan dumaan. Doon sa mas malayong daan malapit sa gubat." Napakahina ng boses niya pero hindi nakatakas sa pandinig ko. Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Hinahanap kung may mali ba sa mga sinabi nito.


"Bilisan niyo!" Lalo akong nagmadali. Matapos mailagay sa tamang lagayan ang lahat inayos ko na ang mga gamit namin.


Hindi ko siya kilala pero kahit kailan hindi nagkamali ang kutob ko. At sinasabi nito na kailangan ko syang sundin.


"Sandali miss! 'Yong sukli mo!" Sumigaw si nanay Lydia pero huli na dahil nilamon na ng dagat ng tao ang babae.


"Naku paano ito?"


"Ako na." Kinuha ni tatay Lando ang pera kay nanay Lydia.


"Hahabulin ko 'yong babae, mauna na kayo."

Nagulat ako lalo na ng walang paligoy-ligoy na tumakbo si tatay Lando para sundan 'yong babae.


"Tay!" Maging sila nay Lydia at Kenzo nagulat sa biglang pagsigaw ko.


"Tay!" Tumakbo ako para habulin si tatay Lando ng matigilan ako sa mahigpit na hawak ni Kenzo sa aking kamay.


"Alia! Hayaan mo na si tatay Lando, isusuli lang niya ang sukli nong babae." Kita ang pagtatanong sa kanyang mga mata dahil sa mga biglaan kong kilos pero hindi ko kailangang pabayaan si tatay Lando. Napansin ko ang paligid at ang pagkilos ng mga taong kanina ko pa napapansin sa bawat sulok.


"Kenzo mauna na kayo ni nay Lydia! Doon kayo dumaan malapit sa gubat. Susunod kami ni tatay Lando."

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon