Kabanata 14

263 19 1
                                    

Busy


~~~🌸~~~


"What?" Halos mapasigaw ako.


Hindi siya? Kung ganoon sino iyon? Sino ang nakita ko? Hindi ako pwedeng magkamali, isang Underground Reaper ang nakita ko. Sa presensya pa lang nito masasabi ko ng kakaiba, at hindi kabilang sa mga iniwan ni Lukas na magbabantay. Alam kong hindi rin ito kabilang sa kung saang grupo kaya mahirap paniwalaan ang kanyang sinabi. I never doubted my instinct.


Napatayo ako. Naiiling habang iniisip kung gaano kaimposible ang sinabi niya.


"No!" Umiling-iling ako, "Alam ko ang nakita ko. I was an Underground Reaper before I became an Underground Assassin. I was with you for a long time kaya alam ko ang galaw ng isang tulad nila, ng tulad niyo, ng tulad natin. Even you, Teijie, Ylyanna or Ysabelle. I know you all, I can easily figure out your moves kaya—


"Hindi ko sinasabi na hindi Underground Reaper ang nakita mo, Alia. My point is, I am not that Underground Reaper!" He said.


Now I'm confused. Kung hindi siya? Sino iyon? Ibig bang sabihin may Underground Reaper talaga na narito, maliban sa kanya? Kung ganun wala akong ibang makitang dahilan kung bakit siya narito, malamang para sa akin.


Natulala ako, hindi ko alam kung anong sasabihin. Maraming tanong sa akin pero hindi ko naman alam kung saan sisimulan. Masyado akong nagulat para roon.


"May alam ka bang dahilan, Alia kung bakit sila narito?" Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin dahil kahit ako hindi alam, walang alam.


"W-wala—


"They must have a reason." Putol niya sa akin.


I know that. They must have. Hindi sila pwedeng basta na lang pupunta rito ng walang dahilan. Maliban kay Makkie of course. He's my friend and his reason is to visit me, that's all. Pero kung iba? I don't think they're here to visit me.


Napatitig ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Pilit hinahalungkat sa aking utak kung sino iyon. At isa pa ano namang dahilan nila?


Wala akong makita, hindi ko malaman...


Nakalipas ang isang araw na halos tulala lang ako. Kahapon dito dumalaw si Makkie pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakalimutan ang mga napag-usapan naming dalawa.


Alam ko, hindi ako pwedeng magkamali. Tama ang nakita ko. Isa itong Underground Reaper at kung hindi man iyon si Makkie wala akong makitang dahilan para pumunta sila rito. Kung hindi para sa isang misyon wala silang ibang rason. At kung para sa misyon nga, maaaring ako, maaaring hindi.


"Alia, hija bakit parang malalim ata ang iniisip mo?" Natigilan lang ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si nanay Lydia sa aking harapan.

FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon