Important
~~~🌸~~~
I have questions. Not only one, not two or even three. I have so many questions on my mind right now and I feel like I am exploding. Pero bakit sa dami ng gusto kong malaman sa huli, heto at nasa loob na ako ng kwarto. Tahimik, nakatingin sa kawalan at hindi dinadalaw ng antok. Sinunod ko ang sinabi ni Lukas na magpahinga but until now, I am still thinking about things I need to be answered.
Muli akong naupo at pumwesto sa gilid ng kama. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa mga binti ko pero alam ko na hindi ito ang dapat kong unahin sa ngayon. Mas marami na akong napagdaanang sugat noon. Mas malalim at mapanganib kesa rito. Kung ihahanlintulad noon, isa lamang itong daplis pero iba ang sitwasyon ko ngayon. Kung noon sarili ko lang ang iniisip ko, ngayon may mga tao akong gustong protektahan. Mga taong ayaw kong madamay sa madilim na mundo kung asan ako. Kaya naman hindi ako pwedeng umasa sa bagay na ayos lang ako, na ayos lang ang kalagayan ko. Kailangan kong gumaling sa lalong madaling panahon para sa kanila para maprotektahan ko sila.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan kong inipon ang tamang lakas para makatayo. Kumikirot ang sugat pero hindi naman hanggang sa punto na hindi na ako makakalakad. Nagdahan-dahan na lang ako para hindi masyadong magamit ang lahat ng pwersa.
Marahan ang bawat hakbang ko patungo sa pinto. Binuksan ko ito at nakitang nakapatay na ang ilaw sa sala. Hindi ganoon kalaki ang bahay. Dalawang kwarto lang, isang maliit na sala na may bilog na mesa sa gitna, isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at dalawang mas maliit pa. Sa gilid ay doon nakaharap at matatanaw ang dalampasigan na hindi kalayuan ang malawak na dagat.
Sa bandang kanan ko nandon ang isang maliit na pinto na may kulay puting kurtina. Pinto patungo sa maliit na kusina pati narin ang hapag-kainan. Noong ako lang ang nandito pakiramdam ko sapat lang sa isang tao ang buong bahay. Maliit lang naman ito at gawa lang din sa pawid at kahoy. Malayo sa lugar na nakasanayan ko noon sa dati kung buhay. Pero ngayon na may kasama ako pakiramdam ko ang sikip-sikip. Ang hirap kumilos at para akong may kaagaw sa hangin.
Hindi ko na binuksan ng ilaw sa sala. Sanay ako sa madilim at malinaw ang mga mata ko sa ganitong tagpo. Isa sa hinubog sa amin noon sa Underground. Nakarating sa kusina at ang ilaw na lamang doon ang binuksan ko. Sandali akong naupo sa isang plastik na upuan para ipagpahinga ang mga binti ko. Sa sandali kong pagmumuni-muni, muling bumalik sa isip ko ang mga taong naiwan ko sa dati kong buhay. Kumusta na kaya sila ngayon?
Hindi ko nagawang magpa-alam ng maayos. Hindi sila sang-ayon sa mga desisyon ko noon pero ginawa ko pa rin. I saw my friends crying that day. Ang pagwawala nila Ysabelle at Ylyanna. Ang tingin sa mga mata nina Teijie at Makkie. Lahat sila hindi sang-ayon sa lahat ng ginawa ko pero sa huli, ginawa ko pa rin ang sa tingin ko'y tama. I badly wants to see Cassiopeia. I was so desperate that I did that craziest stunt.
Pero ganun nga talaga siguro. Walang kahibangan kung para naman sa importanteng tao sa buhay mo. She's my best friend and my family. Nakalimutan man niya ako, hindi pa rin iyon nagbago. Siya ang tumanggap sa akin noong panahon na pakiramdam ko tinalikuran na ako ng mundo kaya ngayon, hindi ako nagsisisi sa lahat. Napunta man ako sa lugar na ito, ang mahalaga napanatag ko na ang loob ko sa isipin kung asan siya. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon. Mali man ang pinili kong paraan, ang mahalaga nalaman ko ng ligtas siya.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...