Papel
~~~🌸~~~
Panibagong araw, panibagong pakikipagsapalaran. Pumunta ako sa tabing dagat, sa lugar kung saan ko nakalaban ang limang Assassin mula sa isang kilalang grupo kagabi pero wala na ang mga ito. Hindi na ako nagtaka. Hindi narin naman ito bago.
Nilakad ko ang buong parte kung saan ko natatandang bumagsak ang katawan ng bawat isa sa kanila ng may mamataan ako. Mula sa pino at kulay puting buhangin isang kulay pulang patak ang napansin ko. Dahan-dahan akong lumuhod para maabot at makita ng mas malinaw ang buhangin ng tumugma nga ito sa iniisip ko. Isang pulang patak mula sa katawan ng isa sa mga nakalaban ko kagabi... dugo.
Tinanaw ko ang malawak na dagat at ang maingay na lagaslas ng tubig at hampas ng mga alon. Mag aala-sais palang ng umaga at hindi pa nakikita ang kabuoan ng haring araw. Sinadya kong pumunta sa lugar na ito para lamang suriin ang ilang bagay at hindi naman ako nabigo.
Blood and marks are telling me that last night was not a dream. It is the painful reality telling me how cruel and what kind of monster I am. Dumaan ang mga daliri ko sa pino at kulay puting buhangin kung saan makikita ang ilang patak ng dugo. Mukhang hindi nila nalinis ng maayos ang buong lugar. Nakapagtira sila ng ilang marka at palatandaan.
Kumuha ako ng isang dakot na buhangin at siya kong itinabon dito para hindi na makita. Alam kong nagpapanggap lang akong anghel sa mga taga-rito kaya iyon ang paninindigan ko. Isa akong anghel, isang mabuting tao kahit ang totoo isa akong halimaw.
Tumayo na ako at tinanaw ang malayong parte ng malawak na karagatan. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ang isang malawak na isla pero sa tanawin mula rito para bang napakaliit nito. Tila ba kalahati lang sa sukat ng islang ito kung saan itinuring ko ng bagong tahanan.
The wind is hugging me. It was like, the only thing who can feel the true emotions inside me. At dito ko lang din naibubulong ang totoong saloobin ko. Ang hangin lang din ang natatanging nakakakilala sa akin sa buong lugar na ito at wala ng iba.
"Alright, here we go again. The freak is here." Napalingon ako sa likuran ng may biglang nagsalita.
Suot ang isang maikling shorts at black bikini top, inirapan ako ni Queeny. Anak ng kapitan dito sa Isla at kinasanayang maligo sa dagat ng ganitong oras kasama ng mga kaibigan niya.
Maganda ito. Maputi ang balat at balingkinitan ang katawan. She's maybe seventeen years old but her body is on full bloom. Her chest are perfectly formed matched with her small waist and another perfect curve on her hips. Her long legs are always exposed. She loves to wear shorts and dresses, well maybe that is just every time I saw her but that was actually almost everyday so I guess she really love that fashion style.
Maganda ang kulay brown niyang mga mata na minsan ko ng natitigan lalo na kapag tinatamaan ng sikat ng araw o ng liwanag. Lalong nadedepina ang magandang kulay na tumugma sa maliit na bilogang hugis nito. Natural na may katamtamang kapal ng kilay at matangos na ilong. Maliit lang din ang kaniyang mga labi at mapupula pa kaya hindi na ako magtataka kung bakit pantasya siya ng buong taga-isla. Ngunit kung gaano kaganda ang kaniyang mukha, para sa akin gano'n naman kapangit ang kaniyang ugali.

BINABASA MO ANG
FORBIDDEN ( Underground Series Ⅰ )
RomantizmIsang komplikadong buhay, iyan ang meron si Alia. Magmula ng mawala ang mga magulang ay doon siya sinimulang gipitin ng buhay. Para makapag patuloy, walang nagawa si Alia kung hindi ang pasukin ang isang mundong paulit-ulit niyang isinumpa noon. Mun...