Enough reason
~~~🌸~~~
Iminulat ko ang mga mata ko. Dahan-dahan at medyo nahirapan pa ako nang una, na halos ikasilaw ko ang ilaw na namataan ko sa itaas. Muli akong pumikit pero kalaunan ay tuluyan ko ring naimulat ang aking mga mata. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa tuluyang nakapag-adjust ang aking paningin sa liwanag na dala ng buong silid.
'Asan ako?'
Unang tanong na pumasok sa isip ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Halos purong puti ang nakikita ko sa buong lugar. Isang silid na may kulay puting pader, puting kisame, puting kama at puting maliit na mesa sa aking tabi. Mula sa aking kaliwang braso, may nakatusok din sa aking dextrose.
Dahan-dahan akong umupo, napahawak ako sa aking ulo ng bahagya itong sumakit kasunod ay sa aking tiyan. Tiningnan ko ang aking suot pero nagulat ako na iba ito sa madalas kong isuot na bestida.
Ang baby ko!
Nang maalala ko iyon, tila binuhusan ako ng isang timbang malamig na tubig. Nanlamig ako. Tiningnan ko ang tiyan ko at hinaplos iyon.
Anong nangyari? Anong nangyari sa baby ko? Anong nangyari sa kanya?
Ibinaba ko ang paa ko sa gilid ng kama ngunit saktong pababa na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Kasunod noon ay ang nabungaran kong si nanay Lydia kasunod ang Doktora na huli naming nakausap noong nagpa-check up kami.
Lumapit silang dalawa sa akin. Si nanay Lydia na nag-aalala ang mukha habang iyong doktora namang malungkot ang mga ngiti sa akin. Para akong ginapangan ng malamig na kung ano. Hindi ko maitago ang pinaghalong kaba at takot sa akin. Napakarami kong tanong kanina pero ng makita ko ang kung anong nasa ekspresyon ng dalawang bagong dating parang umurong ang dila ko. Parang hindi ko na kayang magtanong.
"Alia, kumusta ka na hija?" Si nanay Lydia ang unang nakalapit sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa aking tabi habang sinusubukang ngumiti ngunit kakaiba ang naramdaman ko para roon. Ayokong mag-isip ng kung ano pero kumakalabog ang dibdib ko.
Nilingon ko si Doktora. Katulad ni nanay Lydia ngumiti rin siya sa akin pero hindi ko mahimigan ang kasiyahan. Tila ba taliwas ito sa kung ano talaga ang nakikita kong lungkot sa kanilang mga mata.
"Anong nararamdaman mo Alia?" Lumapit sa akin si Doktora. Wala naman siyang ginawa pero nanunuri ang kanyang mga mata. Para bang naghahanap ng kung anong mali sa akin para iyon ang gamutin.
Tiningnan ko ito, "Ayos na po. Medyo masakit lang ang tiyan ko."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...