Friendship
~~~🌸~~~
My whole night was a mess. Anong oras na ako nakatulog dahil sa pamemeste ni Lukas sa aking isip hanggang sa madaling araw.
Alas-sais ng umaga gumising na ako para makapag-gym mamaya sa kabilang tower. I made my salad for breakfast at inayos ko na rin ang maliit na sugat sa aking balikat. Talagang daplis lang naman ito, hindi malalim at hindi rin malaki. Kaya hindi na kapansin-pansin ang maliit na pantakip sa aking sugat na inilagay ko kanina matapos kong makaligo at makapagpalit ng isang sports bra and a black leggings para hindi mahirap gumalaw. Itinali ko rin ang aking buhok ng pabilog at itinaas. Nakahanda na ang aking gym bag. I put my towel, water and other stuff para hindi na ako mahirapan mamaya.
I was planning to stay on the gym for about 2 hours. Ngayon ko na lang ulit ito gagawin matapos ang mahabang panahon. Isa pa, Cassiopeia's kinda busy today. Sa ibang araw na lang ako makikipagkita sa kanya. I already told her about what I did last night. She didn't tell me the whole detail about what happened but I saw my pictures on some news sites on the internet about me saving Mrs. Tan's life and Cassiopeia really laughed at that.
Damn! It's not my intention on the first place. I shot her husband and I didn't mean to save her life. Naawa lang talaga ako and that was purely coincidence.
I ate my salad at dumiretso na palabas ng aking unit. It's Saturday, so technically marami ang nasa gym ngayong araw. Ito rin ang unang beses na susubukan ko ito rito. Titingnan ko rin kung maganda ba ang kanilang facility para sa susunod pwede akong makapag-decide kung dapat ba akong maghanap ng ibang venue.
Pinindot ko ang ground floor button at naghintay sa pagbaba ng elevator ng biglang tumutog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at binasa ang isang mensahe galing kay Makkie.
Until now hindi pa rin talaga siya tapos sa pagtatanong kung sino iyong narinig niya kagabi sa aking cellphone. Although I found ways para hindi na iyon mapag-usapan. Parati kong iniiba ang topic namin o kaya ay sinasabi sa kaniya na hayaan na niya iyon dahil hindi naman importante.
I read his message and I can't help but to smile whenever he's like this.
Makkie :
Are you done with your breakfast? I'm with Teijie right now. We have something to do, but we'll be back maybe tonight.
Hindi ko naman siya sinabihan o inoobliga pero sinasabi pa rin niya sa akin lahat ng gagawin o ginagawa niya. Hindi ko alam kung para saan pero natatawa na lang ako just by the thought of it.
Nagtipa ako ng isasagot.
Ako :
Yep, I'm done. Take care, you two! I'm on the way to the gym.
Kasabay ng pagsend ko ng message ay ang eksaktong pagbukas ng pinto. Dire-diretso ako palabas hanggang sa makarating ako sa kabilang tower. Hindi naman malayo kaya ilang minuto lang nang makarating ako. Sumakay ulit ako ng elavator papunta sa tamang palapag at halos wala akong kasabay.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomanceIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...